CHRISTINE’S POV
After ng kasal, pumunta kami ni james sa hotel na pinuntahan namin nung nalasing kami para makapag-usap. Umupo ako sa ibabaw na kama...
“Carter! Halika dito.”
“Bakit loves? Gusto mo bang totohanin natin ‘yung “honeymoon” natin?” he grinned at me at binato ko naman siya ng unan.
“Kapal ng muka mo. Halika dito dahil may pag-uusapan tayo.” Sabay inirapan ko siya. Inilabas ko ‘yung notebook sa bag ko at iniabot ko sa kanya.
“Ano ‘to loves?”
“Tigilan mo ‘yang kaka-“loves” mo at basahin mo ‘yung nasa first page.”
RULES OF OUR “FAKE” WEDDING
1. No kissing
2. M-W-F : Si james ang gagawa ng mga chores.
T-Th-S: Si Christine ang gagawa ng mga chores.
Sunday : You can do anything you want like hanging out with your friends, etc.
3. Walang magte-text o tatawag para magtanong ng “Asan ka?”
4. Hindi tayo tabi matutulog.
5. Pwede pa ring manligaw si James sa iba.
6. Pwedeng mag-paligaw si Christine sa iba.
7. Gagawin natin ang mission natin, isasalba mo ang negosyo niyo, tatapusin ko pag-aaral ko.
8. Dadalhin mo ko sa Pilipinas.
9. Walang ibang makaka-alam bukod satin at sa pamilya natin na we’re married already.
10. After 6 months, pwede na tayong mag-hiwalay.
Napansin kong napa-kunot naman ang noo ni James habang binabasa yung mga rules. After how many seconds, bigla naman siyang natawa.
“Ha-ha-ha! These rules are funny, but okay. Gagawin natin ‘tong mga ‘to.”
“Oops, tekaaaaa. Anong araw ngayon?” naka-ngiti akong nagtatanong sa kanya na para bang inaasar ko siya.
“Mon... ang daya mo naman!!!” Tinawanan ko siya habang binato niya naman ako ng unan. Gaganti sana ako kaso, bigla naman niyang inilapit ang muka niya sa mukha ko...
“Christina...”
“J...James ha! A...anong ginagawa mo?” Halos hindi ako maka-galaw dahil isang maling move lang, mahahalikan niya na ako.
“Hindi man lang ba ako makaka-halik sa asawa ko?” Tatawa sana ako, kaso nakita kong seryoso ang muka niya. Nag-umpisa nang manlamig ang katawan ko. Syet, natitigilan ako. Ang lait na ng muka niyang gwapo sa’kin... Pero, mali ‘to. Nasa rule number one na hindi kami mag-hahalikan no! Hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang mukha niya, sabay inilayo ko. Tumayo na ako sa kama,
“Che! Nagugutom na ako, do your job.” Tumayo naman siya at lumabas na para bumili ng kakainin namin.
JAMES’ POV
Ang daya. Kahit kiss man lang, wala? Talagang sa papel lang kami kasal eh, no? Pumunta ako sa malapit na fast food para umorder ng pagkain namin tonight. Nagulat ako nang makita kong kumakain din dun sa loob si Alyssa. Kasama niya si Aron, at muka silang masaya ha!
Sumakit ‘yung dibdib ko. Naramdaman kong affected parin pala ako na niloko niya ako. Nakita naman ako ni Alyssa at nag-attempt siyang lapitan ako.
“James, hey. How are you?” Wow, akala mo walang ginawang kasalanan tong babaeng to.
“I’m fine. I just dropped buy to buy some foods for my girlfriend.” Nakita kong napa-taas ang kilay niya, pero nilagpasan ko lang siya at pumunta na ako sa counter. Habang hinihintay ko yung order ko, naka-recieve ako ng text galing kay Christine...
From : Wifey (walang kokontra, asawa ko naman talaga sya eh)
You have to get back here, ASAP.
Nataranta naman ako at nang makuha ko na ang order ko, nagmadali akong mag-drive pabalik sa hotel.
Sa may pinto palang, naririnig ko na siyang sumisigaw. Agad-agad ko namang binuksan ‘yung pinto. Pagka-kita niya sakin, tumakbo siya at niyakap ako. Takot na takot. Nabitawan ko yung mga bitbit ko at niyakap ko rin siya ng mahigpit...
“Christina... what’s wrong?”
“May... may...” halos hindi niya magawang luwagan yung yakap niya sakin dahil nga sa matinding takot. “May... ipis sa kitchen.”
0______________0
“Christina... nataranta ako para sayo dahil lang sa... ipis?”
“No! It’s scary kasi lumilipad siya!!!”
“Ano ba! Lahat naman ng ipis lumilipad eh. Tsaka bakit may ipis dito?!” napa-lakas ata ‘yung boses ko kaya bumitaw siya sa pagkaka-yakap sa’kin.
“Takot ako sa ipis, okay?! At ibang takot lalo yung nararamdaman ko kapag lumilipad sila!!! At pwede bang wag mo kong sisigawan? Dapat matuwa ka dahil ikaw agad ang naisip ko nung natatakot na ako!!!!” naluluha na siya.
Dala siguro ng kaba ko nung nagtext siya at pagka-kita ko kay Alyssa, uminit agad ‘yung ulo ko.
“Christina....” I grabbed her arms pero mabilis siyang umalis at lumabas ng hotel room. Hindi ko siya nagawang habulin agad dahil ako mismo, nagulat sa nagawa ko. Pero, hindi niya ako masisisi, hindi ko naman alam ang lahat ng tungkol sa kanya eh.
CHRISTINE’S POV
Okay, ang babaw pero ayoko sa lahat yung sinisigawan ako. Tsaka pwede ba? Nakakatakot naman talaga yung ipis na lumilipad eh. :(
Saan ako pupunta neto? Nakaka-inis. Ilang oras palang kaming mag-kasama nag-away na agad kami. Paano nalang pala kung seryosong kasal na kami? Edi araw-araw, giyera. Ang bilis naman niyang nagalit. Para ‘yun lang eh.
Naglakad-lakad pa ako ng biglang makaramdam ako ng gutom. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung nasan ako, pero ang importante, maka-kain ako. Sa isang stand, bumili ako ng hotdog at bacon.
Pagkatapos kong kumain, umulan naman. At dahil hindi ko na alam kung asan ako, natakot na naman ako. Ayoko naman nang itext si James, baka sabihin niya, sinasayang ko na masyado ang oras niya. Ayoko! Uuwi ako mag-isa. Papa-tigilin ko lang ‘tong ulan, tapos babalik na ‘ko sa hotel.
* * *
Ay, grabe. 10 PM na, hindi parin tumitigil tong ulan. Ayoko pa rin itext si James, pero gusto ko na talagang umuwi. Inaantok na ‘ko... Gusto ko na mag-taxi kaso hindi talaga kasya yung pera ko. Naisip ko nalang na si Kyle na lang ang itetext ko. Papahatid ako sa kanya.