CHRISTINE’S POV
Pagpasok ko ng bar, nakita ko si James. Naka-upo sa may counter at umiinom... nang mag-isa. Kailangan ko ng kausap. Sakto. Tumabi ako sa kanya at halatang nagulat siya nang makita ako. Tumingin ako sa kanya pero parang biglang nakaramdam ako ng kung ano sa puso ko. His eyes... they were different the first time i saw them. Bakit parang ang lungkot lungkot ng mga mata niya ngayon? Ano kayang dahilan bakit nandito siya, umiinom at mukang wala sa sarili?
Umorder na ‘ko ng iinumin ko. Hindi ko parin kinakausap si James at lalong hindi ko na siya tinignan ulit. Hindi ko na ulit kayang makita yung mga mata niyang sobrang lungkot ngayon...
“Have you ever been cheated on?” bigla niyang naitanong sa’kin. Mukang alam ko na kung anong problema neto ah.
“I’ve never been into relationships so, not yet.” Sagot ko habang pinilit kong hindi talaga siya tignan at uminom na lang ako.
“I was never faithful to her.” Naramdaman kong his voice broke a bit at parang naririnig ko na siyang umiiyak. Teka... ano bang nangyayari sa kanya? Nilingon ko siya ng dahan-dahan at nakita ko ngang umiiyak na siya. “Tell me all about it.” I said to him in a very gentle voice...
“Two years Christine... ganun katagal nag-tiis si Alyssa. Kung tutuusin, wala naman akong karapatang masaktan... magalit... kasi niloloko ko naman talaga siya!” medyo napalakas na ang boses niya, kaya tinapik ko siya sa likod. “James...”
“I saw her with... with his ex boyfriend. Sa bahay niya mismo. WALA AKONG KARAPATANG MAGALIT PERO WHAT THE HECK IS THIS FEELING?! Ang sakit ng dibdib ko at nahihirapan akong huminga! Lalong naninikip ang dibdib ko kapag pinipigilan kong umiyak!!!” Kitang-kita ko kung gaano niya hinigpitan ang hawak niya sa basong iniinuman niya. Nakaramdam ako na parang may pumukpok sa puso ko nung nag-umpisa na talagang tumulo ang mga luha ni James... Kung hindi niya mahal si Alyssa, hindi siya iiyak ng ganito.
Bigla kong nakalimutan ang dahilan ko kung bakit ako nagpunta sa bar na ‘to. Parang... gusto ko nalang mag-stay para may mapag-kwentuhan siya ng lahat ng sama ng loob niya.
Mahal niya naman pala kasi si Alyssa eh. Bakit naman niya nagagawang mambabae pa? Pero sabagay, may mga lalaking ganun. Nambababae talaga sila, but at the end of the day, bumabalik at bumabalik pa rin sila sa isang babae. May mga babae namang tanggap na kung nambababae man yung partner nila, basta ang mahalaga, sa huli... sa kanila parin yung partner nila bumabalik...
* * *
Isang oras ko nang pinapanuod si James na umiinom. Hindi ako nakaramdam ng antok o kung ano pa man. Napansin ko rin na hindi naman siya ganun ka-lasing. Nagkakausap pa kami ng maayos.
“Sorry kung napaka-presko ko nung unang araw na magkita tayo.” I saw him smiled after niya tong sabihin sa’kin. Gumaan naman kahit papano yung pakiramdam ko nung maiba na ang aming usapan.
“Ayos lang ‘yun sa’kin. Sorry din kung ang taray ko sa’yo nun.” I smiled back at him. Bago pa siya malasing ng todo, may itinanong na ako sa kanya...
“Do you want to come with me? Let’s drive somewhere.” Para kasing bigla kong naramdaman na gusto ko siyang ilayo sa mga iniisip niya. Nararamdaman ko kasi kung gaano kabigat ang nararamdaman ni James, at iniisip ko baka pareho lang sumama ng todo ang loob namin kapag nagpaka-lunod pa kami sa alak.
He looked at me like, for three seconds then he smiled at me and he said, “Sure.”
We both agreeed na kotse ko ang gagamitin namin at ako ang magda-drive since naka-inom na nga siya. We bought beers and I started the engine...