CHAPTER 13: HAPPY, MAYBE.

5 0 0
                                    

CHRISTINE’S POV

12:32 a.m

Nakarating kami sa Pilipinas. Tuwang-tuwa ako. Sa sobrang tuwa ko, kumapit ako sa braso ni Kyle habang paulit-ulit kong sinasabi ‘yung, “thank you Kyle, thank you Kyle, thank you Kyle,” Gusto ko sanang makita sila Mandy, si Eugene at yung iba ko pang mga kaibigan kaso pagod ako. Kaya isinama ko si Kyle sa vacation house namin  sa Tagaytay. Dito na muna kami mag-i stay.

“Kyle, sa kama ako sa sofa ka.”

“Fair enough,” he said and he grinned at me. “Just kidding, okay. Okay lang sa’kin. Sa sofa ako.”

Ang gwapo talaga nito ni Kyle. Bat ba hindi nalang siya ‘yung pinakasalan ko ng kunwari. Baka sakaling yung kunwari, magkatotoo na.

“Christine, yung mata mo. Matutunaw ako.” Hindi ko alam pero naramdaman kong uminit ‘yung pisngi ko kaya yumuko ako, tapos ibinato ko sa kanya ‘yung isang unan na hawak ko. After that, nagtawanan na kami. Ang saya ko na sana, kaso naalala ko naman bigla yung yakap ni James. Argh.   Kamusta kaya siya, hindi niya kaya ako hinahanap?

“Oo nga pala.” Habang nagliligpit ako ng gamit narinig kong nagsasalita si Kyle. Nasa sala siya, nasa kwarto ako. “Ibinigay ko kay kuya yung contact number na pwede niyang tawagan para naman makapag-usap kayo, kami I mean.” Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Matutuwa ba ako, o hindi? Should I be thankful o dapat mainis ako? Hindi ko talaga alam. Pagkatapos kong magligpit, nag-ring na ‘yung phone ko...

“CHRISTINA!” Si James!!! Gulat akong nakatingin kay Kyle, si Kyle naman nakangiti lang habang nakatingin sa’kin.

“HOW DARE YOU DO THAT STUPID THING CHRISTINA! YOU GET YOUR DUMBASS BACK HERE IN AMERICA O AKO ANG PUPUNTA DIYAN?!” Galit na galit si gago.

“James, hindi ko alam kung anong ikinagagalit mo dyan, pero---“

“Wala akong pakealam Christina! Babalik ka dito, o ako ang pupunta dyan para kaladkarin ka pabalik dito?!”

“Kakaladkarin mo ‘ko?!”

“Oo! Kung yun lang yung way para bumalik ka dito!”

“Ayoko!!! Kakarating lang namin dito, okay?! Isa pa, ayokong bumalik dyan dahil ginagawa mo lang akong tanga! Ayoko na dyan! Maaalala ko lang yung ginawa niyo ni Alyssa sa kama ko! Okay?! Oo, kama ko yun dahil ako ang natutulog dun!!! I hate you, James Carter!!!” siguro mga ten seconds na walang nagsasalita sa kabilang linya. Akala ko wala na siya ng biglang...

“You’re jealous wifey, aren’t you?” ang kapal talaga ng muka. Hindi niya alam na nakaka-galit naman talaga ‘yung ginawa niya, nila! Ang kapal ng muka ni James. Hindi na ako sumagot, ibinaba ko na ‘yung phone.

Kyle: “Para kayong aso’t-pusa. Nakakatuwa makinig sa mga sinasabi mo Christine. Pero, masakit sa tenga at the same time.”

Me: “Matutulog muna ako. Kapag tumawag ulit ‘yung kuya mo, ikaw na ang kumausap.” Tapos nun, tumayo na ako at nahiga sa kama.

JAMES’ POV

Bullshit! Anong nangyari?! Bakit magkasama si Kyle at Christina sa Pilipinas?! I’m going to get MY WIFE back. Nag-aayos ako ng gamit ng bigalang makatanggap ako ng tawag galing kay mama...

Mom: what the hell is happening JA?! Bakit pumunta ng Philippines ‘yung dalawa nang biglaan?!

Hindi ko pwedeng sabihin na pinapunta ko si Alyssa dito sa  hotel, siguradong lagot ako.

Me: I don’t know. I’m fixing my things, I’ll take her back here. Alam na ba ng parents niya?

Mom: I don’t know, James---

Me: Mom, I’m sorry okay? Ikaw na munang bahala sa company. I love you.

Then I hung up the phone.

Kasama sa usapan namin na ako ang magdadala sa kanya sa Pinas. Bakit pabigla-bigla nalang siyang nagdedesisyon?!

KYLE’S POV

Maaga ‘kong ginising si Christine. Excited akong mamasyal kasama siya. Gaya ng dati, ang ganda ganda niya pa rin kahit naka-shorts at tshirt lang siya.

“Oh Kyle, yung mata mo. Matutunaw ako.” Nakangiti niyang sinabi nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. Then I smiled at her.

“Dala mo lahat ng kailangan natin?” I asked.

“Yes” she said. Naglakad na kaming dalawa, hawak ko ang kamay niya. Sigurado akong okay lang kasi hindi naman siya nag-react. In fact, hinawakan niya rin ‘yung kamay ko.

Kung saan saan kami nakarating pero hindi ako nakakaramdam ng pagod. Alas-otso na ng gabi, naupo kami sa terrace ng vacation house nila. Nagtimpla siya ng kape namin at tuwang-tuwa niyang ipinakita ‘yung mga pictures namin kanina...

“Kyle oh! Ang gwapo mo dito! Hahaha” lumapit siya sakin para ipakita yung mga pictures. Naamoy ko na naman yung pabango niyang paborito ko na. Bumilis ‘yung kabog ng dibdib ko kaya hindi ako tumingin sa camerang inilapit niya. Instead, tumingin ako sa view ng city. Ang ganda... ng city... at ni Christine.

“Kyle, what’s wrong?” she asked.

Bago ako sumagot, nginitian ko muna siya.

“Christine, masaya ka ba?”

“Oo naman!” ngumiti siya and I can see that she’s so sincere. Masaya talaga siya.

“Ayokong ma-in love sa’yo.”

“H...ha? K...kyle, ano bang---“

“Laging ganito ‘yung mga nangyayari eh. Sa mga pelikula, libro. Ako yung nagpapasaya sayo ngayon, pero ibang lalaki ang mahal mo. I mean, sa huli, lahat ng masasayang sandali natin, balewala lang. Yung lalaking sinasaktan ka ng todo, sa kanya ka parin mapupunta. Kasi alam naman natin pareho na kay kuya ka, hindi sa’kin...”

CHRISTINE’S POV

“Laging ganito ‘yung mga nangyayari eh. Sa mga pelikula, libro. Ako yung nagpapasaya sayo ngayon, pero ibang lalaki ang mahal mo. I mean, sa huli, lahat ng masasayang sandali natin, balewala lang. Yung lalaking sinasaktan ka ng todo, sa kanya ka parin mapupunta. Kasi alam naman natin pareho na kay kuya ka, hindi sa’kin...”

Ibig sabihin ba ni Kyle, may nararamdaman na siya para sa’kin? Ayokong isinasali niya sa usapan namin si James. Nasaktan ako ng kuya niya. Sobra. Pinasaya ako ni kyle ngayon, at alam ko sa sarili kong hindi pa ako sumaya ng ganito nung magkasama pa lang kami ni James. 

“Kyle...” I said, “Masaya tayong pareho at yun ang importante. Ako? Hindi ako natatakot ma-in love sa’yo. At ‘yung tungkol sa sinasabi mong lagi na lang ganito ang nangyayari sa mga pelikula o sa kahit anong kwento pa... hindi ‘yun totoo.”

“Christine...”

“Ang sa’kin lang, hindi ko pinapangunahan kung anong mangyayari. Basta ang importante sa mga oras na ‘to, ikaw ang gusto kong kasama hindi ang kuya mo. Magkaiba tayo ng iniisip. Hindi para sa’kin si James. Para siya kay Alyssa.”

Then Kyle suddenly hugged me. Hindi ako nag-isip na itulak siya dahil sa mga oras na ‘to... kung mamahalin niya man ako, hinding-hindi ako magdadalawang isip na mahalin din siya. Bakit ako magtitiis sa lalaking ginagawa akong tanga kung may lalaki namang handa akong pasayahin, diba? 

“Kyle, bawas-bawasan mo ‘yung panunuod mo ng mga cheesy films at pagbabasa mo ng mga librong ganyan ha?” hinigpitan niya lalo ‘yung yakap niya sakin ang we both laughed.

"Let Me Let You Go." (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon