CHAPTER 14: JAMES?!

20 0 0
                                    

CHRISTINE’S POV

Nagising ako at wala si Kyle sa sofa. He was supposed to be there, six a.m palang eh. Hindi naman siya pwedeng mamasyal mag-isa, dahil ang usapan: dapat lagi kaming magkasama sa mga gala... Wait... may katabi na pala ako? Saka ko lang naramdaman na may katabi ko, may nakahiga sa likuran ko at nakayakap sakin. Si Kyle. Sure akong si Kyle ‘to. (Anubah :”>) Kaya hinayaan ko lang na yakap-yakap niya ako.

“Good morning Christine!!!” nagulat ako nang makita kong galing si Kyle sa kusina, bitbit niya na yung tray na may mga pagkain.

“KYLE?! WHAT THE HELL?! WHO’S... WHY?! I MEAN, KYYYYLE?!?!?!?!” Hindi man lang siya nataranta. Tumatawa lang siya habang nag-hahapag.

“Ano ba Christina?! Bat ba ang ingay mo?!” narinig kong nagsalita yung nakayakap sa’kin. CHRISTINA?! CHRIS..TINA?!

“Oh my God James?!?! What are you doing here?!” agad agad ko naman siyang sinipa para malaglag siya sa kama.

JAMES: "Aray!!! Ano ba?! Ganyan ka ba bumati ng ‘good morning’ sakin?! Inaantok pa ‘ko! Three am ako dumating dito, okay? I badly wanna sleep."

ME: "ANG KAPAL NG MUKA MO!!! GET OUT!"

KYLE: "Christine, tama si kuya. Hayaan na muna natin siyang matulog."

Naiinis ako kay Kyle. Hinayaan niyang matulog si James sa tabi ko. Bakit hindi na lang siya yung tumabi sakin at si James nalang sana yung pinatulog niya sa sofa? (okay, ang landi.) Alam kong napansin ni Kyle na galit ako kaya nung tumayo ako sa kama at lumabas sa kwarto, sinundan niya agad ako. Si James naman, halos pagapang na bumalik sa kama para matulog ulit.

KYLE: “Christine, galit ka...”

ME: “What’s happening here, Kyle?”

KYLE: “Well, 1 am he called telling me na nasa airport na siya at gusto niyang malaman kung nasaan tayo.”

ME: “Bakit mo sinabi sa kanya tong lugar na to?!”

KYLE: “Wag kang magalit. Asawa mo siya, kailangan niyong mag-usap.”

Then, tumalikod na siya sa’kin. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong magalit lalo sa kanya at makapag-salita ng kung anu-ano.

KYLE: “Tara na sa loob, kumain na tayo.”

Ayoko. Hindi ako kakain. Pumasok ako ulit sa kwarto para kunin ‘yung maliit kong bag. Aalis ako. Bahala na kung saan, basta aalis ako.

KYLE: “Christine, anong ginagawa mo?” Inagaw niya ‘yung bag ko sa’kin, at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

ME: “Aalis muna ako. I’ll be back before dinner.” I answered in a very cold voice. Nung palabas na ‘ko ng bahay, biglang nagsalita naman si James.

JAMES: “Let her go, Kyle. When she’s pissed, she always walks away.”

 Bigla akong natigilan. Tapos napaupo ako sa sahig at bigla nalang akong umiyak. Nakatakip yung kamay ko sa muka ko. Nasaktan ako sa sinabi ni James. Para bang, bigla ko nalang tinatakasan lahat. Kapag may problema ako, bigla ko nalang naiisipang umalis. Tama naman siya eh. Kaso, hindi niya lang talaga maintindihan na masyado akong mahina para harapin yung mga problema ko. Hindi na nga siya nakakatulong, dinagdagan niya pa yung mga iisipin ko.

Agad naman akong nilapitan ni Kyle. But this time, I pushed him away...

KYLE’S POV

"Let Me Let You Go." (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon