Ivy
Since maaga pa naman ay naisipan ko muna na dumaan sa work ni Ryan. Gusto ko lang siya supresahin kahit pa naiinis ako sa kanya sa ginawa niya sa akin kagabi. Siyempre matitiis ko ba naman ba siya?
"Good afternoon po. Andiyan po ba si Ryan?", magalang na tanong ko kay manong guard. Agad naman ako nitong pinapasok ng sinabi kong girlfriend ako ni Ryan at pinaupo sa reception. Maganda at malaki itong talyer na pinag-woworkan niya. Kulay pula, dilaw at itim ang pader at kisame. Nag co-costumize din kasi sila ng mga sasakyan. Karamihan mga high end.
Marami rin silang mga mekaniko na nagwowork dito. Buti na lang halos lahat ng kasamahan niya ay mga lalaki kaya hindi ako masyado nag-aalala. Meron man mga babae pero mukha na rin mga lalaki dahil sa porma nila na naka overall jumper.
Muntik ko ng mabitiwan yung hawak kong cellphone ng may marinig akong pamilyar na boses. "Balikan ko na lang bukas... tawagan mo na lang ako kapag ready na", wika niya. Bumilis tuloy yuong pintig ng puso ko.
Shit! Boses ni crush yun at biglang nagslow motion ang paningin ko sa kanya. Same outfit na gustong-gusto kong titigan, naka dark blue skinny jeans, white v-neck t-shirt at high cut trekking shoes siya. Naka sling bag pa ito. Ang astig. Lalo na yung kanyang pixie cut hair na gulo-gulo na parang sinuklay lang ng kamay. Haysss.. ano naman kaya ang ginagawa niya dito sa talyer? Kilala kaya niya si Ryan?
Nagulat ako ng tumingin ito sa akin at ngumiti tapos biglang kumindat. Shit! Hindi ko tuloy alam kung yuyuko ba ako o tatayo para kausapin siya.
Babatiin ko na sana siya ng biglang may yumakap sa akin mula sa aking likuran, si Ryan.
Haysss! panira talaga ng moment itong jowa ko. Paglingon ko tuloy wala na si crush.
"Sino yung babae kanina na mukhang rocker?", tanong ko kay Ryan.
"Bakit crush mo rin?", tanong nito na parang nang aasar pa. Paano kinurot pa niya ako sa ilong sabay halik sa labi ko.
"Hindi ah. Ang cool kasi pumorma. Client ninyo? o workmate mo?", tanong ko. Pero sa totoo lang kinikilig ako sa ngiti niya.
"Ah si maam Elise yun, besfriend ni boss. Lagi yun pumupunta dito. Marami kayang chicks ang may gusto duon", sabi nito. Tumango na lang ako pero sa totoo natatawa ako dahil isa rin ako sa may crush sa kanya.
Hindi rin ako nagtagal at may work pa si Ryan. Hinatid naman ako nito sa labas pagkatapos ay mabilis din itong pumasok sa loob.
Nagulat na lang ako ng may kulay itim na kotse na bumubusina sa akin. Hindi ko ito pinansin noong una baka mamaya eh kidnappers pala, pero laking gulat ko ng bumukas yung pinto ng passenger side sabay sabi ng "Ms. Ivy hatid na kita", napanganga naman ako.
Ivy? Kilala niya ako kung ganun.. kinilig ako duon pero siyempre nahihiya din ako.
"Naku huwag na po maam. Malayo po ang bahay ko", tugon ko rito.
"Sige na, diba sa Kamias ka nakatira? Tamang-tama taga Katipunan ako. Sakay na", wika niya na talaga namang ngiting-ngiti pa. Mukhang alam yata niya na crush ko siya ah. Nakakahiya.
Hala paano pala niya nalaman na taga Kamias ako?
Nahihiya man pero sumakay na rin ako. Sayang yung pamasahe eh saka ang hirap din mag commute, lalakad pa ako papuntang Robinson's Galleria para sumakay, eh ang init pa naman ngayon.
Nagulat na lang ako ng iba yung way na dinaanan namin, hindi ito yung daan pauwi sa amin.
"Teka, saan po tayo pupunta?", pangbasag ko sa katahimikan. Paano hindi naman siya nagsasalita kaya hindi rin ako umiimik. Nahihiya kasi ako at na co-conscious. Paano mukha na akong haggard tapos ang dami ko pang bitbit na gamit.
"Relax kakain lang muna tayo. Alam ko gutom ka na. Its been a long day for you tapos hindi ka pa naglulunch. Anong oras na oh", sabi nito sabay tingin sa relo niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ano ba siya manghuhula? o stalker?
Noong una pangalan ko, then address ko, tapos ngayon yung hindi ko pagkain ano naman kaya yung susunod?
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa order niya, ang dami. Mauubos kaya namin ito? Crispy pata, sisig, sinigang na baboy, calamares at chopsuey at meron pang halo-halo. Grabe siya feeling niya PG ako ganun.
Pero in fairness ang sweet niya. Aba siya kaya ang naglalagay ng food sa plato ko. Kulang na lang subuan niya ako. Bakit hindi nga kaya? Ano nanaman ba yung naiisip ko. Halata tuloy na gutom ako.
Ang sarap grabe...I mean yung food. Nakakahiya man pero naparami kung kinain ko. Paano siopao at kape lang sa 711 yung kinain ko kaninang umaga at maaga akong umalis ng bahay. Tapos nag demo pa ako.
Habang kumakain kami ay panay naman ang tanong niya sa akin. Kulang na lang bigyan ko siya ng resume ko at daig pa nito ang job interview. Q and A lang ang peg namin. Madaya siya paano ako lang ang tinatanong niya at mukhang walang balak magkwento ng tungkol sa kanyang sarili.
Pero hindi bale nag enjoy naman ako. Pagkatapos namin kumain ay hinatid na niya ako bahay.
"Thank you maam Elise", sabi ko rito bago niya inihinto ang kotse.
"Elise na lang ang itawag mo sa akin", sagot nito na nakangiti. Hindi ko maiwasan na ma-amaze sa kanya pag ngumingiti. Isa pa hindi parin ako makapaniwala na nag date kami. Ay este kumain pala together. Dati kasi parang napaka seryoso niya, mabait naman pala at sweet pa.
"By the way, thank you din Ivy. See you around", habol pa nito.
"Ingat po kayo maa.... ay Elise pala. Ingat ka Elise", sagot ko rito.
Paalis na sana siya ng bigla ako nitong tinawag.
"Ammm... Ivy, hope you don't mind... Can I have your number?", diretsang sabi niya na kinatuwa ko naman. Paano akala ko hindi na niya tatanungin. Kanina ko pa kasi gustong tanungin yung number niya pero nahihiya ako.
Tumango naman ako tapos inabot niya sa akin yung cellphone niya para ilagay ko yung number ko. Haysss! Nakakakilig naman. Para tuloy akong High school nito.
"Bye Ivy!", sabi niya bago pinaharurot na yung kotse niya.
Malayo na siya pero nakangiti pa rin ako. Ay ano ba itong nararamdaman ko. May goodness! Parang hindi ako 23 years old sa asal ko ngayon ah.
Buti na lang at nauna akong nakauwi kay Ryan. May take home pa akong foods. Yun nga lang hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ryan kung saan galing yung foods. Baka magalit kasi siya kapag sinabi ko na sumama ako kay Elise. Bahala na. Sasabihin ko na lang na naki birthday ako.
Hay, ano ba itong naiisip ko.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Partners (GXG)
RomanceIto ay istorya ng dalawang babae na sa kabila ng pagkakaroon ng kani-kaniyang karelasyon ay nagawa nilang umibig sa bawat isa. Ngayon ay nahaharap sila sa isang desisyon... Pangangatawanan ba nila ang pagmamahalan nila o isasakripisyo nila ang...