1 year after
Olivia
"Calling Dr. Lewis...Calling Dr. Lewis... Please proceed to emergency room....Calling the attention of Dr. Lewis...please proceed to the emergency room..."
"Dr. Lewis...Dr. Lewis... kanina pa po kayo tinatawag para pumunta sa emergy room", sambit ng humahangos na nurse. Hingal na hingal pa ito na halatang tumakbo papunta sa clinic ko.
Papunta naman na sana ako tinatapos ko lang yung ginagawa ko. Nakakahiya naman sa pasyente ko na bigla ko nalang siyang iiwanan and besides patapos na rin naman kami. Nakakapagtataka lang kung bakit ako kailangan pumunta sa ER eh may resident neurologist naman duon at mayroon din ibang mga doktor na naka duty. Another reason pa is... if pasyente ko yun, bago pa lang siya dalhin duon ay naabisuhan na ako. Agad kong dinampot yung cellphone ko para i-check pero wala naman ni isang message except sa mga tawag mula sa landline ng emergency room. Nawala kasi sa isip ko na nakasilent mode pala ito.
"Ok susunod na ako", mataray na tugon ko sa nurse habang nag-papaalam ako sa pasyente ko. Hindi naman mapakali yung nurse at talagang iniitay ako.
"Doc....Its your wife... nasa ER po", mahinang sambit nito.
"Ha? What?", sigaw ko sabay tayo at humahangos na dumiretso sa ER.
"Dr. Lewis, your wife is losing consciousness... marami na ring nawalang dugo sa kanya...", sambit ng resident doctor namin dito sa hospital.
"Car accident doc. Nabangga ng 12 wheeler trailer truck yung sasakyan nila sa Rizal", sambit ng nurse.
"Nila? Sa Rizal?", tugon ko.
"Opo doc may kasama po siya...naiwan po yung kasama niya sa hospital duon sa Rizal. Dito na po dinala si Dr. Elise dahil kulang po yung facilities nila sa hospital duon and besides kilala po kayong dalawa nung isa sa mga medics na tumulong sa kanila", sagot nito.
Magsasalita pa sana ako ng biglang nagfluctuate yung vitals niya tapos naalarma ako sa sound na nagmumula sa machine kaya nataranta ako gayun din yung mga nurses at yung mga kasama kong doctor. Akala namin mag-f-flatline na siya.
"Move! I said move!....ako na.. tumabi kayo...", sigaw ko habang naiiyak na. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin sa kanya. Never in my mind na naisip ko na makikita ko siya sa ganitong kalagayan.
Iba din pala talaga yung feeling kapag yung mahal mo na sa buhay yung pilit mong binubuhay. Marami na akong pasyente na narevive, may mga pinalad na nabuhay at mayroon ding hindi. Pero this is different...hindi ko mapigilan na maging emosyonal. Alam ko na hindi dapat ako ang gumagawa nito sa kanya dahil sa emosyon pero hindi ko naman kakayanin na ipagkatiwala sa iba ang buhay niya. Kahit pa may mga hindi kami pagkakaunawaan, she's still my wife and I love her."Ready to resuscitate!...", sigaw ko...
"Doc, kalma lang...", sambit ng head nurse sabay pisil sa aking braso.
"Doc, ako naman...", pakiusap ng isa sa mga kasama kong doktor.
"Hayaan ninyo ako!", sigaw ko. Kahit anong pilit nila sa akin na sila na ang gagawa ay hindi ako pumayag. Sunod-sunod na rin ang pagbaksak ng luha sa aking pisngi.Hindi ko na maalala kung ano pa yung mga sunod na nangyari... salitan kami ng resident doctor na si Dr. Castro sa pag revive sa kanya hanggang sa bumalik na yung vitals niya sa normal. Duon lang ako nakahinga ng maluwag.
"Thank God you're back!", bulong ko habang sinisipat-sipat yung ulo niyang duguan at mukha na panay sugat. Mayroon din itong mga sugat sa braso at kamay. Nakakapanlumo siyang tingnan.
Hindi ko napigilan ang aking sarili na napasalampak sa sahig sa pagod, niyerbiyos, awa at galit. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. The hell with the poise. Nanginginig pa ang aking kamay na may bahid ng natuyong dugo ni Elise. Pati mga tuhod ko nanginginig pa rin dahilan para makaramdam ako ng pagkahilo. Kahit anong pilit kong pakalmahin ang aking sarili ayaw nitong sumunod. Naramdaman ko na lang na inaalalayan na ako ni Dr. Castro paupo sa stool na nakaharap kay Elise. Agad naman akong binigayan ng tubig ng nurse at kinuha ang blood pressure ko.
"What have you done? Bakit kailangan humantong sa ganito?", mahinang bulong ko rito habang patuloy pa rin ako sa pagluha. Aaminin ko na guguilty ako... partly may kasalanan din ako kung bakit nangyari ito. I did not meant to say those words to her... I did not intend to hurt her... but it happened..
"Lord... forgive me...forgive me for what I've done...please let her live..hindi ko mapapatawad ang aking sarili if tuluyan siyang mawawala", bulong ko habang tinititigan ko ang kanyang kabuoan na animo'y wala ng buhay.
"Doc, ililipat na po namin siya sa ICU", sambit ni Dr. Castro na nagpagising sa wisyo ko.
"Take a break doc, kami na ang nabahala sa kanya. Please rest. We will call you na lang if may concern. Baka mamaya niyan pati ikaw ay maconfine na rin. We need you doc so please rest', pahabol pa nito sabay tapik sa aking balikat. Tumango lang ako. Alam ko na I have to rest dahil konti na lang ay bibigay na rin yung katawan ko. Pero hindi rin ako mapapalagay hanggang hindi siya nagigising."Doc, sige na please...", pakiusap muli ni Dr. Castro.
"Ok! Thank you", tipid na sagot ko habang marahan na tumayo at nilapitan si Elise. Lumuhod ako paharap sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"Hon, I'm sorry....I'm sorry...please wake up... promise I'll make it up to you. Let's fìx this.. I love you still..." , bulong ko rito sabay halik sa kanyang pisngi. Wala na akong pakialam kahit panay dugo pa ito.
'Doc, about the girl that she's with... she's still in the provincial hospital...", sambit ng secretary ko kung saan siya ang nakikicoordinate sa mga pulis tungkol sa aksidente. Bigla naman akong kinabahan at muling nakaramdam ng hilo kaya inabutan ako nito ng isang bote ng mineral water. Binuksan ko ito at uminom.
"What's her name?", kabadong tanong ko rito habang paputol-putol na lumalagok ng tubig.
"Ivy.... Ivy Andrada po doc", tugon nito.
"What? Putan*-ina! Putan*-ina talaga!", sigaw ko. Naramdaman ko na lang ang pagbaksak ng iniinom kong bottled mineral water sa sahig kasunod nito ang pagkasalampak ko sa basang sahig.
"Putan*-ina...putan*-ina...sabi ko na nga ba eh... tang-in* talaga...", sambit ko habang walang humpay ang pagbaksak ng aking luha. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kung kanina I feel sorry for Elise, ngayon ay hindi ko na ma-explain kung ano na yung nararamdaman ko...hindi na kaya ng puso at utak ko i-process kung ano man ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Shit! I'm dying inside...
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Partners (GXG)
Roman d'amourIto ay istorya ng dalawang babae na sa kabila ng pagkakaroon ng kani-kaniyang karelasyon ay nagawa nilang umibig sa bawat isa. Ngayon ay nahaharap sila sa isang desisyon... Pangangatawanan ba nila ang pagmamahalan nila o isasakripisyo nila ang...