The Truth

426 17 1
                                    

Ivy

"Can we talk?", mahinang wika ni Olivia habang nakapikit ito ng mariin.

"Do you need anything?", tugon ko sa kanya na nauutal.

Sa totoo lang ang bilis din ng tibok ng puso ko.

Bahagya ko pang pinupunasan ang aking mga mata dahil basa pa ito ng luha. Ayoko kasi na mahalata niya na umiiyak ako.

Umiling ito at itinaaas ang isang kamay niya na indikasyon na pinapalapit ako nito sa tabi niya.

Kusa naman ako nitong napasunod at mabilis lumapit sa kanya.

Itinuro nito ang isang envelope sa tabi nya.

Marahan ko naman itong binuksan at binasa yung nakasulat sa papel.

Muli nanaman tumulo ang aking mga luha.

Symptoms:
Nausea
Severe headache
Irritability
Seizures and combulsions
Drowsiness
Weakness on a part of the body
Disturb vision, hearing and smell

Diagnosis:
Grade 4 Astrocytoma

Hindi makamove on yung isipan ko dahil hindi mawala-wala sa aking pag-iisip yung grade 4 Astrocytoma.

Hindi ko namalayan na nalukot ko na pala yung hawak kong folder sa higpit ng pagakakahawak ko rito.

Napatakan ko rin ito ng aking luha.

"Stage 4 Cancer...", bulong nito.

"Ivy.... ivy....hindi na ako magtatagal...I am dying", wika niyang muli.

Agad naman akong lumapit sa kanyang tabi at hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit.

"Huwag kang magsalita na ganyan... Kaya mo yan Olivia... kaya mo yan... Huwag kang susuko... Magtiwala ka lang.... Malalampasan mo din yan", wika ko sa kanya habang humihikbi.

Bumilis naman ang paghinga niya kasabay ng panginging ng katawan na indikasyon na nag-seseizure ito.

Agad ko naman inayos ang posisyon nito. Binaling ko ito patagilid habang nakaalalay sa ulo niya.

Nagtagal din  ng ilang minuto ang pangingisay niya.

Muli kong inayos ang kanyang posisyon.

Nang naging maayos na ang pakiramdam niya ay nakatulog na ito.

Saka ko lang namalayan na tumutulo din pala ang pawis ko kahit malamig naman. Medyo nanginginig din ang aking mga kamay.

Pilit ko man pigilan yung mga luha ko sa pagtulo pero hindi ko magawa dahil kusa itong bumabaksak.

"Why do I have to suffer inside?", wika ko sa isipan.

Paano hindi talaga kinakaya ng isipan ko yung sitwasyon niya ngayon.

Of all people bakit siya pa ang nabiktima ng sakit na iyan.

Ano na talaga ang plano ni God sa amin?

Gulong-gulo na aking isipan.

"What happened Olivia?", mahinang wika ko habang pinagmamasdan siya.

Ilang oras na rin kasi itong tulog. Pagkatapos kasi niyang nagsuka ay nakatulog ito.

"Call her wife then....", wika ni Tyne sabay end call. Paano nag seizure nanaman siya kaya tumawag ako kay Tyne para ipaalam sa kanya na nakakailang beses na  nagseseizure si Olivia.

Hindi ko naiintindihan yung nararamdaman ko, natatakot din kasi ko na baka magalit si Elise kapag nalaman niya na ako yung na assign na mag-alaga kay Olivia.

Si Olivia at si Dr. Campbell lang kasi yung nakikipagcoordinate kay Tyne, kaya malamang hindi alam ni Elise na ako yung na assign dito ngayon.

Saka sa trabaho namin, expected na kasi ng mga clients na iba-iba yung pupunta sa kamila na carer unless magrerequrst sila ng permanent na tao pero depende pa din yun kung tatangapin namin yung offer.

With this case, maaring hindi alam ni Elise na naandito ako.

Noong una aaminin ko na talagang ayaw ko ma-assign dito, pero nung makita ko kanina ang kalagayan ni Olivia ay nagbago yung isip ko.

Bwisit na puso ito, naawa ako sa kanya at the same time nakukunsensiya. Pero bahala na.

Alam kong hindi ito magiging madali para sa akin, para sa amin.

"Hello..... Yes hon, I'm ok. Don't worry she's nice... I like her, she's good actually. Yes... She's the one recommended by Dr. Campbell... Yeah, don't worry... don't worry about me... Take care hon.... focus on your work... See you soon.. I love you...", mahinang wika ni Olivia habang kausap ang kanyang asawa sa kabilang linya. Nakapikit ito habang nagsasalita na halatang pinipilit nitong pasiglahin ang tono ng kanyang pananalita para maitago yung sakit na kanyang nararamdaman.

Hindi ko tuloy napigilan na maluhang muli. Medyo mabigat na rin kasi ang aking mga mata sa pag-iyak.

Alam kong nangungulila ngayon si Olivia. Kahit sabihin niyang ok lang siya, hindi maitatago ang pangungulila nito sa kanyang asawa.

Nasa Antwerp sa Belgium kasi ngayon para sa isang conference at ilang araw pa bago ito makakabalik.

"Ivy.... Ivy.... Ivy....", mahinang wika nito.

Agad naman akong napatakbo palapit sa kanyang tabi.

"Ivy...", bulong nito kaya mas lalo akong lumapit sa kanya.

Hinawakan ko ang kanyang maputla at nanlalamig na kamay.

"Ivy, thank you... thank you for being here....", bulong nitong muli.

Humigpit din ang pagkakahawak nito sa aking kamay na tanda ng pagsasabi nito ng tapat.

Hindi ko mapigilang maiyak dahil kung tutuusin ay napakalaki nga kasalanan ko sa kanya noon.

Muntik ng masira ang pagsasasama nilang mag-asawa dahil sa akin. Paano kahit alam kong mali, ay tinuloy ko pa rin ang aking pakikipagrelasyon kay Elise noon.

At hindi lang iyon, lihim din kaming nagtatagpo ni Elise mula ng nagkita kaming muli sa coffee shop.

"I'm sorry.... I'm sorry Olivia... I'm sorry...'", wika ko habang humahagulgol.

"No...shhhhhh.....No Ivy..... Listen to me...listen to me well....", wika nito habang naghahabol ng hininga.

"Ano man ang nangyari noon, tapos na iyon. Hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Ivy, may.... may... may pabor ako sa iyo.... Please.... please huwag mong susukuan si Elise... huwag mo siyang iiwan... I'm begging you.... Alam ko.... alam kong hindi ito magiging madali para sa iyo.... para sa inyo.... I know you still love her... please.... huwag mo siyang pababayaan.... My end is near Ivy... I can sense... and I feel that death is comimg.... konti na lang ang natitirang oras ko Ivy....kaya promise me.... promise me Ivy.... please... no matter what happened, huwag na huwag mo siyang pababayan...",  wika nito bago muling nag-seizure.

Hindi ko napigilan napahagugol habang inaasikaso ko siya. Sobrang sakit ng aking nararamdaman sa mga oras na ito.

"Olivia.... huwag kang mag-alala.... Promise.... hindi ko siya susukuan... sorry ulit Olivia sa lahat... alam kong labis kitang nasaktan noon... kaya sorry.... babawi ako sa iyo.... hindi kita pababayaan... hanggang sa huli... sasamahan kita.... hindi kita iiwan... asahan mo yan...", bulong ko sa kanya habang hinihimas ko ang kanyang maputlang mukha na basa rin ng luha.

"Kakayanin ko ito.... para kay Elise... at lalo na para sa iyo Olivia", wika kong muli.

The Unfaithful Partners (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon