Parting time

694 32 3
                                    

Olivia

Flashback

1 week earlier

"I told you we are just friends! Bakit lahat na lang pinagseselosan mo? Don't you trust me?", inis na sambit sa akin ng asawa kong si Elise. Paano she's acting weird lately, lagi siyang irritable kapag kaharap ako.

Feeling naman niya ay hindi ko napapansin yung closeness nila nung Ivy na iyon. The hell with that girl! Nakakairita. After nung team building last year I have noticed that they became closer. I don't know what's with that girl, hindi naman siya ganun kaganda. Pati sa center very obyus yung closeness nila. Kung hindi nga lang maganda ang evaluation sa kanya ay matagal ko na itong pinatalsik sa kumpanya ko.

"Do you deserve my trust? Mapagkakatiwalaan pa ba kita?", inis na sambit ko rito habang pinagmamasdan ko ang kanyang mga mata. Magkaharap kasi kami ngayon na kumakain ng breakfast sa hapagkainan. Napahinto tuloy ako sa pagkain upang pagmasdan siya habang mabilis niya na isinusubo ang kinakain niyang sinangag at tocino. Ganito na kami araw-araw, cold.

"Now tell me, is there something between the two of you?", mariing tugon ko rito habang mahigpit na ang aking pagkakahawak sa kutsara. Ibinaba naman nito ang hawak-hawak na kubyertos ng padabog at isinandal ang likod sa upuan at bigla itong napaupo ito ng tuwid.

"I told you, W-e a-r-e j-u-s-t FRIENDS! OK! Kailangan ko pa bang ispellingin yun? I have told you before at uulitin ko ulit... Ivy and I were just friends", singhal nito. "And don't you ever dare to touch her or else...", sambit muli nito habang akmang tatayo.

"Or else what? Why are you so protective of her? Siya ba yung babae mo?", tugon ko ng pasigaw. I'm loosing my patience na. Padabog kong ibinaba ang kubyertos at tumayo.

Nakipagtitigan naman ito sa akin. Ni isa sa amin walang gustong magpatalo. Kung hindi lang ako naiiyak eh hindi ako muling uupo. I never thought I would be this emotional. Tama naman siya, hindi ko naman sigurado kung may namamagitan sa kanila dahil sa totoo lang hindi ko maiwasan na mapraning sa sitwasyon namin.

She changed a lot. Paano ako hindi magdududa eh in 16 years of our marriage ngayon lang ito nangyari sa amin. Ngayon lang siya naging ganyan. So what do you expect diba?

Never as in never kaming nagtalo about someone, ngayon lang. Never niya akong tinaasan ng boses. She's always calm twing nagtatalo kami. Kapag nag-aaway kami kahit ako ang may kasalanan siya lagi yung nag-so-sorry at sumusuyo. And the changes in her seems so apparent.

Aaminin ko naging mas blooming siya ngayon. Naging mas maporma din siya lately at masayahin kapag nasa labas lalo na sa center and lastly may spark na ang kanya mga mata unlike those past few years.... yun nga lang I know and feel na hindi ako yung reason niya...

Pilit mang i-deny ng aking isipan, alam ko and I feel na she's into someone... hindi lang ako sure kung sino... In short I don't have any evidence yet kung sino man yun. Pero I can't deny the fact na nagseselos ako dun sa bwisit na teacher na iyon. Nag-iiba kasi ang aura nito pagnagkikita sila... and I never saw her that way before.. I don't know if I'm just being paranoid or what... Si Ivy man yun o hindi... for sure she's up to something... and that's what I have to find out.

Ilang beses ko na ring tinangka na buksan ang cellphone niya pero to my dismay, nakalock na ito. For 16 years ngayon lang siya nag-lock ng cellphone, so ano yung ibig sabihin nun diba?

For years pakalat-kalat lang yung cellphone niya but now daig pa nito ang adik, kahit sa pagligo dala-dala niya ito.

"I'm going. Bye hon", sambit nito na napaka-cold sabay halik sa labi ko. It seems na humalik lang ito sa hangin. Hindi ko tuloy napigilan na mapaluha habang pinagmamasadan siya palabas ng pinto. She seems more excited na umalis than to stay with me. Ano ba ang nagawa ko? Nagkulang ba ako sa kanya? Saan ba ako nagkamali?

The Unfaithful Partners (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon