Terrified

876 33 12
                                    

Elise

"What? At kailan ka pa sumama sa teambuilding na yan? Responsibility na yan ng HR!", sambit ni Olivia na iritado na.

Paano I was insisting that I should join the team building activity ng mga teachers and therapist.

"Hon, Its time for us to be involved with this activities. Para makilala natin mga staffs natin. This will help us para ma-identify natin mga talagang deserving na maging regular. Yung hindi dahil recommended lang ng HR. Remember? we just had an incident recently regarding sa pagpili ng mga candidates. Look what happened to Ms. Lopez diba? It turned out na malakas lang siya sa dating manager natin kaya siya naregular. See how unprofessional she is..", paliwanag ko rito na medyo feeling ko convincing naman.

"Bahala ka. Just be back on Saturday night. We have to attend sa party ni Liz'', tugon nito.

"Yes hon! I will. Dont worry", sabi ko sabay halik sa labi niya. Sa totoo lang daig ko pa nito ang nanalo sa lotto. Paano I want to attend because of Ivy. Hindi ko kaya na hindi siya makita ng tatlong araw. Kaya I have to find a way to be with her. Pero secret lang yuon kay Ivy. I will not tell her na pupunta ako.

First time ko kasi sasama sa ganitong activity kaya excited din ako. Sa isang banda maganda rin yung nakikilala ko personally yung mga staffs namin.

Ivy

"Ang tagal naman niyang teambuilding ninyo! Three days talaga? Paano yung baon ko?", sambit ni Ryan habang kakamot-kamot ng ulo.

"Yes love, three days. Sa Batangas lang naman eh", tugon ko rito na wala sa mood. Paano tatlong araw ko na kaya na hindi makikita si Elise. Akala ko pa naman sasama siya, pero never pa daw pala siya sumama sa ganitong event dahil super busy din sila ibang obligation nila sa center. Kung pwede nga lang hindi sumama hindi na ako sasama.

Tinext ko siya kanina pero hindi naman niya ako sinagot. Nakakainis. Wala tuloy akong ganang kumain, paano kanina pa siya hindi nagpaparamdam. Nakakapraning. Alam ko naman yung posisyon ko sa buhay niya pero huwag naman sana yung ganito na talagang wala man lang text. Nakakagigil kaya iyon.

"Teacher Ivy, mukhang lutang ka yata? Ok ka lang ba?", tanong ni Ian. Nginitian ko lang siya sabay thumbs up.

"Teacher Ivy, umiyak ka ba? hindi ka pinayagan ng jowa mo ano?", sambit naman nitong si Lyn. Haysss! Bakit ba ang kulit nila... lalo tuloy akong naiinis. Paano natapos ang  buong magdamag as in wala talaga siyang reply. Pati knina nag good morning ako wala man lang reply. Ano naman kaya ang problema niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-alala o magalit. Hindi naman siya ganito, ngayon lang. Hindi ko tuloy maiwasan mag isip ng kung ano-anong hindi maganda. Naiisip ko tuloy what if nalaman na ng asawa niya. Paano na? Eh di the end na?

"Hindi ako umiyak. Masama lang pakiramdam ko", tugon ko pero deep inside parang pinipiga yung puso ko. Ang hirap kaya ng ganito. Yung tipong gustong gusto ko siyang makita pero hindi ko siyang pwede puntahan. Pati nga ang pagtext sa kanya ay bigla na tuloy akong nag-alangan. Haysss! ano ba itong pinasok ko.

"Girl, ang ganda nitong resort ano? Mamaya samahan mo ako, rampa tayo. May nakita akong mga papa duon sa may bangka", bulong ni Ian habang tinuturo yung direksiyon kung nasaan yuong mga bangka. Nginitian ko lang siya.

Maganda nga naman itong resort. Bukod sa napakalawak nito, sobrang ganda pa ng pagkakagawa lalo na yung landscape niya parang nasa ibang bansa. Para ba siyang gubat na nasa tabing dagat, ang daming puno.

Napakabait at ang ganda pa nung may ari na si Maam Mia. Akala nga namin kanina si Jennylyn Mercado hindi pala. Ang sexy, napanganga tuloy kaming lahat sa kanya. Tapos personal pa niya kaming inasikaso. Pinsan daw kasi ng asawa niyang si Architect Jessica si Elise.

The Unfaithful Partners (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon