Ivy
"From what department are you?", tanong ng isang boses na nakakaintimidate. Bigla tuloy akong kinabahan at napatayo ng tuwid. Paano biglang sumulpot sa likod ko itong boss namin na parang diyosa sa ganda pero scary. Tapos tiningnan pa niya ako from head to foot.
"Specieal Education po doc", tugon ko na abot tenga ang ngiti pero deep inside nanginginig yung kalamnan ko. Kahit kinakabahan pilit ko itong itinatago. Paano, hindi lang ito basta boss kundi siya yung may-ari ng kumpanya.
"What is your name?", sambit nito na poker face pa rin.
"Ivy... Ivy Andrada po", tungon ko.
"Ah... so you are the new teacher. Keep up the good work, the kids like you", tugon nito. Kahit na bahagya siyang ngumiti halata pa rin ang pagiging suplada nito.
Tama sila, nakaka-intimidate talaga siya. "Thank you po", sagot ko sa kanya. Ngumiti nanaman ito ng bahagya pero hindi na nagsalita hanggang makarating kami sa 10th floor kung nasaan ang conference room. May meeting kasi kami today. Kaya pala biglang nawala yung mga nakapila sa elevator kanina, siya pala ang sasakay. Pero in fairness ang bango bango niya, amoy matamis na bulaklak. Yun nga lang parang familiar yung amoy niya hindi ko lang maalala kung saan ko ito naamoy.
Ika-limang araw ko na kasi ngayon na nagtratrabaho rito. Very thankful talaga ako at natanggap ako rito dahil isa ilang araw ko pa lang na pagtratrabaho rito ay marami na agad akong natutunan.
Although nakakapagod lalo na yung paghahabol at pagsaway sa mga bata eh ok lang dahil worth it naman yung pagod in terms of sahod saka experience na matututunan. Libre pa rito ang miryenda at unli kape pa, saan ka pa diba.
Mababait naman lahat ng kasamahan ko rito kahit yung mga senior na. Super BFF na rin kami ni Ian at may bago pa akong kaibigan na si Lyn, teacher din siya gaya ko mas ahead nga lang at 3 years na siya rito. Sabay-sabay kaming tatlo magbreak. Nagtutulungan din kami sa mga gawain dito lalo na sa pag-gawa ng reports at learning materials.
Abala kami ni Lyn sa pag-iinput ng report sa laptop ng may nagsalita.
"Good morning everyone. Please prepare your weekly reports and presentations. We will be starting in 10 minutes", sabi ng isang familiar na boses.
"No! Hindi ito totoo. Hindi siya yan...", bulong ko sa isipan habang iiling-iling. Pilit pinoprocess ng utak ko yung imahe ng tao na nakatayo sa harapan namin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, maiiyak o magagalit. Ilang araw kong kinasasabikan na makita yung taong may-ari ng boses na iyon. Ilang araw akong naghihintay sa pagdating niya. Gusto ko siyang yakapin at siilin ng halik. Pero hindi pwede. Habang tinititigan ko siya hindi ko mapigilan maluha. Ilang beses ko rin patagong pinupunasan ang aking mga mata.
"Teacher Ivy, umiiyak ka ba? Huwag kang kakabahan, mabait yan si Doc Elise", bulong ni Lyn.
"Doc Elise...Elise...Elise....Siya si Dr. E. Jimenez-Lewis", paulit-ulit ito sa aking isipan.
At lalo akong naluha. Kunwari na lang humikab ako. "Inaantok pa kasi ako. Wala pa kasi akong tulog", pagdadahilan ko sa kanya. Hindi na ako nito pinansin dahil abala na siya sa pagrereview ng report.
Tinitingnan ko si Elise pero poker face lang ito. Ni hindi nga ako tintingnan. Abala ito sa mga papeles na dala niya. Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko, sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagtatampo sa kanya dahil sa pagsisinungaling niya. Hindi ko inaasahan na dito kami magkikita ngayon. At isa pa anong laban ko sa boss namin? Of all people, yung may-ari pa ng kumpanya namin yung asawa niya. Ang sakit. Galit ba sa akin si Lord?
Bakit ang tanga-tanga ko? Hindi ko man lang inalam yung background niya bago ko ilang beses na isinuko yung sarili ko sa kanya. Mahal ko siya pero, dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan? Paano niya nagawang paniwalain akong mahal niya ako? Pakiramdam ko tuloy bored lang siya sa buhay niya at ako yung nakita niyang paglaruan. Joke lang ba ang lahat? Ilan na kayang babae dito ang naloko niya? Sex lang ba ang gusto niya?
Sana sa umpisa pa lang sinabi na niya kung sex lang ang gusto niya sa akin para hindi ko na hinayaan na mahulog pa ng husto ang loob ko sa kanya. Nakakadepress. Karma ko ba ito sa pagtataksil kay Ryan?
Walang oras pa naman na hindi ko siya iniisip at pinapangarap na makasama. Tapos ngayon ganito? Kaya pala mula ng dumating siya noong isang gabi mula sa Singapore eh hindi na ito nagparamdam. Maghapon akong naghintay sa tawag niya o messages pero wala. Pinag-alala pa niya ako ng husto. Hindi tuloy ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa kanya tapos ganito lang yung mangyayari? Nasaan ang hustisya rito?
Kaya pala ayaw niya sabihin kung ano yung trabaho niya. Pinlano ba niyang lahat ito? Alam na ba niya mula umpisa? Ang daming tanong at negative feelings ang umiikot sa aking isipan ngayon. Nakakainis.
"Teacher Ivy, ikaw na...", sabay kalabit sa akin ni Lyn. Ako na pala ang magrereport. Shit! bakit ngayon pa, wala tuloy yung isip ko sa i-rereport ko. Nagtingnan tuloy lahat sila sa akin. Bahala na.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Partners (GXG)
RomansaIto ay istorya ng dalawang babae na sa kabila ng pagkakaroon ng kani-kaniyang karelasyon ay nagawa nilang umibig sa bawat isa. Ngayon ay nahaharap sila sa isang desisyon... Pangangatawanan ba nila ang pagmamahalan nila o isasakripisyo nila ang...