Hopeless and helpless

728 30 3
                                    

Ivy

"Manong bilisan po ninyo...sa airport po tayo", wika ko sa driver ng taxi.

"Elise....wait for me.... parating na ako...", wika ko na pabulong kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Kinakabahan ako  na hindi ko maintindihan. Medyo hirap din akong huminga. Parang may mabigat na nakapatong sa aking dibdib.

"Manong bilisan pa po natin... mahuhuli na po ako sa flight ko", wika kong muli kay manong driver.

Tumango naman ito at tinitigan ako mula sa salamin.

Pagkatapos nito ay nakaramdam ako ng pagkirot sa aking ulo. Masakit din ang buo kong katawan lalo na aking balakang.

Hindi ko tuloy maiwasan na mapaluha sa halo-halong sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Bukod sa masakit ang aking katawan ay umti-unti ring umiikot ang aking paningin. Hindi ko tuloy napigilang mapapikit ba lang sa aking nararamdaman.

"Diyos ko, bigyan po ninyo ako ng lakas...", sambit ko habang pilit kong pinaglalabanan yung sakit na nararamdaman ko.

"Elise...Elise... wait for me Elise", paulit-ulit kong wika habang unti-unti na rin pumipikit ang aking mga mata.

"Maam... maam... maam... ok lang po ba kayo?", wika ni manong driver.

Napansin ko na nakahinto kami sa gilid ng daanan.

"Maam gusto po ninyo na dalhin ko kayo sa ospital", wika pa nito.

"Huwag po kayong mag-alala manong ok lang po ako. Diretso lang po tayo sa airport", tugon ko rito.

'Pero maam, namumulta po kayo. Sigurado po ba na ok lang kayo?", wika nito na may halong pag-aalala.

Marahan naman akong tumango.

Kahit ako ay nagulat din sa itsura ko ng masilayan ko ito sa salamin.

Namumutla nga ako at nagpapawis ang aking noo. Bagaman masama ang aking pakiramdam ay pilit ko itong pinaglalabanan.

Patuloy pa rin ang pagtulo ng malamig  na pawis mula sa aking noo.

Bakit ba naman kasi ngayon pa ito nangyari.... Bakit ngayon pa kung kailan kami magkikita ni Elise upang tuparin na ang aming matagal ng plano. Galit ba talaga sa amin ang langit dahil sa ginawa naming panloloko sa mga katuwang namin?

Maraming katanungan ang gumugulo sa aking isipan sa mga oras na ito kaya lalong sumakit ang ulo ko.

Bagama't unti-unting dumilim ang aking paningin ay pilit ko itong nilalabanan.

"Manong, maari po bang pahiram ng cellphone ninyo may tatawagan lang po ako. Importante lang po please", wika ko kay manong driver.

Kung bakit kasi hindi ko nakuha yung cellphone ko kanina. Nag-aala rin ako na baka hindi na ako hintayin ni Elise. Na baka akalain niya na hindi na ako darating.

"Heto maam", tugon ni manong driver.

Agad ko namang inabot yuong cellphone at agad na tinawagan yung number ni Elise.

"Shit! Tang-in*", wika ko ng narining ang nasa kabilang linya "You don't have enough balance to make this call."

Putang-i*a talaga. Walang load si manong.

Sobra-sobrang kamalasan naman talaga ito.

"Maam...maam... naku sorry po....", wika ni manong driver ng mapansin ang naging reaksiyon ko.

Hindi ko tuloy namalayan na nabitiwan ko na yung cellphone niya dahil napahagulgol akong bigla..

"Sorry po maam, nagexpire na po yata yung load ko. Sorry po hindi ko napansin. Paumanhin po", wika ni manong driver.

The Unfaithful Partners (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon