Elise
"Good morning Honey babe. Breakfast is ready", bulong ko rito sa asawa ko na nakapikit pa ang mga mata.
"Hon, gising ka na! You will be late. May conference ka pa mamaya sa Medical City", sabi ko rito habang niyuyugyog.
Paano ayaw pang gumising eh anong oras na. Ang bagal pa naman niya kumilos, daig pa ang prinsesa sa dami ng seremonyas sa katawan.
Paano kulang ang dalawang oras sa kanya sa paliligo, pagbibihis at pagmake-up. Haysss! Naihanda ko na nga ang lahat ng kakailanganin niya for the conference, pati isusuot niya na handa ko na rin pero ayaw pa rin kumilos.
I am legally married sa isang doktor.
We got married in Canada ten years ago but we been together na for fifteen years.
She was born and raised in Vancouver Canada. Bumalik lang siya dito sa Pinas noon nag-aral siya ng college.
Mas gusto kasi niya mag settle dito dahil mas simple ang buhay and besides siya ang naka-assign to manage ng expansion ng business nila dito sa Southeast Asia.
Pumunta lang talaga kami duon para magpakasal since legal duon ang same sex marriage at para makadalo na rin ang family at relatives niya.
We are both doctors actually. I am a developmental pediatrician while she's a neurologist.
We met in med school, classmates kami. We started as friends and eventually became lovers.
Dr. Olivia Lewis ang pangalan niya, anak siya ng isa sa mga may-ari ng Canada based na Thomas-Lewis group of companies.
Sila ang may-ari ng Learning and Beyond Childcare and Development Centers dito sa Pinas. Hindi lang childcare and therapy services ang business nila meron din silang shares sa malalaking colleges at universities sa ibat-ibang bansa. Anything na ralated sa education at childcare services ay konektado sila. Mayroon din silang publishing company na nagproproduce ng mga textbooks at iba pang learning materials.
Although si Olivia ang CEO dito sa Pinas, nagpapractice pa din siya ng profession niya.
May clinic pa din siya sa ospital na pinupuntahan niya twice a week.
At ako? Tanging taga suporta sa kanya.
I mean, balik-baliktarin ko man mas dominant siya sa akin. Hindi naman ako nagrerekalamo dahil sa umpisa pa lang ay alam ko na ang agwat namin sa isa't- isa at kung ano ang katayuan ko sa buhay niya, wala akong magagawa na in love ako ng todo sa kanya noon eh.
Hindi kami mayaman pero hindi rin naman mahirap. Tama lang.
Government employees ang parents ko. Accountant si Mama habang procurement officer naman si papa. Dalawa kaming magkapatid, ako ang bunso.
Pareho kaming nakakuha ng scholarship sa kolehiyo. Nag medicine ako while law naman si kuya.
Wala naman akong naging problema sa mga magulang ko regarding sa sexual preference ko. Thankful ako at hindi nila kami pinapakialaman pagdating sa lovelife basta ang importante ay makapagtapos kami ng pag-aaral.
Kaya noong pinakilala ko si Olivia ay tanggap nila agad ito. Nakakatuwa nga at mukhang mas mahal pa nila ito kaysa sa akin.
Estudyante pa lang kami nagsasama na kami sa iisang bubong. Sa iisang dorm lang kami nakatira noon then eventually nung naging BFF kami ay nag sama na kami sa iisang room.
Hindi nagtagal ng naging official na yung relationship namin ay lumipat na kami sa condo.
Since may kaya ang pamilya ni Olivia, bumili siya ng condo para sa aming dalawa para naman makakilos kami ng maayos or should I say na para magawa namin yung mga gusto naming gawin ng may privacy lalo na yung pagiging intimate.
I am so thankful din dahil suportado niya yung iba kong pangangailangan gaya ng sa basic needs at iba pang gastusin sa school.
Hindi rin naman biro ang gastusin sa pag-aaral ng medisina diba? In short ginastusan din niya ako noon habang nag-aaral kami which makes me love her more.
Kaya bilang ganti ay inalagaan ko siyang mabuti. I did all the errands sa bahay. Ginawa ko siyang parang princessa. For 15 years halos lahat ng gusto niya sinusunod ko.
Pero ok lang ganun naman yun talaga diba? Pagmahal mo yung isang tao gagawin mo ang lahat para sa kanya.
Yun nga lang as time goes by there's something inside me that I can't explain. I love her pero parang may times na hindi na ako masaya.
Parang feeling ko routine na lang ang lahat. Wala na yung excitement. I don't know kung part pa ba ito ng hormonal changes. Kahit doktor ako naguguluhan din ako.
Eto na ba yung tinatawag nila na na-fa-fall out of love? Kung ito na iyon, nakakatakot pala.
Over the years kasi feeling ko sobrang daming nagbago. Hindi lang sa akin kung hindi sa kanya rin.
As years go by, she became more demanding and authoritative. Feeling niya kahit nasa bahay kami eh employee pa rin niya ako. Minsan pilit ko rin naman iniintindi, baka nga naman dahil din sa stress niya sa work since hindi rin biro yung mga responsibilities na ginagampanan niya sa pamamalakad ng kumpanya nila plus nagpa-practice pa siya ng profession niya. Pero the more na iniintindi ko the more akong nasasaktan. Ang gulo diba?
Kung tutuusin pareho lang naman kami ng workload. I am working as the managing director ng company nila plus nagpapractice din ako ng profession ko as developmental pediatrician ng mga clients namin sa center.
Kahit gaano ako kapagod, I make it to the point na mapapagsilbihan ko pa rin siya sa bahay kahit pa may kasambahay naman kami. I prefer kasi na personal siyang asikasuhin, wife duties diba? Kaso minsan feeling ko parang ako na lang yung nag-ca-care.
Sa loob ng mahabang taon namin ng pagsasama, I asked her na mag baby na kami para ma-feel naman namin na family talaga kami, pero she keeps on refusing kaya tumigil na ako sa kakakumbinsi. Actually noon college kami plano naman talaga namin magkababy kaso biglang nagbago ang isip niya. Usapan pa nga namin noon siya yung magdadala ng baby, may mga naisip na nga kaming names noon.
Isa pang nakakalungkot is pati nga yung pagiging intimate ay hindi na namin nagagawa. She's too busy and tired sa work niya kaya kahit pag-sesex ay ayaw na niya. Nakakahiya man aminin pero I am sexually frustrated.
Ilang beses ko itong sinubukan na i-open up sa kanya pero laging hindi maganda ang pinatutunguhan ng usapan namin kaya hindi na lang ako nagsasalita and it hurts me deep inside.
Pero ano pa man I am still hoping na maayos pa namin yung mga differences namin. Mahal ko pa rin naman siya.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Partners (GXG)
Roman d'amourIto ay istorya ng dalawang babae na sa kabila ng pagkakaroon ng kani-kaniyang karelasyon ay nagawa nilang umibig sa bawat isa. Ngayon ay nahaharap sila sa isang desisyon... Pangangatawanan ba nila ang pagmamahalan nila o isasakripisyo nila ang...