Ivy
Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga sa couch ng may kung anong kumalabog sa may pintuan. Indikasyon ito na may dumating na tao.
Ito na yung oras na kinatatakutan ko, ang pagdating ni Elise.
Agad naman akong tumayo at inayos ang aking sarili.
Kinakausap ako nito ngunit hindi ako kumikibo. Para kasing umurong bigla yung dila ko.
Hawak ang chart, napilitan akong magsalita ng makita ko itong papalapit na sa akin.
"She's fine, she's asleep actually", wika ko.
Nagulat ito ng marining ang boses ako. Biglang nag-iba din ang aura nito. Nag talim ng tingin nito sa akin.
"What are you thinking? Anong ginagawa mo dito?", paangil na wika ni Elise sabay hila niya sa akin papasok ng kusina.
Hindi pa rin ako kumibo.
Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Pinipigilan ko lang yung sarili ko na huwag maiyak. Pero sa totoo lang, parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang bigat.
As expected, galit siya sa akin. Hindi ko rin naman kasi siya masisisi dahil nagulat ito ng makita ako.
Paano nagkita pa kami ilang araw bago ito umalis papuntang Antwerp pero wala man lang akong binanggit tungkol sa offer sa akin na magduty sa kanila.
Hindi pa kasi ako sigurado noong mga oras na iyon kung kukunin ko ba yung offer o hindi. Saka sa isang banda ay natatakot din ako sa magiging reaksiyon niya.
Sobrang gulo talaga ng isipan ko noong nga oras na iyon. Pero ngayon, ano man ang mangyari ay tutupad ako sa pangako ko kay Olivia.
Halata sa boses nito na gigil na gigil sa akin. Ganun pa man, pilit ko pa rin pinakakalma ang aking sarili.
Natigilan lang ito ng marinig ang boses ni Olivia. Paano nagising ito, kahit ba sabihin na pabulong magsalita si Elise eh rinig din naman yung mga yabag namin.
"Hon, andiyan ka na ba?", wika ni Olivia.
Biglang bumitiw sa pagkakahawak sa akin si Elise at mabilis na tumakbo papalapit kay Olivia.
Hiyakap niya ito ng mahigpit.
Bahagya muna akong dumistansiya sa kanilang dalawa. Para bigyan sila ng privacy na makapag-usap ng maayos at mukhang sabik na sabik din si Olivia sa kanyang asawa.
Kahit ako ay nabigla ng makita siyang nakatayo sa may pintuan dahil kakagaling lang niya sa ilang ulit na seizure kanina.
Marahil ay talagang pinilit nitong tumayo upang hindi masyadong mag-alala si Elise sa kanyang sitwasyon.
May ilang minuto din silang nag-uusap na mag-asawa habang mahigpit ang pagkakayakap nila sa bawat isa.
Pareho nilang pinipigilan ang kanilang paghikbi. Kahit basang-basa na ng luha ang kanilang mga mata.
Bagama't hindi na kaya ng puso at isipan ko ang panoorin sila, pilit ko itong pinaglalabanan dahil nangako akong hindi ko sila iiwan.
Bigla na lang nagising ang aking wisyo ng biglang nawalan ng malay si Elise at muntik ng natumba.
Natarata ng husto si Elise. Muntik pa nito mabitiwan si Olivia kaya mabilis na akong tumakbo papalapit sa kanilang dalawa.
Nabitiwan ko pa ang hawak kong cellphone sa sobrang gulat at pagmamadaling lumapit sa kanila.
"Ano ba? Tulungan mo ako!", wika ko kay Elise paano nakatulala pa rin ito.
Pinagtulungan naming buhatin si Olivia at inihiga sa kama.
Bigla naman naging hysterical si Elise.
Palakad-lakad ito ng walang direksiyon.
Ikot lang siya ng ikot sa buong silid.
Kahit anong paliwanag at pagpapakalma ko sa kanya ay hindi ito nakikinig.
Nagsasalita din siya mag-isa.
"Elise....Elise.... ano ba? Listen to me, Elise!", sigaw ko sa kamya sabay sampal.
Nagulat ito at napatulala ng ilang segudo bago humagulgol at napaupo sa lapag.
"I'm scared Ivy.... I'm scared...", wika nito habang todo ang hagulgol.
Nakasalampak kito sa sahig na parang bata.
Marahan akong lumuhod upang magpantay ang aming paningin.
Wala akong masabi, dahil kahit ako rin ay magiging emosyonal na.
Niyakap ko na lang ito ng mahigpit at hinimas himas ang kanyang likuran. Ngunit patuloy parin siya sa paghikbi.
Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili at naiyak na din ako.
Ang bigat kasi sa kalooban na makita silang nagkakaganito.
Ni hindi sunagi sa aking isipan na darating kami sa ganitong punto.
Mas matindi pa ito sa teleserye.
"She's dying right? Tell me honestly Ivy....Tell me Ivy....", wika nito habang patuloy sa paghikbi.
"Yes.....", mahinang tugon ko sabay pikit.
Lalong lumakas ang paghagulgol nito. Mas hinigpitan ko pa yung pagkakayakap ko sa kanya ngunit bigla itong kumalas at tumayo.
Mabilis itong lumakad papaunta sa pader at inuntod nito ng tatlong beses ang kanyang ulo bago patalikod na napasalampak sa sahig.
Parang dinudurog yung puso ko habang pinapanood siyang umiiyak.
Naiintindihan ko rin naman kung bakit ganun na lang yung reaksiyon niya. Alam ko na may idea naman siya kung ano yung sakit ng asawa niya pero hindi pa kasi confirmed noon yung diagnosis.
Ayaw din kasi ni Olivia ipaalam sa kanya kaya pinakiusapan nito si Dr. Campbell at ang buong team na huwag sasabihin kay Elise yung initial diagnosis niya hanggat hindi pa ito confirmed mula sa iba't-ibang experto.
Nakailang ulit din kasi siya ng mga laboratory test, nagbabakasakaling mali yung unang diagnosis.
Lingid sa kaalaman ni Elise ay nagpakunsulta din ito sa Italy para lang makahanap ng paraan upang gumaling, ngunit pareho lang din ang naging findings.
Noong unang araw ko rito ay kakarating lang din ng confirmation ng diagnosis sa kanya. Yuon yung pinabasa nya sa akin na nasa envelope.
Kaya labis akong nasasaktan para kay Elise sa mga oras na ito. Sobrang bigat talaga ng nararamdaman niya, lalo na at hindi na magtatagal ang buhay ng kanyang asawa. Wala na rin kasing lunas dito.
Tanging himala na lang nag magpapahaba ng kanyang buhay.
"Hon.... hon.... hon....", mahinang wika ni Olivia na indikasyon na gising na ito.
Ilang oras na rin nanan ang nagdaan muna ng hinimatay ito.
Agad naman akong lumapit sa kanya at tiningnan ang blood pressure at heart beat nito.
"Waaaater.... I wan't water...", wika nitong muli kaya inalalayan ko muna ito para maupo at pagkatapos ay pinainom ko ito ng tubig gamit ang straw.
"Hon... hon....", wika nitong muli ngunit hindi sumasagot si Elise.
Nakasubsob ang ulo nito sa may paanan ni Olivia habang nakaluhod. Umiiyak pa rin ito.
Nabasa na rin kasi niya yung latest diagnosis at naconfirm na rin niya ito kay Dr. Campbell.
"Hon, I wan't to spend my last days with you both... I want to know Ivy more... I want her to stay with us....", wika nito habang naghahabol ng hininga.
Hinawakan niya ang aking kamay ng mahigpit at pagkatapos ay kinuha rin yung kay Elise. Pinagpatong-patong nya ang aming mga kamay sabay wika ng "thank you".
Hindi na ako nakaimik dahil hindi ko na napigilan umiyak.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Partners (GXG)
RomanceIto ay istorya ng dalawang babae na sa kabila ng pagkakaroon ng kani-kaniyang karelasyon ay nagawa nilang umibig sa bawat isa. Ngayon ay nahaharap sila sa isang desisyon... Pangangatawanan ba nila ang pagmamahalan nila o isasakripisyo nila ang...