Crush

1.1K 39 1
                                    

Elise

"One French vanilla latte and New York cheesecake for Maam Elise", wika nung crush kong crew ng isang coffee shop kung saan malapit yung center.

Actually, lagi akong dumadaan dito para makita siya.  Simula ng makita ko siya dito at halos araw-araw talaga ako dumadaan dito.

I don't know, there's something in her na hindi ko ma-explain. Ewan, seems that siya yuong nakaka-adik at hindi yuong kape.

Sa totoo lang, may coffee machine naman kami sa bahay na nakakagawa ng iba't ibang kape at mas high tech pa sa coffee machine nila pero since crush ko nga siya kaya lagi akong dumadaan dito para lang bumili ng kape. Nakakatawa diba? Para tuloy akong teenager sa asal ko ngayon.

At siya naman tuwing bumibili ako ay panay ang titig sa akin. May pasulyap-sulyap pang nalalaman, akala naman niya hindi ko siya napapansin. Siyempre pa suplada effect naan ako para hindi halata. Pero ang totoo natutuwa ako kapagnakikita kong nakatulala siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip kung crush din ba niya ako.

I can still remember noong first time ko siya ma-meet, nakakatawa yuong eksena namin noon.
Actually hindi naman talaga ako bumibili ng kape sa labas, meron din kasing coffee machine sa center. Magkikita kasi kami ng bestfriend kong si Seth, siya ang pumili nung lugar na iyon since malapit lang yun sa work ko at gusto rin daw niya magkape.

Kaso noong nandoon na ako saka naman siya nagtext na hindi pa siya makakapunta dahil may client siyang biglang dumating. Para hindi awkward umorder na lang ako ng kape,  baka sabihin kasi nila duon na pumunta lang ako para tumambay. Nakakahiya.

So I went directly towards the counter, actually hindi ko pa nga alam kung ano-ano yung binebenta nilang kape doon, nakita ko lang sa poster yung French vanilla latte kaya yuon na lang yung napili kong orderin.

"Hi. One French vanilla latte please", wika ko duon sa crew na kung todo pa ang yuko dahil abala sa pagkalikot ng kung ano sa counter.

Pagkataas niya ng kanyang ulo ay nagkatapat ang aming mga mata, I really don't know what just happened pero I felt something that I can't explain. I was captivated by her eyes. I can't stop my self but to stare at her. Hindi naman siya ganoon ka ganda. Actually common yung itsura niya...yung  typical chick na slim, long hair at maputi... Hindi rin ito ganoon katangkad, sakto lang.  What makes her special is yung mata niya. Its seems that may something sa kanya na hindi ko ma-explain. Cosmic connection? Hmmm... I don't know. Pwede din soul connection... Who knows? First time ko ito.

Nagising na lang ako sa realidad ng may inaabot siyang kape which turned out na mali pala. Mukha rin kasi siyang natataranta. Then noong inabot na niya yung kape ko muntik pa niya itong mabitiwan, I know she felt it too... I mean yung naramdaman kong static electricity ng nagkadikit yung mga kamay namin. Her aura seems vibrating and welcoming.

Kaya since then, lagi na akong bumibili ng kape doon sa coffee shop na yuon. Nakakatuwa lang yung reaction niya kapag nakikita niya ako. It seems that she's smitten to me. Lagi itong natutulala at ilang segundo pa bago magsalita.

Well, ako rin naman crush ko siya. Crush lang naman diba? Wala naman masama duon diba? Natutuwa rin kasi ako sa kanya. Paano ang cute niya pagnatutulala sa akin. Somehow she makes me happy.Basta, ang hirap kasing i-explain.

"Bye crush", mahinang wika niya pagkatapos ko kunin yung order ko. Although mahina lang yung boses niya ay hindi ito nakaligtas sa aking pandinig. Napangiti tuloy akong bigla.

"Hmmm...so crush niya rin ako ah", bulong ko sa isipan habang masayang lumalakad palabas ng coffee shop. Kinilig ako roon ah.

Kinabukasan ay masaya akong pumunta sa coffee shop, umaasang masisilayan siyang muli kaso bigo ako. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-alala kung bakit wala siya. Napakamot tuloy ako ng ulo habang hawak yuong kapeng binili ko. Bakit ganoon? Paramg nag-iba ang lasa nito. Hindi ko tuloy naubos yuong kape.

Disapponted man kahapon, ay dumaan akong muli sa coffe shop bago pumasok. Ngunit sa hindi inaasahan ay wala pa rin siya.

"Hmmm....bakit kaya?", bulong ko sa sarili. Pero sa isang banda naisip ko rin na baka day-off niya.

The day after bumalik pa rin ako nagbabakasakali na nandoon na siya, pero wala pa rin. Kaya hindi na ako nakatiis at tinanong ko na yung crew na nakaduty  kung nasaan siya.

Tmy dismay, nag resign na pala siya at yung last encounter na namin ay yuon na yung last day niya. Kaya ngayon ay wala na akong rason para bumalik pa sa coffee shop na ito.

Days passed, naging abala na ako sa screening ng mga applicants namin. I am reviewing yung mga ini-endorse ng HR na mga candidates. I was surprised ng makita ko yung profile niya. She was shortlisted dahil mataas yung points niya sa interview at exams.

"So teacher pala siya", natatawang sambit ko sa sarili. Hindi ko inakala na tadhana na yung gumawa ng paraan para muli kaming magkatagpo. Akala ko never ko na siyang makikita.

I hope makapasa siya sa demo at training para lagi ko na siyang makikita.

Hindi ko tuloy na maiwasan na papangit sa kawalan kapag naiisip na magiging empleyado ko na siya.

According to the report, she was scheduled for demo. Gusto ko sana siyang panoorin pero may client sa mga oras na iyon. Bukod duon ay need kong pumunta sa talyer ng besfriend kong si Seth dahil dadalhin duon ng driver namin yung sasakyan ni Olivia. Hindi bale, malakas sa paniniwala ko na matatanggap siya kaya magkikita talaga kami sa work.

Hindi ko nga alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng excitement ng malaman na may possibility na dito rin siya magtratrabaho. Exciting diba?

Kung pwede nga lang magsimula na siya agad para magkakilala na kami ng maayos.

Basta bahala na.

The Unfaithful Partners (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon