Ivy
"Good morning Olivia", masayang bati ko.
"Here's your coffee. Butterscotch latte yan. My new favorite. Elise loves it too.", wika ko habang nilalanghap yung mabangong amoy na nagmumula sa kape. Umuusok pa ito sa init.
"Here's your toast too, with butter and orange marmalade as you wish", wika kong muli.
"Hay, speaking of your wife, sobrang tigas ng ulo. Ang hirap pagsabihan, masyadong mabait sa mga katrabaho niya. Biruin mo lahat na lang tinutulungan. Kahit hindi niya gawain ay ginagawa nito kaya naman laging pagod. Pag-ganyan siya ng ganyan, isosoli ko na siya sa iyo.... Paano laging nag-rarant pero ginagawa parin naman niya yung nirereklamo niya. Tapos sasabihin masakit yung ulo niya.
Eh ako kaya yung sumasakit ang ulo dahil sa sobrang daldal niya. Sabi ko nga sa kanya kung nahihirapan na siya eh, umuwi na lang tayo sa Pilipinas. Yung simpleng buhay lang, yung kagaya nila Mia at Jessica. Gusto ko rin ng farm.... coffee farm tapos magtatayo ako ng coffee shop. Hindi ba mas ok yun?", wika ko habang abot tenga ang ngiti.
Naiimagine ko kasi na may coffee shop akong sarili.Sa totoo lang, mas gusto ko na lang na bumalik kami ng Pilipinas kaysa dito.
Yung simpleng buhay, kahit hindi malaki yung kita, basta ang importante magkakasama kami. Malaki din naman kasi ang gastos namin dito at mataas din ang cost of living. Akala kasi ng mga nasa Pilipinas eh napaka-sarap ng buhay sa abroad.
Hindi porke nakangiti kami sa mga pictures eh masaya na yung buhay. Kung alam lang nila na panlabas lang ang ngiti para kahit paano eh hindi namin maramdaman yung hirap at lungkot dito.
"Olivia, tulungan mo naman ako oh... pa-realize natin kay Elise na mas masaya parin ang buhay sa Pinas. She needs to rest too...mamaya siya naman itong magkasakit dahil laging stress....kaya please, habang maaga pa ay tulungan mo na ako", wika kong muli habang kinakausap ang larawan ni Olivia na nasa altar.
Isang taon na rin kasi ang nakaraan ng pumanaw ito. Nakalagay sa cremation glass na hugis puso ang abo nito.
Si Olivia mismo ang nagplano na duon ilagay ang kanyang abo para madala namin kung saan man kami mapunta.
Siya rin mismo ang pumili ng hugis na iyon, para daw ipaalala sa amin na kahit nasa malayo na siya ay hindi pa rin kami nawawala sa kanyang puso.
Flashback
"Mommy....mommy... she's awake.... gising na si Tita Olivia", wika ni Vie habang humahangos papalapit sa akin.Ilang linggo na rin kaming nakatira dito sa Selsey. Isa ito probinsiya dito sa Southern part ng England na medyo liblib. Dito nila napiling tumira dahil may nakuha silang magandang cottage house sa tabing dagat.
Sabi kasi ni Dr. Campbell makakabuti daw kay Olivia yung nasa tahimik na lugar kung saan may magandang view at dagat, in short therapeutic.
"Come mommy, hurry...", wika nitong muli sabay hila sa akin papunta sa silid ni Olivia.
Naging malapit kasi si Olivia at Vie. Madalas na kinukwentuhan ni Olivia si Vie ng mga kwentong pangbata mula sa iba't-ibang aklat. Lagi rin silang nanonood ng cartoons.
"Mommy, tita is talking again to a ghost.... I'm scared mommy...", wika ni Vie ng makarating kami sa silid ni Olivia.
Nadatnan kasi namin na may kinakausap nanaman ito. May mga oras na umiiyak ito, tumatawa o nagsasalita lang.
Bahagya pang nagtago si Vie sa aking likuran at mahigpit itong kumapit sa aking damit.
"Mommy, bakit umiiyak si tita?, tanong ni Vie.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Partners (GXG)
RomanceIto ay istorya ng dalawang babae na sa kabila ng pagkakaroon ng kani-kaniyang karelasyon ay nagawa nilang umibig sa bawat isa. Ngayon ay nahaharap sila sa isang desisyon... Pangangatawanan ba nila ang pagmamahalan nila o isasakripisyo nila ang...