Elise
Hindi ko maiwasang makonsensiya ng makita ko si Ivy. Mula ng dumating kasi ako galing sa Singapore ay hindi ko na ito nagawang kontakin. Huli ko siyang nakausap noong tinawagan ko siya before ako sumakay ng eroplano.
Alam kong nag-aalala siya sa akin, I am supposed to surprise her sana pag-dating ko. Plano ko is ayain siyang bigla na pumunta ng condo para sabay kaming maghapunan at para rin maibigay ko sa kanya yung mga pasalubong ko. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Olivia yung oras ng flight ko at sinundo ako nito sa airport. Nagulat na lang ako ng tawagan niya ako at sabihing nasa labas na raw siya at iniintay ako.
I miss Ivy badly. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita. Hinahanap-hanap na siya ng puso, isipan at katawan ko. Kaya laking dismaya ko ng sagutin ko ang tawag ni Olivia.
Akala ko nga joke lang ni Olivia na iniintay na niya ako, hindi naman siya ganyan nung mga nakaraan. Usually wala siyang pake kung may biyahe ako.
We went straight sa Tagaytay after niya akong sunduin. We spend the night there and went back home yesterday. Dumating din kasi yung mga cousins niya from Canada na naka check-in din sa hotel na tinuluyan namin.
Actually, wala ako sa mood makipagsocialize sa kanila. Wala rin akong ganang kumain kahit pa parang pang fiesta yung food na naka serve sa table namin. Paano yung isip ko na kay Ivy pa rin. Hindi ko naman maiwan si Olivia baka lalong magduda siya sa akin kaya I stayed by her side the whole night. As in literally na hindi ako umalis sa tabi niya.
"Sana all!", sambit ng pinsan niyang si Mylene as she saw us. Paano kakadivorce lang nila ng asawa niyang Canadian. May kabit kasi yung husband niya at mas pinili yuon kesa sa kanya.
"Ang gago naman ng asawa mo. Ano pa bang kulang sa iyo?", tugon ng isa pa nilang pinsan.
"Naging mabuti naman akong asawa sa kanya pero ganun parin yung ginawa niya. Na-in love daw kasi siya dun sa girl eh", sagot ni Mylene.
"Kung ako ikaw, sisirain ko muna yung buhay ng lecheng babae na iyon bago ko ibigay yung asawa ko. Pati mukha niya sisirain ko. Alam na nga niyang may asawa nilandi pa niya", tugon ni Olivia sabay tingin sa akin. Kinabahan ako.
"Buti na lang itong asawa ko mabait. Subukan lang niyang magloko at magtago na sila ng kabit niya sa impyerno", habol pa nito habang nakatitig sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasan na maparanoid. "May alam ba siya? Nag-iingat naman ako...kami...", bulong ko sa isipan.
Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang umihip kay Olivia at iba siya ngayon or baka na-coconscious lang siya dahil kasama namin yung mga pinsan niya kaya medyo pa-sweet ng konti. Pero bakit ganuon kahit pa-sweet siya ngayon parang wala lang sa akin. Ni hindi ako tinatablan kahit ilang beses niyang nilalapat yung dila niya sa tenga ko tuwing bumubulong siya. Tapos kung makayakap wagas kaya hindi ko na tuloy nagawang kontakin si Ivy. Nakakainis.
We made love that night and its very confusing.
Ilang months na rin kasi na hindi kami nag-sesex. Parang nakalimutan ko na yung mga bagay na gusto niya na ginagawa ko sa kanya.
Oo aminado ako na namiss ko rin si Olivia pero it was Ivy that I am thinking while Olivia and I were doing it. Sa bawat paghalik ni Olivia ang mukha ni Ivy ang nakikita ko.
I miss her talaga. I miss the way Ivy caress my skin and kisses my neck. Isa lang ang alam ko ngayon, I need her badly.
"Please tell Ms. Andrada to bring all the reports from her department in my office and also ask her to bring the case file of Catherine Dizon. I need to discuss an important issue regarding that kid", utos ko sa secretary ko na nagmamadaling pinuntahan si Ivy.
Actually pwede naman yung secretary ko na lang yung kumuha ng file pero since na gui-guilty ako sa ginawa ko kay Ivy kanina at miss na miss ko na siya kaya gumawa ako ng way para makausap siya. Kunwari may i-didiscuss ako patungkol sa estudyante niya.
Ilang minuto lang ay may narinig na akong kumakatok. Iginiya siya ng secretary ko sa loob ng silid at pinaupo habang ako ay kunwaring busy sa pagrereview ng mga files.
"Iwan ko na po siya doc", sabi ng secretary ko.
"Thank you", tipid na tugon ko rito kunwari seryoso.
Pagkalabas nito ng sild ay agad akong tumayo at ni-lock ito ng dahandahan.
"I'm sorry", yuon ang unang lumabas sa aking bibig. Hindi ko rin alam kung maiiyak na ba ako o ano.
Ewan... nakakalito.
I'm in love with Ivy pero hindi ko pwedeng iwan si Olivia. Ano ang gagawin ko? Ayaw ko naman na isipin ni Ivy na niloloko ko lang siya. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Partners (GXG)
RomanceIto ay istorya ng dalawang babae na sa kabila ng pagkakaroon ng kani-kaniyang karelasyon ay nagawa nilang umibig sa bawat isa. Ngayon ay nahaharap sila sa isang desisyon... Pangangatawanan ba nila ang pagmamahalan nila o isasakripisyo nila ang...