Breathless

590 26 2
                                    

"Ako pa ba ito?", tanong ko sa aking sarili ng masilayan ko ang aking itsura sa salamin. Ibang-iba na ang itsura ngayon dahil sa pagbaksak ng aking pangangatawan. Ilang araw na rin kasi akong walang tigil sa pag-iyak pati nga ang kumain at maligo ay nakalimutan ko na rin. Hindi ko na nga rin batid kung umaga pa ba o gabi na.

Limang araw na ang nakakaraan mula ng nangyari ang isang kaguluhan na hindi ko inaasahan. Isang pangyayari na sumira sa aking pagkatao. Hindi ko maiwasan na isipin kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nainsulto ng ganito.

Masakit man ang mga naging paratang ngunit wala akong magawa kung hindi ang tanggapin ito dahil ang iba rito ay totoo.

"The third party", yan ang unang paratang sa akin in short "kabit", yun ang akala nila lalo na sa mga taong makikitid ang isip. Oo kabit ako at kabit ko din siya dahil pareho kaming may mga karelasyon. Pareho lang naman kaming biktima dito ng kalokohan ni kupido, kung bakit kasi biglang pumintig ang aming mga puso ng kusa ng hindi namin inaasahan. Bakit kasi huli na ng kami ay pinagtagpo ng tadhana. Bakit kung kailan pareho ng may nagmamay-ari sa amin saka naman kami pinaglapit ng kapalaran.

Kasalan ba namin na sabay napana ni kupido ang mga puso namin at sabay itong pumintig para sa bawat isa. Ganun pa man mahirap itong patunayan lalo na sa mga taong mapanghusga.

"Malandi", isa pa sa mga paratang sa akin. Ako lang ba ang malandi? Hindi ba pwedeng pareho kaming lumandi? Dahil ito naman ang totoo. Sabi nga nila 'it takes two to tango" dahil pareho namin iyon ginusto. "The feeling is mutual", sabi nga nila. In short naglandian kami, mahirap bang intindihin yuon?

"Oportunista", eto ang huling paratang na hindi ko matatangap. Porke ba mayaman siya ay pera na niya agad ang habol ko? Kung aaminin ko bang may gusto na ako sa kanya bago ko pa man nakilala kung sino siya ay matatawag pa ba akong oportunista?

Tagos man sa puso ko ang sakit na dinulot nito pero kailangan ko itong harapin at labanan. Nawa'y bigyan pa ako ng Diyos ng lakas upang harapin ang bukas. Sa totoo lang hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kakayanin.

Flashback

"It shouldn't matter how slowly your kids learn as long as we are encouraging them not to give up and giving them the appropriate support that they need then progress will be achieved", pagtatapos ko sa speech sabay nagpalakpakan ang nga magulang at iba pang guest.

Ngayon na kasi yung PTA meeting namin. Kasabay din nito yung presentation sa results ng evaluation namin for our kids. Ako yung napiling nagpresent in behalf ng department namin kaya naka suot ako ngayon ng formal dress. Naka below the knee white floral dress ako na pinatungan ko ng color black na bolero saka naka flats ng black.

"Thank you very much Teacher Ivy for a very inspiring speech", wika ni Mr. Tamayo na bagong managing director ng center. Siya muna ang pumalit sa posisyon ni Elise pansamantala. Never pang pumunta dito si Olivia mula nung nangyari yung insidente.

Hindi na nga sana ako papasok pero sinabihan ako ng HR head namin na kailangan ko pa na tapusin yung buong school year dahil maapektuhan ang program ng mga bata at isa pa hindi nila ako bibigyan ng recommendation at good moral certificate. Buti na lang at walang nakakaalam dito sa nangyari sa amin. Sinabihan ako ni Mia na huwag aamin o magkukuwento ng kung ano-ano na patungkol sa nangyari sa amin ni Elise sa kahit sino dito. Hindi nila dapat malaman na may koneksiyon kami ni Elise. Ang alam nila ay naaksidente lang kami ni Ryan sa pagmomotor kaya ako na ospital ng ilang araw.

Si Elise naman ay pinalabas nilang may sakit kaya nag leave ito at baka matagalan pang bumalik.

Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot kapag naalala ko siya. Hindi ko kasi alam if gising na ba siya o ano. Wala pa kasing latest na balita mula kay Mia.

The Unfaithful Partners (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon