Elise
"Yes hon, ako na bibili sa grocery. Saglit lang naman yung meeting namin mamaya and besides may bibilihin din ako. If you need something else just message me ok. Sige hon, have to go....I love you", wika ko sabay end ng call.
Napatigil ako saglit sa kinatatayuan ko at sa hindi inaasahang pagkakataon ay parang may kung anong enerhiya na humila sa akin na pumasok rito sa coffee shop na ito. Ang hirap ipaliwanag.
Bahagya pa akong mapatitig sa pinto nito ng ilang segundo bago ko ito itunulak papasok. Nagulat pa ako sa pagtunog ng chime na nakabitin sa itaas ng pinto. Weird.
Actually naka ilang bili na rin ako ng kape rito. Local coffee shop lang ito kaya panay mga workers lang around the area ang customers. Very homey yung ambience saka napakabanggo nung amoy ng bagong brew nilang kape.
Saka in fairness, masarap naman talaga yung kape nila. It reminds me of someone... it reminds me of her... kamusta na kaya siya?
"How can I help?", wika ng isang babae na nagpagising sa aking wisyo. Habang nakatayo ako sa tapat ng counter at nakatingala sa menu.
Actually hindi ko naman binabasa yung menu dahil naalala ko nga siya. Nakatitig lang ako dito.
Hindi ko napansin agad yung crew dahil nakayuko ito at nakasumbrero ng kulay brown.
Huli na kasi ng marealize ko na nakangiti pala ako sa kawalan. Buti na lang at nakayuko pa rin yung babae kung hindi naku nakakahiya talaga.
Pero nakakapagtataka na bigla akong kinilabutan ng may naamoy akong pamilyar na pabango.
Maaring dahil sa naiisip ko siya kaya pati pabango nya eh naamoy ko rin. Weird di ba?
Napailing tuloy ako ng wala sa oras.
Sabi nga nila masyado daw tricky ang isip natin.
"Hi. Can I have one french vanilla late and....",
"New York cheesecake.....", wika ng babae.
Biglang nanlamig ang aking pakiramdam at nanigas ang aking katawan. Ang lakas din ng kabog ng aking dibdib. Napahawak tuloy yung kanang kamay ko ng mahigpit sa kanto ng countertop.
"You ordered for one French vanilla latte and a slice of New York cheesecake, is that correct?", wika nito.
Napatulala ako at naramdaman ko na lang na nahulog na pala yung hawak kong cellphone.
"I.....I...Ivy??? Ikaw ba yan?", wika ko. Habang pakurap-kurap ang aking mga mata.
My heart feels na si Ivy siya pero my mind says that this is not real. Na hindi si Ivy yung kaharap ko. Na this is just an illusion.
Pilit man sabihin ng utak ko na si Ivy ay isang alala-ala na lamang, pero pilit itong tinantanggi ng puso ko. Ang gulo.
"Hey, it's just me...", wika nito na nakangiti.
"Paano.....", wika ko ngunit hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ng muli itong nagsalita.
"I applied... nag apply ako bilang caregiver. Nag aral akong muli at sinuwerte naman na makapunta dito", wika nito.
"Pero bakit naandito ka?", tugon ko.
Paano kung caregiver siya eh bakit siya nagtitinda dito.
"You know how much I love coffe and you right? I mean you love coffee too right? Part time ko lang ito...", wika nito na halos hanggang tenga ang ngiti pero mukhang may ibang sinasabi ang kanyang mga mata.
Iba ang pinapahiwatig ng kanyang mga tingin.
What? Did I heard It right? She still loves me?
Naguguluhan tuloy ako sa nararamdaman ko, my mind says na naka move on na ako sa kanya. Na si Olivia na yung makakasama ko at mamahalin habang buhay pero bakit ganun? Iba naman ang binubulong ng aking puso.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapatulala sa kanya. She looks different now. She gained weight, hindi na siya gaya noon na ang payat though bumagay naman ito sa kanya. Her hair is different too, pixie cut na ito na kulay dark brown unlike noon na mahaba ito. Nag mature na rin yung kanyang facial at physical features. Sabagay ilang taon na rin naman ang nakakaraan.
"Elise?", mahinang wika nito.
Paano hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.
Bigla kasing nagflashback sa aking isipan yung mga masasayang alaala na magkasama kami pati na rin yung mga huling sandali naming dalawa.
Napatitig ako sa kanyang mga mata, at gaya ng inaasahan ay lumuluha na rin ito.
Nagulat na lang ako ng humahangos itong lumabas ng counter.
Patakbo kasi itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.
Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko ngayon.
Pinaghalong excitement, pangungulila, panghihinayang at kung ano-ano pa.
Ilang minuto rin kami sa ganitong posisyon na walang imik. Ni hindi namin nagawang magsalita. Tanging mga hikbi lang ang namamayagpag sa sa buong shop.
Ang higpit ng aming pagkakayakap sa bawat isa.
Buti na lang at ako lang ang customer sa mga oras na ito.
Tanging ang mga puso lang namin na magkatapat ang nag-uusap at nagkakaunawaan.
Kung gaano karaming luha na ang aking nailabas ay hindi ko na alam dahil patuloy lang ito sa pagdaloy.
Sa bawat paghikbi ay siyang paghigpit ng pagkakayakap namin sa bawat isa.
Kung ano-ano na tuloy yung mga katanungan na nag lalaro sa aking isipan.
Sa totoo lang, hindi na ako makahinga sa sobrang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Mabigat sa dibdib, sobra.
'Elise... na miss kita Elise... maniwala ka, dumating ako... tumupad ako sa pangako ko... sorry... sorry... sorry at hindi ko na nagawang ipaglaban ka.... pero maniwala ka, mahal pa rin kita...", wika nito na biglang nagpahagulgol sa akin.
Ito yung gustong marinig ng puso ko na kanina pa nagwawala.
Mga salitang hindi ko inaasahang marining pero aking inaasam.
Nalilito ako. Ang gulo. Hindi ko napigilan na mapaupo sa sahig.
Pakiramdam ko bigla akong nanghina. Unti-unti rin dumidilim ang aking paningin.
Paano hindi ko mapigilan yung mga luha na sunod-sunod nanaman na bumabaksak.
Gustuhin ko man magsalita pero kada ibubuka ko yung bibig ko ay walang lumalabas dito na boses.
Isa lang ang alam ko sa mga oras na ito... I still love her too... at yuon ang totoo...
"Hey, are you two alright? Do you need help?", wika ng isang boses na biglang sumulpot mula sa kawalan.
"Hey? Hey? I said, do you need help?", wika nitong muli na nagpagising sa aking wisyo kaya bahagya akong napatigil sa paghagulgol.
Gayun pa man ay humikbi pa rin ako at ganun din si Ivy.
"Yes we are alright, thank you for asking", wika ni Ivy duon sa lalaki.
"How can I help", wika pa nito na indikasyon na customer yung lalaki.
Mabilis naman naayos ni Ivy ang kanyang sarili at agad itong bumalik sa loob ng counter at inasikaso yung lalaki.
Hindi ko maiwasan na muling mapaluha habang pinagmamasdan ko siya.
Ano bang napakalaking kasalanan na nagawa ko sa Diyos at pinaglalaruan ako ng tadhana?
Ganun na ba ako kasama para parusahan ng ganito?
Bakit ngayon pa? Bakit sa ganitong pagkakataon pa kami nagtagpo?
Bakit ngayon lang kung kailan tanggap ko na ang kapalaran ko kay Olivia?
Bakit siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko?
Ang gulo.
Paano na kaya ito? Ano ang gagawin ko?
Ang hirap.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Partners (GXG)
RomanceIto ay istorya ng dalawang babae na sa kabila ng pagkakaroon ng kani-kaniyang karelasyon ay nagawa nilang umibig sa bawat isa. Ngayon ay nahaharap sila sa isang desisyon... Pangangatawanan ba nila ang pagmamahalan nila o isasakripisyo nila ang...