It's all coming back

710 32 1
                                    

Elise

"Hi. One french vanilla latte please", wika ko dun crew na kung todo yuko na mukhang may hinahanap sa ilalim ng counter. Sa sobrang abala nito ay hindi ako nito napansin, patuloy lang siya sa pagbuting-ting ng kung ano roon. Wala din naman kasi masyadong customer, iilan lang yung mga nagkakape rito ngayon dahil na rin sa weather.

Sobrang lamig kasi sa labas dahil winter ngayon. Maaga pa lang pero madilim na tapos makapal narin ang niyebe sa kalsada.

 Naisipan ko kasi munang dumaan dito sa coffee shop na malapit sa workplace ko dahil magkikita ni Andrea mamaya. Aside from being my boss, close friend din namin siya nila Jessica.

Ang lamig talaga. Hindi tuloy ako mapaigi sa pagkakatayo kaya habang busy pa yung crew sa ginagawa niya napatingala ako sa menu habang yakap-yakap ang sarili at hinihimas-himas ito. Giniginaw na talaga ako kahit may heater pa. 

Iilan lang yung mga pagkain na pagpipilian sa menu, buti na lang at mayroon dito yung paborito ko. First time ko kasing pumunta dito.

"How may I help?", wika ng service crew na mula sa kawalan. Nagulat tuloy ako. Biglang naman nawala yung babae kanina na nasa counter.

"One French vanilla latte and a slice of New York cheesecake please", wika ko rito sabay ngiti at abot ng pera.

Nang makuha ang aking order ay agad naman akong umupo sa may bintana. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan yung kape at cheesecake na inorder ko.

"Kamusta na kaya siya? Naaala pa kaya niya ako?", wika ko sa isipan.

Hindi ko tuloy naiwasang mapailing at ngumiti ng malapad habang humihigop ng kape dahil isa-isang pumapasok sa aking isipan yung mga ala-ala ng nakaraan namin ni Ivy.

Bigla na lang akong napaluha ng pumasok sa aking isipan yung imahe ng mga huling araw namin na magkasama. Lalo na yung mga oras na nangako siya na sasama siya sa akin.

Aaminin ko, bagama't ilang taon na rin ang nakalipas mula noong huli kaming nagkita ay mayroon pa rin siyang puwang sa aking puso.

May mga gabi na naalala ko pa rin siya. Hindi ko maiwasan na mag-isip kung nasaan na ba siya o kung naging masaya ba siya sa naging desisyon niya at buhay niya ngayon.

"Magkikita pa kaya kami?", tanong ko sa isipan habang marahan kong pinupunasan ng panyo ang mga luhang sunod-sunod na tumutulo sa aking pisnge. 

Flashback

"What??? Hindi totoo yan! Hindi! Mga sinungaling kayo!!", singhal ko sa pinsan kong si Jessica.

"No! No! Hindi niya magagawa sa akin yun.... Ivy loves me... Nagmamahalan kami ni Ivy... Hindi totoo yang sinasabi ninyo", sambit ko habang umiiyak.

Napasalampak tuloy ako sa lapag sa sobrang sama ng loob. Habang ang aking mga kamay ay nakatakip sa aking mukha. 

Lumapit naman ito sa akin at inalo ako.

"Tama na Elise... be brave enough to admit the fact that Ivy is getting married....", wika ni Jessica.

"No! Sinasabi mo lang yan dahil kampi ka kay Olivia.... Ivy loves me, hindi niya yuon magagawa sa akin...", tugon ko sa kanya habang patuloy parin sa pagluha.

"Here... look at this... basahin mo ng maniwala ka... tingnan mo... she's getting married this coming Sunday and Mia is one of the sponsors", wika nito. 

Hinablot ko naman yung hawak niyang invitation at marahan ko itong binasa. Parang unti-unti akong nauupos, nanlamig din ang buo kong katawan. Hindi ako makahinga.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili at napasigaw ako ng sunod-sunod. Hindi ko lubos maisip kung paano niya nagawa ito sa akin. Sabi niya mahal niya ako at sasama siya sa akin para makapagsimula kami ng bagong buhay. 

Maraming katanungan sa aking isipan, naguguluhan ako. Hindi ko mapaliwanag yung sakit at galit na nararamdaman ko. Umasa ako na magiging kami sa huli pero bakit ganun? Ano ang nangyari?

"Napakasama ko bang tao para parusahan ako ng ganito?", wika ko habang halos mapatid na ang mga   ugat ko sa leeg sa pagsinghal. 

Pinagpupunit ko rin ang hawak kong invitation at inihagis ito kung saan. Para akong nasisiraan ng ulo, paulit-ulit kong naririnig yung sinabi ni Jess na "she's getting married", para itong nag-eecho kaya hindi ko naiwasang pagsasampalin ang aking sarili para tumigil ito.

"Hey stop it! Tama na yan! Let it be... wala na tayong magagawa. She already made her decision Elise, you have to respect it", wika nito habang pilit akong pinapakalma. Patuloy parin kasi ako sa pagsampal sa aking sarili. 

Paano naman ako kakalma sa sitwason na ito. Pagkatapos ng lahat-lahat ng mga pinagsamahan namin, yung mga pangako at plano namin... ganun na lang ba kadali para sa kanya na kalimutan ito?

Nakalimutan na ba niya yung mga oras pinaliligaya namin ang bawat isa... yung mga oras na tanging ang mga puso lang namin ang nag-uusap habang nagkakaisa ang kilos ng aming mga katawan sa mundong kami lang ang nakakaalam. 

Paano? Paano yun nangyari? Ganun lang ba kabilis yuon?

"Hey, I said calm down.... Tama na Elise... I hate to say this but she's pregnant... Ivy is pregnant", wika nito na sandaling nagpahinto ng aking wisyo. Kung ilang minuto akong natulala ay hindi ko na alam. 

Nakikita ko si Jess na nagsasalita pero hindi ko ito naririnig. Nakatitig lang ako sa pag-galaw ng kanyang mga labi na indikasyon na may sinasabi ito.

Kasunod nito ang pagdilim ng aking paningin at pagkatumba ko sa sahig. 

"Hey, I'm glad you are back", wika ng isang boses. 

Hindi ko agad ito nakilala dahil tuliro pa rin ang aking isipan. Para akong lutang na hindi ko maintindihan. Si Olivia pala ito.

Nang bigla kong naalala si Ivy ay napabalikwas ako sa paghahahiga, doon ko lang narealize na nasa ospital na pala ako at nakaswero.

"I want to see her.... I want to see Ivy, please.... I want to talk to her.... I really need to talk to her", wika ko sa kanya. 

Napailing naman ito. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kanang kamay at hinalikan habang umiiyak. 

"Have a rest", tugon lang nito kasunod ang mabilis niyang pagtayo at mabilis din itong lumakad palabas ng pinto.

Napapikit naman ako sa sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. I feel so helpless and frustrated. Gusto ko siyang kausapin, baka sakali magbago pa ang isip niya. 

Kahit pa buntis siya, tatangapin ko yun ng buong-buo. Hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. 

Mahal na mahal ko siya at handa kong akuin ang responsibilidad sa bata kaya I need to see her.

"Mahal na mahal kita Ivy, sana ako parin ang piliin mo", wika ko sa isipan bago muli akong nawalan ng malay.

Reality

"Hey are you ok?', wika ng isang babaeng Briton na nagpagising sa wisyo ko. Inabutan ako nito ng tissue at duon ko lang namalayan na basang-basa na pala yung mukha ko dahil sa walang humpay na pagluha. 

"Ivy, nasaan ka na kaya", wika ko habang pinupunasan ko ang aking mukha.

The Unfaithful Partners (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon