Pumikit ako ng mariin at hinayaan kong dumaloy ang mainit na luha sa aking mga mata. Pagdilat ng mga mata ko ay agad kong nakita ang mukha ng mga taong malalapit sa akin. Ang buong pamilya ko. Nakangiti silang lahat at masayang inaawit ng sabay sabay ang Happy Birthday song.
Napangiti na rin ako at napatingin sa pinsan kong si Cheena na may hawak na camera. Sumenyas pa ito sa akin at hindi itinago ang panunukso sa mga ngiti. Napailing na lang ako sa pinsan ko. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang puting panyo. Akala ng mga kasama ko ay tears of joy lang ito.
"Happy birthday Cilen."
Napatingala ako sa matangkad na lalaking lumapit sa akin na may hawak na maliit na chocolate cake na may candle pa sa gitna. Ngiting-ngiti si Arnold sa akin kaya sinuklian ko rin siya ng tipid na ngiti. Nakita kong napayakap si mama kay papa at pasimpleng nagpunas din ng luha.
"Salamat Arnold."
Nakilala ko si Arnold noong naospital ako sa Maynila. That was 5 years ago. Hindi naman siya ang doctor na naka-assign sa akin noon pero dahil sa madalas kong pagkatulala ay naisipan ng mga magulang ko na ipakonsulta ako sa isang psychiatrist. Si Dr. Arnold Alejandro ang tumingin sa kalagayan ko noon.
I was diagnosed with depression that time. Hindi ako nagkuwento tungkol sa lahat ng nangyari sa akin. Sa aking isipan ay alam kong walang maniniwala na nagtime travel ako.
"Doc napunta po ako sa past. Taong 1763 po iyon at nagpakasal po ako sa pinakagwapong lalaki nang panahong iyon."
Kapag sinabi ko ang mga katagang iyan ay sinong maniniwala? Wala! Sasabihan lang nila akong baliw at mas lalong malulungkot ang mga magulang ko.
Kaya sinarili ko na lang ang lahat. Binigyan ako ng mga gamot at regular na chinecheck ni Dr. Arnold. Mabait ang doctor at binata pa. Sa nakalipas na mga taon ay naging close siya sa pamilya ko at pati na rin sa akin.
Alam kong gusto siya ng pamilya ko para sa akin. Mabuti na lang at hindi naman nanliligaw ang binata sa akin dahil wala siyang aasahan. Friendship is all I can offer to all men. Isang lalaki lang talaga ang tanging ginusto ko. Pero hanggang alaala na lang ang lahat.
"Make a wish." Nakangiting nilahad sa akin ni Arnorld ang cake na may isang maliit na kandila sa gitna.
Naiilang ako dahil kakaiba ang ngiti niya at nakaporma pa siya ngayong gabi. At napansin ko rin na masyado siyang maasikaso ngayong gabi.
May bahagi ng puso ko ang nalulungkot at hinihiling na sana ay hindi totoo ang nasa isip ko. Arnorld is a good friend. At ayaw kong mabahiran ang kung ano mang mayroon kami ngayon.
Mabilis kong hinipan ang kandila ng hindi na nag-iisip ng wish. Mukhang nagulat naman ang binata pero agad ding ngumiti at lumingon sa likuran kung nasaan ang mga pinsan ko. Parang may silent agreement ang mga ito.
Hindi naman sa wala akong hiling. Sa totoo lang ay pareho lang ang hinihiling ko araw-araw. Birthday ko man o hindi. I wish to see him again. Miss na miss ko na ang asawa ko.
May kurot akong naramdaman na pinilit kong binabalewala ng naalala ko na naman ang mukha ni Radleigh.
Nakita kong kinuha ni Cheena ang maliit na cake kay Arnorld. Pagkatapos ay biglang natahimik ang lahat. Natigilan ako ng biglang mamatay ang ilaw.
Nawalan ng emosyon ang aking mukha ng naisip ang mga napansin kong kakaiba kanina. Bumukas ang ilaw pagkaraan ng ilang sandali at nakita ko kaagad ang nakaluhod na si Arnorld sa harapan ko.
Nakahawak ng isang bungkos ng bulaklak ang binata. Nababasa ko sa mukha niya ang saya. Para bang inaasahan na ng lalaki na hindi ako makakahindi sa sasabihin niya ngayon. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko.
BINABASA MO ANG
Back in 1763
Historical FictionSa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni Acilegna Star Villanueva ay napagpasiyahan niyang magbakasyon muna sa La Union.Nais niyang bisitahin ang kaniyang Lola Maya at pumunta na rin sa mga beaches .But because of curiosity she experienced that...