Adios Mi Amor

1.5K 72 36
                                    

Dedicated to @juliadefiatalos
(Tungkol sa iyong request noong nakaraan. Hindi nga lang po masyadong detailed hehe)

Warning: Medyo MATURE scenes ( medyo lang ata haha )
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkatapos maligo at makapagbihis ay pumunta na ako sa kusina.

Nagulat ako ng madatnan ko roon si Minerva.

Nagluluto siya at kasama niya ang mga taga-silbi ng mansiyon na halata ang pagkailang sa kaniya. Naalala ko na hindi pala gusto ng mga kasama namin dito sa mansiyon si Minerva dahil sa ugali raw nito na hindi palakaibigan.

"Magandang umaga!" Masiglang bati ko sa kanila. Gulat naman silang napatingin sa akin.

"Maaari ba akong tumulong sa pagluluto niyo?" Nakangiting sabi ko pa.

"M-magandang umaga binibining Acilegna." Nag-iwas naman ng tingin si Minerva sa akin pero ilang sandali lang ay nahihiya na ulit itong nagsalita.

"Maraming salamat." Ngumiti sa akin si Minerva kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.

Hindi ko alam kung para saan ang pasasalamat niya pero inakala kong dahil sa pag-volunteer kong tumulong magluto iyon.

"Walang anuman. Masayang magluto kapag marami tayo." Agad naman akong kinausap ng mga katiwala sa mansiyon. Halata talagang ayaw nila kay binibining Minerva kaya pilit kong isinasali ang babae sa usapan.

Natigilan ako ng pumasok si Aling Sintang sa kusina dala ang mga bagong pitas na gulay. Ngumiti ako sa kaniya at binati siya. Binati naman niya ako pabalik at ngumiti din siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Natapos kaming magluto ng maaga dahil marami kaming nagtulungan.
Pagbaba ng tatlong may-ari ng hacienda Polavieja ay nakahanda na ang lahat.

Tumabi ako kay Minerva na nakatayo katabi ng mga taga-silbi. Ngumiti ako sa kaniya dahil kanina pa siya tahimik.

Hindi ko na ulit nakausap si Minerva dahil ng pumasok na sina Radleigh ay agad napako sa binata ang buong pansin ko.

May dumaang kislap sa mga mata ni Radleigh ng magtama ang mga mata namin na nagpakabog ng dibdib ko. Pero agad din na naging seryoso ang mga mata niya ng makitang nakatayo ako kasama ng mga taga-silbi.

Nginitian ko lang siya ng matamis pero seryoso lang siyang lumapit sa akin. Kinabahan agad ako. Baka nakalimutan na niya na kami lang dapat ang makaalam na magpapakasal kami.

Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ako sa kamay at humarap sa mga taga-silbi.
Nakita ko rin ang pagdating ni Polaris habang buhat-buhat si Alfonso na mukhang inaantok pa.

"Nais kong ipaalam sa lahat ng nandito na ang binibining ito ang aking pinakamamahal. Sana ay igalang niyo siya kagaya ng paggalang at paninilbihan niyo sa akin." Makapangyarihang utos ni Radleigh sa lahat.

Napalunok naman ako at napatingin sa lahat ng nandoon. Nakita kong napangiti si Polaris sa amin. Ayaw ko mang makita ang reaksyon ni Minerva ay napalingon pa rin ako sa gawi niya at nagulat ako ng makitang nakangiti din siyang nakatingin sa amin.

Wala na ang nakikita kong animosity niya sa akin dati. Pagkatapos ay malungkot siyang napalingon kay Polaris na naglakad papalapit sa amin at tinapik sa balikat si Radleigh.

Tumango naman ang mga katiwala ng mansiyon kahit na nababasa ko sa mga mata nila ang labis na gulat lalo na ng mapatingin sila sa kamay ni Radleigh na nakahawak sa akin.

Pagkatapos ng agahan namin ay ipinakilala rin ako ni Radleigh sa mga tauhan niya sa hacienda kasama na ang mga magsasaka at mga taga-bantay. Namumula tuloy ang mga pisngi ko sa di maipaliwanag na pakiramdam.

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon