Bakasyon

10.5K 222 9
                                    

"Happy 18th birthday anak!"

Magkasabay na bati sa akin nina mama at papa. Nakavideo call ako ngayon at kitang-kita ko mula sa screen ng laptop ko na naiiyak sila.

"Mama, Papa, what's with the sad face? Diba dapat happy lang kasi dalaga na itong super ganda niyong anak." Nakangiti ko namang biro sa kanila kahit sa totoo lang ay naiiyak na rin ako.

Oh noes! Ang isang magandang diyosang katulad ko ay hindi pwedeng umiyak, hindi iyon nakakaganda..Charr

"Wala to anak , we are just happy na okay ka lang diyan" Sabi ni mudra habang nagpupunas ng luha..Oh my naiiyak tuloy aketch..

"We miss u baby ,pagpasensiyahan mo sana kami ng mama mo kung wala kami diyan ngayon sa birthday mo. Dapat sana may debut party ka rin." Nanghihinayang naman na sabi ni papa.

Haiist, ang drama talaga ng parents ko. Pero teka! Ano itong mainit na tubig na dumadaloy sa pisngi ko?
Olala! Luha nga! Naiyak din tuloy ako. Huhuhu

"Ma, Pa, naiintindihan ko po kayo kung bakit wala kayo ngayon dito. Alam ko naman pong kinabukasan ko lang ang iniisip niyo. At tsaka hindi ko po kailangan ng party. Basta alam ko pong ligtas kayo diyan sa Japan, happy na ako."

O diba ang bait kong anak ano? Mwehehe

Anyway nag-iisa pala akong anak nina mama at papa.Nagtatrabaho silang dalawa sa isang factory sa Japan. Kagagraduate ko lang ng grade 12 sa Saint Jonh Colleges at siyempre ang tita Grace ko ang kasama ko sa pagmartsa. Kapatid pala siya ni papa at siya rin ang kasama ko dito sa Maynila. Hindi kasi pwedeng makauwi ang parents ko dahil may kontrata silang napirmahan.
Aminin kong medyo nagtampo ako noong mga panahong iyon. Well slight lang naman. But now I realized that I should be happy because my parents care for my future. Kaya heto happy lang at tsaka nakakapangit kayang magtampo.

"Ang bait mo talagang anak." Proud at masayang sabi ni mama na nagpabalik sa aking kagandahan sa realidad.

"Don't worry nak, baka makauwi na kami sa December, diyan kami magpapasko sa Pilipinas." Sabi naman ni Papa.

" Talaga Pa? Yehey ibig sabihin kompleto tayo sa Noche Buena.." Napangiti ako ng maluwang.
Napatango naman silang dalawa at halatang naaaliw sa reaksiyon ko.

Nagpatuloy ang kwentuhan naming tatlo hanggang sa napunta ang topic sa lugar kung saan ako magbabakasyon.

"Pwede po bang sa La Union na lang,kina Lola Maya po?"
I said while sipping on my coke float na binili ko sa mcdo.

"Aba siyempre naman anak, basta magpasama ka sa tita Grace mo at baka maligaw ka." Sabi ni papa sa akin.

"Papa kaya ko na pong magpunta doon nang mag-isa" pamimilit ko naman. Hindi naman sa hindi ko gustong kasama si tita Grace. Gusto ko lang talaga maranasang maging independent. Eighteen na kaya ako.
Napabuntong hininga nalang si papa at napipilitang tumango.

"Okay since it's your birthday , I will let you,but be careful okay?" Sabi ni papa sa akin.

"Yes po" Sabi ko at muntikan ng mapasigaw sa tuwa.

Trese pa kasi ako noong huli akong nagpunta sa La Union at kasama ko noon ang mga magulang ko. Hindi naman ako natatakot magbiyahe ng mag-isa dahil natatandaan ko pa kung paano magpunta doon. Excited na tuloy ako. Ang dami kasing beaches doon.

La Union! Here I come!







Thank you for reading
Sorry for my wrong grammars and typos..

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon