Ang pagkikita

5K 194 8
                                    

Pagbaba ko ng bus ay luminga-linga ako. This is a very tiring day for me.
Akala ko talaga easy lang ang 7 hours na biyahe! I guess I'm wrong.
Nahihilo pa nga ako hanggang ngayon eh at masakit ang puwet ko sa mahabang pag-upo!

"Cilen!!!!!"

Napalingon ako sa sumigaw. Napangiti ako ng makita ko si Cheena. Mabilis siyang lumapit sa akin at agad akong niyakap.

"Hwaa! Grabe pinsan namiss mo naman ako masyado." Biro ko kaya natawa kami pareho.

Naglakad na kami patungo sa isang Mazda 3 sedan na kulay blue. Nabigla ako ng makita ko si Jonas. Ngumisi naman ito ng makita kaming dalawa ni Cheena.

" Aba, Jonas tumangkad ka ah." Sabi ko habang nakangiting yumakap dito.

"Siyempre naman Cilen. Kaya nga lalo akong hinahabol ng mga hot babes eh" Nakangising sagot naman ng hudyo kaya natawa ulit ako.

Pabiro ko na lang siyang sinabunutan.

Nagkwentuhan pa muna kami bago nagpasyang umuwi na sa ancestral house ni Lola.

" Cilen apo ko." Naluluhang yumakap sa akin si Lola Maya ng makarating na kami sa ancestral house niya.

By the way dito sa La Union ay Cilen ang palayaw ko.

Nagkaroon ng munting salo-salo sa  ancestral house. Pero dahil pagod pa ako sa biyahe ay maagang nagpaalam ang mga pinsan ko upang makapagpahinga ako.

Pumasok na ako dito sa kwarto ko sa ancestral house. Napatingin ako sa may bintana at doon ko napansin na nakaharap pala ito sa dagat.

Napagdesisyunan kong lumabas muna at maglakad-lakad sa dalampasigan. Nagpaalam muna ako kay Lola at talagang nagulat ako sa sinabi niya.

" Mamimiss kita apo, magpakabait ka doon ha?" Kahit naguguluhan ay dinaan ko na lang sa biro ang lahat.

" Lola, dati pa po akong mabait. At tsaka sa tabing-dagat lang po ako pupunta." Natatawang sabi ko.

" O siya sige na apo at matutulog na ako." Ang aga talagang matulog ni Lola. 5 pm pa lang eh. Pero sabagay 78 na rin naman kasi siya.

Hampas ng mga alon at boses ng mga bata na naglalaro sa di kalayuan ang tangi kong naririnig.Umupo ako sa may buhanginan at hinayaang tangayin ng hangin ang mahaba kong buhok.

Medyo madilim na kaya nagpasya na akong bumalik sa ancestral house. Napatingin ako sa likod ng bahay na tinutuluyan ko. Napatigil ako ng makita ko ang lumang mansion. Hindi ko alam pero parang may tumutulak sa akin na pumasok ulit doon.

Namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng gate.Tinitigan ko  itong mabuti.

"Or maybe I should not enter this old mansion again. Hanggang ngayon tress passer pa rin ang peg ko."

Napasabunot ako sa buhok ko at nagpasyang bumalik na sa kwarto ko. Baka mahuli na naman ako at mapahiya.

Nagulat ako ng paglingon ko ay ang seryosong mukha ng isang pamilyar na matabang babae ang nabungaran ko.

"Ahmm hello po manang......"
The fudge! Ano na nga ulit pangalan niya?

"Uring. Tawagin mo na lang akong Uring." Mukhang naintindihan naman nito na nakalimutan ko ang pangalan niya.

"Ah, manang Uring napadaan lang po ako, sige po bye." Nagmamadali ko siyang nilampasan, baka kasi akala niya nagtetresspass na naman ako. Which is partly true.

I stop walking when I heard her talk.

" Nais mo bang pumasok sa bahay?" Misteryosa niyang sinabi sa akin kaya napalunok ako. My gosh natakot ako doon ah, parang ang creepy niya.
Magalang na lang akong umiling pero

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon