Rafael A.P

6.9K 221 17
                                    

"Iha, sigurado ka bang kaya mo nang magbiyaheng mag-isa patungong La Union?" Tanong ng Auntie Grace ko.

"Yes po tita and besides I'm already eighteen kaya dapat lang po na matutunan ko na ring bumiyahe nang mag-isa" Nakangiti ko namang sagot.

"Well it looks like you are really ready and excited to go there. Hmmm. I'm wondering why?" Nagtataka at napahawak pa sa kaniyang baba si tita. Agad naman akong umiling at namula.

Gosh! It can't be! Hindi dapat malaman ni tita na may iba pa akong nais makita doon sa La Union.
Honestly kasi hindi lang beaches at bisitahin si Lola Maya ang pakay ko doon. Gusto ko ring makita ulit ang nakapintang larawan na iyon na nakita ko sa lumang bahay na nasa likod lang ng ancestral house ni Lola.

"W-wala tita. I just want to relax at makasama ulit si Lola Maya.
G-gusto ko ring makapunta sa mga beaches sa Bauang." Oh no! Did I just stutter? Tunog defensive rin aketch.

Halatang hindi naniniwala si tita kahit nakangiti siyang tumango sa akin.

"Sabi mo eh."

Hay naku. Bahala na nga kung naniwala siya sa reason ko. Katotohanan din naman iyon kaya lang half lang. Hindi ko alam pero nahihiya kasi akong malaman nila na interesado ako sa isang lalaki na nasa isang painting. Alam kong wala namang problema doon pero 1763 pa naipinta ang larawang iyon eh. tsss
Superhot naman kasi ng guy na nasa painting. Sayang nga lang at sa sinaunang panahon siya ipinanganak.

Hala erase erase! Acilegna hindi dapat pinagnanasahan ang isang lalaki na mas matanda sa iyo ng 200 years.

I mentally scolded myself. Gosh pinagnanasahan ko ba ang isang lumang larawan? No way! Pero may iba kasi talaga akong naramdaman noong una ko iyong nakita 5 years ago. Trese anyos pa lang ako noon....

Flashback

Sanfernando La Union
December 24, xxxx

Lahat ay busy sa ancestral house ni Lola Maya dahil ilang oras na lang ay Noche Buena na. Pinaka-masaya sa lahat ang dalagitang si Acilegna dahil kasama niya ang mga magulang, pinsan, tita/tito at lola niya.

5pm na nang magsawa siyang maglaro ng scrabble kasama sina Cheena at Jonas, ang dalawa sa pinakamalalapit niyang pinsan.

"Labas tayo para magpahangin." Sabi ko na agad namang sinang-ayunan ng dalawang pinsan ko. Halos magkakaedad lang kami at dito sa La Union nakatira ang dalawang pinsan ko.

" Agpakada tayo pay ( magpaalam muna tayo)." Sabi ni Cheena sa wikang Ilokano. Tumango naman ako dahil nakakaintindi naman ako nang Ilokano. Ang mommy ko kasi ang taga La Union at ang daddy ko naman ay taga Maynila kaya doon kami nakatira. Pero kasalukuyang nag-aaply ang mga magulang ko para magtrabaho sa Japan.

"Cilen, nakabutbuteng met ti mapan dita nga mansion, kasla adu ti al-alya." ( Cilen ,nakakatakot namang pumasok sa mansion na yan, parang maraming multo.) Nag-aalangang sabi ni Jonas sa akin.

I just rolled my eyes.

"Pss,kalalaki mong tao Jonas, kaya don't be too scared." Natatawa ko namang sabi at saka hinila ang dalawa kong kasama na parang takot na takot talaga.
Haiist.
Noong nakapagpaalam kasi kami kina mommy ay lumabas nga kami at nagpahangin sa likod ng ancestral house. Tapos bigla akong napatingin sa napakalaking mansion na nasa medyo kalayuan nitong house ni Lola. May lumabas doon na isang matandang babae na malaki ang katawan

Maybe the caretaker of the old Spanish mansion.

Inilock niya iyong gate na halatang luma na dahil kinakalawang. Pero in fairness maganda pa rin iyong mansion. Luma pero malakas ang dating at kitang-kita ang magandang pagkakagawa.

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon