Polavieja-mansion

4.1K 161 25
                                    

"EStOy en CAsa!"   ( I'm home!)

Malakas na sigaw ni Alfonso pagdating namin sa loob ng mansion.
Sinasaway naman siya ni Minerva na parang kinakabahan.
Habang ako ay kanina pa hindi nagsasalita. Paano ba naman kasi kilalang-kilala ko ang mansiyon na ito. Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuoan ng mansiyon. Napakabago pa ng lahat ng kagamitan na halatang nanggaling pa sa ibang bansa.Hindi katulad sa panahon ko na napakaluma na ng mga itong tignan.

Lahat kami ay napatingin sa taas ng hagdan ng marinig namin ang mga yabag. Napanganga ako ng makita ko ang napakagwapong nilalang na bumababa mula sa Mt. Olympus ay este sa hagdanan pala.

Dug dug dug dug dug dug dug

Napahawak ako sa aking dibdib.
Shit! Ang lakas ng kabog ng puso ko.
Pero anong ginagawa niya dito?
Nagtataka kong tanong sa isipan ko.
Una nakita ko lang siya sa isang painting. Pangalawa ay noong naka eye to eye contact ko siya sa dalampasigan. Tapos ngayon ay nandito siya na parang haring bumababa.

Nakangiti ang lalaki ng mapatingin kay Alfonso. Agad namang yumakap at nagpabuhat ang bata.

Ngayong magkatabi sina Rafael at Alfonso ay malinaw kong nakikita ang kanilang pagkakahawig. Hindi naman sila parang pinagbiyak na bunga pero iyong mga mata nila ay pareho talaga.

Maaari kayang mag-ama talaga sila?

Nilingon ko si Minerva na nakayuko sa tabi ko. Lalo tuloy akong nagtaka, ano ito may dumaang royal blood para kailangang yumuko? Pero diba dapat kung asawa niya si Rafael ay hindi siya yuyuko ng ganyan na parang katulong siya?

Hayyys, alangan naman na ganito ang mga babaeng asawa sa sinaunang panahon? May kumurot na naman sa puso ko sa naisip ko na baka mag-asawa nga sila. Hinawakan naman bigla ni Minerva ang kamay ko at sinenyasan akong yumuko.
Pero dahil hindi ako yumuyuko sa kapwa ko tao ay umiling lang ako.

Duhhh why would I right?And it looks like this Rafael guy doesn't notice me yet. Ano ako pader?

Muntikan na akong mapalundag ng magsalita bigla si Rafael.

"Binibining Minerva..." Pormal na sabi nito sa katabi kong babae na parang nanigas sa kaniyang pagkakayuko. Nawala ang ngiti ng lalaki kanina ng  mapatingin siya kay Minerva. Napataas tuloy ang isang kilay ko. Bukod sa hindi niya ako pinansin ay tinawag niya pang binibini sa blangkong ekspresyon si Minerva.

Binibini? Akala ko ba asawa niya to?Atsaka bakit parang takot na takot itong si Minerva sa kaniya?

Nagtataka ako sa narinig ko pero ng marealized kong baka naman hindi talaga sila mag-asawa ay parang nakahinga ako ng maluwag.

"Cambia la ropa de Alfonso para que podamos comer."( Palitan mo na ang kasuotan ni Alfonso para makakain na tayo.)
Pagpapatuloy ni Rafael sa lenguaheng hindi ko na naman magets.
Mahinhin naman na tumango si Minerva at itinaas na ang kaniyang ulo upang tignan si Rafael. Ngunit nang makita nitong seryosong nakatingin ang lalaki ay bigla itong napayukong muli.

Hindi iyon nakaligtas sa aking matalas na mga mata.
Hmm something is fishy! At hindi ako makarelate sa pinagsasabi nila.

"Si, Senyor ." (Yes )
Magalang na sagot ni Minerva habang ako ay napapaisip pa rin kung bakit napakapormal ni Rafael kay Minerva.
Atsaka hindi man lang talaga ako pinansin! Hmmp!

Sa ganda kong to? No pansin?!

Mabilis na nilapitan ni Minerva si Alfonso na nasa tabi ni Rafael. Mukha pa ngang nailang siya ng makalapit sa gwapong lalaki. Habang parang wala namang pakialam ang huli.

"Vamos arriba Alfonso."( Tara sa taas Alfonso.)
Sabi ni Minerva sa anak niya at nagsimula na silang umalis.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Ano ito iiwanan na lang ako dito basta-basta. Walanjo naman oh! Hindi ito pwede, mabuti sana kong close kami nitong si Rafael pero hindi! May regla ang lalaking ito ngayon eh, ang seryoso niya, kalurkey. Tapos parang hindi niya rin ako nakilala.

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon