Nakatulala lang ako ngayon habang nakaupo dito sa loob ng simbahan. Nakaupo ako sa pinakalikod. Dito kasi ako napadpad ng tumakbo ako kanina.
Yes! Tinakbuhan ko iyong lalaki na kamukha ng nasa painting.
Pero kamukha nga ba o siya talaga si Rafael A.P?
Fudge! Naguguluhan na talaga ako.
Hindi ko sinagot ang tanong niya kanina bagkus ay tinanong ko kung anong petsa ngayon. Mukha pa ngang nagtataka siya sa akin.
Then he said it. The most shocking and terrifying answer that I heard on my 18 years of existence.
"Binibini..Ngayon ang ika-21 ng Enero taong 1763."
That time I realized that the weird manang Uring or lolo Selmo is not joking at all. Dahil na rin sa gulat ay napatayo ako at biglang napatakbo. Nais kong mahanap si Lolo Selmo / manang Uring para sabihing ibalik na ako sa realidad.
Then bigla ko na lang nakita itong simbahan. Naisip ko na kung meron mang tahimik na lugar dito ay ang simbahan iyon kaya pumasok ako para makapag-isip.
"Kayo na po ang bahala sa akin." Taimtim kong dasal sa Kaniya bago ko napagpasiyahang tumayo.
Maglalakad na sana ako ng may isang batang lalaking humarang sa akin.Ang cute-cute niya. Maybe 6 years old ang edad.
Nagulat pa nga ako nang makita ko ang mga mata niya. Itim na itim din at parang mga mata ni Rafael!
" Alfonso!" Napalingon ako sa pintuan ng simbahan ng may magandang babaeng tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko or should I say sa bata na Alfonso ata ang pangalan.
Naiiyak na nilapitan ng babae ang bata na hanggang ngayon nakatingin pa rin sa akin. May pagtatakang makikita sa inosente niyang mukha.Haha ano etetch nagandahan o napangitan?Naisip ko na lang.
"Ina, quiero que sea mi ninera." (Ina, gusto kong siya ang mag-alaga sa akin.) Sabi ng bata ng mahawakan siya ng magandang babae sa balikat.
Mama niya siguro itong babae,iyon lang nagets ko eh.
Napailing na lang ako bago napagpasiyahang lumihis ng daan para makalabas na sa simbahan. Nakaharang pa rin kasi hanggang ngayon ang bata pati na rin ang babae.Pero napatigil akong muli ng may humawak sa laylayan ng t-shirt ko.
Tama kayo ng nabasa, naka t-shirt ako ng puti with the printI'm gorgeous and sexy!
O ha? Ang astig right? Naka-rugged pants din ako with my rubber shoes. Ito siguro ang dahilan kaya ako pinagtitinginan ng mga to rito sa loob ng simbahan noong pumasok ako pati na rin sa labas.
Well malay ko ba kasing magtatime- travel ako ngayon? Bigla na lang akong napunta sa sitwasyong ito eh.
"Espere!" ( Wait )
Sigaw ng babae kaya napatingin ulit ako sa kanila."What?" Nakataas ang kilay kong tanong. Maganda din talaga si girl ha. Mukhang may lahing kastila pero sorry na lang siya, mas maganda pa rin ako. Oppss walang kokontra. Kahit itanong niyo pa sa lola Maya ko. Charr
Siya naman ang napakunot noo dahil mukhang hindi naintindihan ang sinabi ko.
Ay oo nga pala hindi nakakaintindi ang mga tao sa panahong ito ng wikang English. Pero sabagay patas lang kami kasi hindi rin ako marunong ng Spanish language.
Naalala ko pang sinabi ng history teacher namin noong Junior high school ako na hindi pinapahalagahan noon ang wikang English sa Pilipinas dahil nga sa kadahilanang Kastila ang sumakop sa atin at hindi pa naman Amerikano. Kaya Spanish lang talaga ang pinagtutuunan nila ng pansin.
BINABASA MO ANG
Back in 1763
Historical FictionSa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni Acilegna Star Villanueva ay napagpasiyahan niyang magbakasyon muna sa La Union.Nais niyang bisitahin ang kaniyang Lola Maya at pumunta na rin sa mga beaches .But because of curiosity she experienced that...