Acilegna Star POV
Pinilit kong inubos ang pagkaing dinala sa akin. Hahanapin ko pa si Meldina.
Nagiguilty talaga ako. Kasalanan ko kung bakit nangyari lahat ng to. Kung sana pala hindi na lang ako nagpumilit pang sumama sa gubat. Sana pala nanahimik na lang ako noong dinudukot ako nina Osting at Hugo.
Baka wala na sanang nadamay pang iba.
Dahan dahan kong ibinaba ang baso pagkatapos kong uminom ng tubig.
Alam kong mas malakas na ako kaysa kanina pero hindi ko alam kung bakit wala akong ibang maramdaman kundi poot at galit.
Masama to. Hindi ko dapat pairalin ang emosyon ko dahil baka lalong masira ang plano ko.
Napatayo ako bigla ng maalala ko ang sinabi ni Osting na dadalhin niya raw ako mamaya sa kwarto ni Don Gustavo.
Tsss. Asa pa ang matandang yon.
Hindi nila alam kung sino ang kinakalaban nila.Black belter ako sa taekwondo at martial arts. Kaya alam kong kaya kong patumbahin ang mga bantay sa labas.
Huwag nga lang nila akong tutukan ng baril at balisong dahil hindi ko na alam ang gagawin kapag nagkataon.
Dahan dahan akong lumapit sa pinto para sana kumatok upang marinig ng mga nasa labas.
But to my surprise, I heard a man screaming.
Hindi naman masyadong malakas. Sakto lang para marinig ko.
Then another scream , then another one.
Magkakaibang sigaw ang naririnig ko.
Sabayan pa ng mga kalabog.What's happening? Are they practicing martial arts ?
Mayroon na bang ganoon sa panahong ito.
Napahinto ako sa pag-iisip ng makita kong unti-unting nabuksan ang pinto.
Shit. May kalaban na!
Just when I ready myself for a fighting position, the door finally opened.
Napalunok ako at muntikan ng sinugod ang taong nakita kong nagbukas ng pinto. Muntikan ko na siyang sugurin ng yakap.
Standing in front of me is no other than the most bipolar person I've meet on my whole life.
Ang huling pagkikita namin ay noong nagkasakit ako at siya ang nag-alaga sa akin.
Lumakas ang tibok ng puso ko ng unti-unti siyang lumapit sa akin.
Thank you Lord dumating siya.
Ibinaba niya ang kamay kong nakataas sa ere na handa ng sumuntok kanina.
Inayos niya rin ang pagkakatayo ko.
Hindi pa kasi ako gumagalaw mula pa kanina. Kaya naka-fighting position pa rin ako.
Tinignan ko ang gwapong mukha niya.
Hinawakan ko ang balbas niyang medyo humaba ata. Nakalimutan niya bang gupitan to? O baka naman wala siyang gagamiting pang-gupit?
Itinaas ko ang kamay ko sa kaniyang mga labi. I trace it using my thumb. Nakakainggit ang pagiging pula nito.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya.
Napatigil ako sa paghawak sa mga labi niya ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko. Marahan lang iyon pero ang epekto nito sa akin ay sobra pa sa sobra.
I finally look at his two orbs.
They are very hypnotizing.Parang nababasa niya lahat ng nasa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Back in 1763
Ficción históricaSa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni Acilegna Star Villanueva ay napagpasiyahan niyang magbakasyon muna sa La Union.Nais niyang bisitahin ang kaniyang Lola Maya at pumunta na rin sa mga beaches .But because of curiosity she experienced that...