Ang Habulan sa Gubat (2)

2.6K 133 7
                                    

This is very unexpected!

Lahat kami ay tumingin kay Radleigh kanina upang malaman namin ang plano niya.

I admired the way he act despite this dangerous situation.

Kalmado lamang siya at talagang mukhang pinag-iisipan niyang mabuti ang gagawin.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang seryosong nag-iisip. Kung kanina ay kinabahan ako ng marinig ang tunog ng paparating na mga kabayo ngayon ay hindi na.

I know that Radleigh will do something.

Kaya nagulat talaga ako ng magsalita siya.

" Lahat kayo umakyat sa mga puno ngayon din!" May diin niyang sinabi.

Nakita ko sa mga gilid ng mata ko na sinunod na ng iba ang utos ni Radleigh.

Wtf. Ano daw? Umakyat sa puno? Ha! Akala ko may brilliant idea siya!

Magrereklamo na sana ako lalo na at paano makakaakyat si Meldina eh hinang-hina pa siya.

Pero natigilan ako dahil nakita kong pinagtulungan na siyang iakyat sa isang puno na may kalakihan pero medyo pahiga ang pagkakatayo.

Okay. Now what? Mayayabong ang mga dahon ng mga puno dito sa kagubatan kaya hindi nga naman kami kita ng mga humahabol sa amin kung aakyat kami ngayon dito.

Lahat ay nakaakyat at nakatago na sa kanilang piniling mga puno. Mas lalong naging malapit na rin ang tunog ng mga yapak ng kabayong naririnig ko.

Kami ni Radleigh na lang ang natitirang nakatayo dito sa baba.

Nilingon ko si Radleigh na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa akin.

" Acilegna, bakit hindi ka pa umaakyat?" Nagtataka niyang tanong perong parang may halo ring pagbabanta.

"Ah. Hehe . Radleigh naman, paaakyatin mo ako sa higanteng mga puno na yan eh ang haba kaya nitong saya ko." Nakita kong medyo gumalaw ang mga panga niya sa sinabi ko.

Eh totoo kaya na nahihirapan ako sa suot ko ngayon. Lalo na kanina noong tumatakbo kami.

Pero suot ko naman iyong pantalon ko na suot ko noong unang beses akong napunta rito.

Gusto ko sanang punitin na lang ang mahaba kong palda kanina pero wala na kaming oras.

Pero kung aakyat ako ngayon na ganito ang suot ay lalo akong matatagalan.

Magsasalita pa sana si Radleigh pero hindi niya naituloy dahil mabilis kong hinubad ang baro at sayang suot ko.

Narinig ko rin ang singhapan ng mga nakaakyat sa puno.

Hmp. Duh! I'm wearing my t-shirt and pants underneath so what's the big deal?

"Acilegna!" Malamig ang boses ni Radleigh ng binanggit niya ang pangalan ko at medyo kinabahan ako dahil doon.

"A-ano?"

Nagsalubong ang mga kilay niya sa galit.

Hindi ko alam kung bakit.

Kinabahan ako lalo ng lumapit siya sa akin.

Bigla niyang kinuha ang mga damit na hawak ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Akala ko kung ano ng gagawin niya eh.

"Kaya mo bang umakyat?" Malumanay na tanong niya sa akin ngayon.

Oh Radleigh . Bakit ka ganyan?

Nanlalambot ang mga tuhod ko sa tono niyang sobrang rahan pero nagawa ko paring tumango.

I know how to climb a tree. That's easy. Kaya ko ngang akyatin ang mataas na pader at gate ng lumang mansyon na na katabi ng bahay ni lola Maya eh.

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon