Panaginip

5.4K 190 12
                                    

Napangiti ako ng mae-zipper ko na ang traveling bag ko. Katamtaman lang ang laki nito dahil damit lang naman at iba pang personal na gamit ang laman nito.

Tinignan ko ang date ng kalendaryo. Bukas na ang araw na pupunta ako sa La Union. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto ko.

I'll definitely gonna miss my room here!

Naisip ko na lang at humiga sa kama ko. Pumikit ako at naalala ko na naman ang gwapong mukha na nasa larawan.

Those black eyes and kissable lips.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga pinag-iisip ko. Nang biglang naalala ko ang isang bagay.
Haiist, hindi ko dapat makalimutan iyon dahil iyon ang naging libangan ko sa nakalipas na mga taon.

I search for my paint brushes and canvas. Yes tama kayo. Nagpipinta ako. Hindi ko alam pero nagsimula ang obsession ko sa pagpinta mula ng tumuntong ako sa mansion na iyon sa La Union.

And I thank God dahil natural na natural sa akin ang pagpinta. My aunt said that it was my talent. Indeed it's true.

Kaya naisip ko na siguro naging tulay ang pagpunta ko sa La Union para mapalabas ko ang isang talento na sobrang kinagigiliwan ko ngayon. Puro kasi ako training ng martial arts at gymnastic dati. Ngayon ay mas focus na ako sa pagpinta.

Lagi pa nga akong nananalo sa mga contest na may kinalaman sa painting and my favorite subject to paint is a place na parang panahon pa ng mga kastila. I don't know why pero iyon kasi unang pumapasok sa isipan ko.

Bumangon ako sa kama ko at inilagay ko na sa isang medyo malaking bag ang mga gamit ko sa pagpinta.
Napangiti ako at naisip kong marami akong maiisip na ipinta sa bahay ni Lola Maya dahil may katabi itong mansion na halatang naipatayo pa noon. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kama ko at nagsimulang matulog.

Nagising ako sa isang lugar na kakaiba. Shocking! Nasa Mars ba ako? Pero diba wala pa namang nakatira doon na tao?

But what kind of place is this?
May mga kalesa tapos iyong damit ng mga tao ay kakaiba.
Damn! Sobrang kakaiba naman nitong mga tao dito. Parang iyong damit namin sa drama club noong highschool at ang tema ay Spanish era ang suot nila kahit sobrang init at tirik ang araw!

Yeah! Maybe nasa isang theater ako. Pero alangan naman na isa rin ako sa mga artista right?
Nabigla ako ng may biglang tumawa sa gilid ko.

Lol, as in iyong pabebeng tawa ha?
( Insert naiinis face)
Inis akong lumingon at napasinghap.

Fudge!

Ang colorful ng suot ni lolo na tumatawa sa gilid ko.
Matandang gurang ang nakikita ko sa harap ko. Akala niyo gwapong guy ano? Tsss asa pa ako.
Anyway si lolo ay naka slack ng red at naka damit ng puti with matching jacket na black.Naka cap ng brown at naka sapatos ng .....

Wow nike talaga? Yellow pa ang kulay.

"Tumayo ka diyan iha dahil pinagtitinginan ka na nila." Mahinahon nitong sinabi with his very friendly smile. Hindi ko alam pero mukha naman siyang harmless.

" Huwag kang mag-alala at harmless talaga ako." Sabi ni lolo na nagpalaki sa mga magaganda kong mga mata.

" How did y-you........" Hindi ko na naituloy dahil nagsalita na ulit siya.

" Tumayo ka diyan Acilegna at sasabihin ko sa iyo ang lahat."

Saka ko naman napansin na nakaupo pala ako sa gitna ng kalsada at may paparating na kalesa!
Bigla naman akong tumayo at muntikan pang ma-out balanced. Umatras ako sa gilid ng kalsada kung nasaan ang matanda.

Pinagtitinginan naman ako ng mga errrr sinaunang tao yata? Tinignan ko ang suot ko, nakapadyama pa ako at wala akong sapin sa mga paa.
Pero at least maganda pa rin ako. Siguro nagagandahan sila sa akin kaya ang intense makatingin. Lol

Napatingin ako bigla kay lolo na hindi ko pa pala alam ang pangalan.

"Tawagin mo akong lolo Selmo."

Wow mind-reader ang peg. Nabasa niya agad iniisip ko eh.

"Tama ka iha, nakakabasa ako ng isipan lalo na kapag ang taong iyon ay importante sa misyon ko." Tumawa ang matanda.

What is he talking about? Lalo tuloy akong naguluhan.
" L-lolo Selmo, panaginip lang po ito right? Hindi po kayo t-totoo? Itong nakikita ko po ay dahil lang sa o-obsession ko sa Spanish e-era? " Kinakabahan kong tanong.

Oh no please say yes!

Dininig naman ng langit ang aking hiling.

"Tama ka iha, panaginip lang ito."
Napangiti naman ako ng malawak pero bigla rin akong napangiwi dahil

"Panaginip nga ito pero ang nakikita mo ay pawang katotohanan. Nandito tayo sa panahon ng mga kastila, taong 1763 kung saan ikaw ay titira ng isang taon simula bukas." Pagpapatuloy ni lolo Selmo.

" Mawalang-galang na lolo pero nakadrugs ka ba?" Natatawa ko namang tanong pero deep inside natatakot na ako.
Omygass, anong titira ng isang taon? Ako titira sa  isang lugar na hindi  ko alam kong saang lupalop ng Pilipinas at sa taong 1763?

Shems, tinignan lang ako ni lolo  ng what-are-you-talking- about- look?

"Okay, I need an explanation po." Sumusukong sabi ko na lang.

" Makinig ka sa akin Acilegna , kailangan mong magtime-travel mula sa kasalukuyang panahon patungong 1763 dahil may misyon ka na kailangang gawin. Huwag ka ring mag alala dahil ang lugar na ito ay ang tinatawag nila ngayong La Union."

Whuut!?
So this is La Union noong panahon ng mga kastila? Nakakamangha.

"Kailangan mong magtagumpay sa misyon mong ito para muli kang makabalik sa iyong kasalukuyang panahon."

" Ano po bang misyon ito? At sino po ba talaga kayo Lolo Selmo?" Tanong ko. Misteryoso kasi itong si Lolo eh. Nakaka-curious din ang sinasabi niyang misyon. Pero hindi pa ako pumapayag ah.

"Malalaman mo bukas kung ano ang misyon mo Acilegna." Nakangiting sagot niya sa akin.

Hindi kaya nangangawit itong si Lolo sa kakangiti? Hay nevermind.

" And by the way, isa akong espesyal na nilalang at misyon ko na magtagumpay ka sa iyong misyon. Payag ka man o hindi ay kailangan mo itong gawin."

Whuut!!?

"T-teka lolo ano p......" Hindi ko na naituloy ang gusto kong itanong dahil parang lumilindol. Nakita ko na lang si lolo na kumakaway na nakangiti tsaka biglang naglaho.

Nagising ako dahil may tumatapik at yumuyogyog sa mga balikat ko.Kaya pala akala ko lumilindol si tita lang pala na ginigising ako dahil umaga na.

Napabalingkwas ako ng bangon.
Huh? Panaginip lang pala iyong tungkol sa matanda.
Whew akala ko totoong nasa 1763 na ako.

" Iha, kailangan mo nang maligo at nang makakain ka na, alas otso pa naman and biyahe ng bus patungong La Union."  Sabi ni tita habang binubuksan ang bintana ko.

I look at my watch at tsaka humikab, alas sais na pala kasi.
" Sige po tita." I said before going inside the bathroom. Pinilit ko na lang kalimutan iyong panaginip ko na parang totoo.

Parang nagdadalawang isip pa akong magpatuloy sa aking vacation pero magtataka sina mommy at siguradong magtatampo si Lola Maya kapag hindi ako natuloy. Nangako pa naman akong magbabakasyon ako roon at naitawag na ni tita sa kaniya kahapon.

It's just a weird dream right?

Naisip ko na lang at pilit kinukumbinsi ang aking sarili habang bumubuhos ang tubig galing sa shower sa aking katawan.

A/N

Hola! # 49 in historical fiction as of July 21,2017..
Thanks God
and sa mga readers.
Sorry sa typos at wrong grammars.

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon