Kanina pa ako hindi mapakali dito sa loob ng kwarto ko. Gusto ko din sanang makilala ang mga bagong dating na bisita ni Rafael which is ang kapatid niyang si Polaris at iyong isa na si Adolfo ata.
Well, as I've said ay kailangan ko ng simulan ang misyon ko. Kaya dapat makilatis ko ang dalawang bagong dating.
Dapat ko ring malaman kong ano na ang nangyayari sa kanilang apat. Sina Rafael, Polaris, Adolfo at si Minerva ang sinasabi ko.
Bago kasi ako hinila ni Meldina na pumasok dito sa kwarto ko ay nakita kong pumunta sila sa hardin at kasama nila si Minerva.
Eh hindi ba awkward iyon? Ang pagkakaalala ko kasi ay ex daw ni Rafael si Minerva na sinulot ng kapatid niya na si Polaris. Tapos magkakaharap harap sila ! Wow lang ah. Pero sabi din ni Meldina na hindi raw sigurado kung totoo ang kuwento na iyon. Baka tsismis lang o ano.Kailangan kong sumunod sa hardin. Magiging spy ako ngayon.
Curiosity level 100 is on!
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto. Tapos inilabas ko ang aking ulo para tignan kong may tao sa pasilyo.
Success! Walang tao.
Mabilis akong lumabas at tumakbo pababa sa hagdan.Nasa kalagitnaan na ako ng makasalubong ko si Aling Sintang.
Patay! Anong gagawin ko??
" Binibining Acilegna, saan ka pupunta?"
Nagtatakang tanong niya.Oh my, alangang sabihin ko na mag e spy ako sa mga taong nag-uusap sa hardin diba?
" Ahmm. Gusto ko pong......." Isip ka ng palusot Acilegna!
Hindi ko kasi maintindihan si Rafael kung bakit pinagbabawalan niya akong palabasin sa kwarto ko eh.
Kanina bago kami maghiwalay dahil nilapitan niya ang kaniyang mga bisita ay madiin niyang sinabi na
"Pumasok ka na sa iyong silid at huwag na huwag kang lalabas, maliban na lang kong tawagin kita."
Tapos ang cold ng pagkakasabi niya na para bang kapag sinuway ko siya ay malilintikan ako.
Binilinan din niya sina Meldina at Aling Sintang na bantayan ako.
Duh! Lalo tuloy akong nacurious kong anong meron!
Kaya noong nagpaalam si Meldina na may kukunin lang saglit ay heto nga at tinangka kong lumabas.
Pero ang tanga ko din kasi eh. Alam ko na ngang maraming nagkalat na kasambahay dito eh hindi pa ako nag-ingat." Gusto mong? " tanong ni Aling Sintang na nagpabalik sa akin sa realidad.
" Gusto ko pong mag.... ahmm magtungo sa silid ni Meldina , may tatanungin kasi ako sa kaniya."
Todo ngiti kong sagot.Buti na lang pala at miyembro ako ng Theater and Arts noong Senior high school.
Sisiw lang ang mag-akting. Haha.
" Naku ang batang yaon, sinabi kong huwag kang iiwanan sa iyong silid pero iniwan ka parin. " Parang mangungurot ng singit si Aling Sintang sa kaniyang itsura kaya medyo umatras ako.
Mahirap na eh.
" Nako akay lang po. Pupuntahan ko na lang po siya sa inyong bahay."
Ang kubong tinitirhan kasi nila Aling Sintang ay nasa likod ng mansiyon. Medyo malapit sa hardin kung saan nandoon sina Rafael kaya pwede akong makapagspy doon.
Ang galing ko talaga!
" Naku ano ka ba namang bata ka, bakit "oki" ang pinagsasabi mo diyan?" Galit na pangaral sa akin ni Aling Sintang.
" Alam mong hindi magandang pakinggan na sabihin ang iyong iniingatang yaman. Paano kung may makarinig sa iyong Ginoo?" Dagdag pa niya.Shocks! Oo nga pala . Iloko sina Aling Sintang at ang salitang english na okay ay iba ang pagkakaalam nila.
Kasi nga wala pang English sa panahong ito.
Kaya iyong Okay ay naging private part na ari ng babae.
Burn!! Acilegna burn!
" Nako Manang, hindi po ganoon ang ibig kong sabihin.." Nahihirapan kong paliwanag.
Paano ba ito ? Huhu
" Hay ang mabuti pa ay bumalik ka na sa iyong silid. Si Meldina na ang papupuntahin ko doon. Baka magalit pa si Senyor Rafael kapag nalaman niyang lumabas ka." Pagtutulak nito sa akin.
"Pero.." Gusto kong tumutol. Pero wala na akong nagawa dahil baka nga magalit si Rafael.
Hindi ako natatakot na pagalitan niya ako pero ayaw kong madamay sina Aling Sintang.
Nanghihinayang akong napaupo sa aking kama dahil hindi natuloy ang aking plano ng biglang may kumatok.
Walang lakas na nilapitan ko ang pinto. Siguradong si Meldina na itong kumakatok.Binuksan ko ang pinto ng hindi tinignan kong si Meldina nga ba ang kumatok.
Tumalikod agad ako pabalik sa kama ko.
" Meldina, bakit ba ayaw akong palabasin ni Rafael?" Yamot kong tanong.
Biglang may tumikhim kaya napaharap agad ako sa pinto.
Omooo. Shit bakit siya nandito?
Akala ko si Meldina iyong kumakatok?!
" Rafael.. "
Bigla akong kinabahan ng makita ko siya. Hindi iyong kaba dahil sa takot but because of excitement.
Hala! Hindi pwede to.
My heart please huwag kang traydor!
" Binibining Acilegna.." Parang may kung anong nalaglag sa akin ng marinig ko ang baritonong boses niya na tinawag ang napakaganda kong pangalan.
Agad kong hinawakan ang aking baywang. Napahinga ako ng maluwag ng makapa ko ang aking panty.
Wew! Akala ko nalaglag na eh.
Napatayo ako ng tuwid ng tumikhim siya.
" Puntahan mo na si Alfonso sa kaniyang silid." Malamig na naman
ang pakikitungo niya sa akin.Napabuntong hininga ako. Tatalikod na sana siya ng mabilis kong hinawakan ang kamay niya.
" T-teka Rafael! Bakit ..." Gusto ko sanang itanong kung bakit ang cold niya sa akin pero iba ang lumabas sa bibig ko.
" Bakit ayaw mo akong palabasin kanina?" Instead tinanong ko ang second question ko dapat sa kaniya.
Nasaktan ako ng dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya.
" Sinabi kong huwag ka munang lumabas dahil..."
Dahil?
Hindi ko alam pero umaasa ako na sasabihin niyang ayaw niya akong lumabas dahil ayaw niyang makita ng iba ang kagandahan ko charr.
Pero sinong niloloko ko? Obvious naman na iba ang dahilan.
" Dahil ayaw ko lang makitang may pakalat- kalat na alipin kapag may bisita ako."
Para akong binagsakan ng bato sa sinabi niya.
Ano daw??
Ayaw niyang may pakalat- kalat na alipin kapag may bisita siya?Double ouch ang naramdaman ko sa sinabi niya.
Akala ko iba siya sa ibang mayayaman.
Akala ko mabait siya
at hindi matapobre.Pero bakit iba na naman ang ipinapakita niyang ugali ngayon?
Iyong totoo, bipolar ba siya??
" At paalala lang binibini, huwag mo sana akong kalilimutang tawaging Senyor dahil ako ang amo mo rito."
Pahabol niya pa bago umalis.Anong nangyayari Rafael? Bakit biglang nagbago ka na naman? May nangyari ba sa pag-uusap niyo ng mga bisita mo?
Hindi ko na iyon naitanong dahil umalis na siya at tuluyan akong iniwan sa aking silid na tulala .
BINABASA MO ANG
Back in 1763
Ficción históricaSa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni Acilegna Star Villanueva ay napagpasiyahan niyang magbakasyon muna sa La Union.Nais niyang bisitahin ang kaniyang Lola Maya at pumunta na rin sa mga beaches .But because of curiosity she experienced that...