Kinakabahan akong lumapit sa pinto ng kwarto ni Rafael. Nag-aalangan ako kung itutuloy ko ba ang pagkatok or aalis na lang at matutulog ulit sa kama ko.
Katatapos ko lang maligo kanina ng pumunta si Meldina sa aking silid at sabihing mag-uusap daw kami ni Rafael sa library.
Pero the heck! Dalawang oras na akong naghihintay doon ay walang anino ni Rafael ang sumipot.
Tinanong ko rin si Aling Sintang kung nasaan si Rafael at kumunot lang ang noo ng matanda at sinabing hindi naman daw lumabas sa kaniyang silid ang binata.
Excited pa naman ako sa pag-uusapan namin at kinakabahan rin pero paasa pala siya huhu.
Ilang ulit ko ring tinanong si Meldina kung talaga bang sinabi ni Rafael na mag-uusap kami or gawa-gawa niya lang.
Todo iling naman ang dalagita at sinabing ibinilin talaga ni Rafael sa kaniya na mag-uusap kami.
Kaya heto ako ngayon, lakas loob na pumunta sa ikatlong palapag kung nasaan ang master's bedroom para tanungin si Rafael kung matutuloy ba ang pag-uusap namin at siyempre nag-aalala din ako sa kaniya dahil kanina pa siya hindi lumalabas pero parang bigla akong pinanghinaan ng loob na kumatok.
Napakagat labi ako ng maalala ko ang halikan scene namin kanina.
Shocks! I can't believe that my first kiss was already taken by someone who is not yet my boyfriend.
Kapal mo Acilegna, ikaw ang unang humalik gaga!
Namula naman ang pisngi ko ng maalala ko na ako pala ang gumawa ng moves.
Syete lang oh!
Napatalon ako sa gulat ng may marinig akong kalabog sa loob ng silid ni Rafael.
Parang may nabasag!
"R-RAFAEL ..." Kinakabahan kong bulong.
Tatawag ba ako ng katulong or what? Naku ano kayang nangyayari sa loob?
Napagpasiyahan ko na pakinggan muna kung ano ang nangyayari sa loob.
Saka ako sisigaw ng tulong kapag nasigurado ko na may magnanakaw nga sa kwarto ng Senyor.
Idinikit ko ang aking mga tainga sa pinto.
Katahimikan.
Katahimikan.
Ah baka aksidente lang na may nabasag si Rafael, baka iniisip niya iyong halikan scene namin and then kinilig siya.
Nangingiti ako sa naisip ko pero bigla akong napatakip sa aking bibig ng may magsalita.
"Hindi! H-huwag ngayon.." boses ni Rafael na parang may nilalabanan.
Sinong kausap niya sa loob eh parang wala naman siyang kasama?
Napakunot noo ako.
Maya-maya ay biglang lumakas ang boses niya na ikinasinghap ko.
"No ahora por favor! No! No quiero! Ahhh!!"
( Huwag ngayon! Hindi ! Ayoko! Ahh!!)
Napakatok ako ng mabilis sa pintuan ng bigla siyang sumigaw."R-RAFAEL, anong nangyayari??" Nagpapanic kong sigaw din habang kinakatok ko ang pinto.
Hindi ko na naisip ang humingi ng tulong dahil sa kabang nararamdaman ko.
Napamura ako sa aking isipan ng maisip ko na hindi pala maririnig sa baba ang mga boses namin dahil sa lawak ng mansiyon.
Kahit magsisisigaw ako dito ay walang makakarinig. Pwera na lang kung may magagawi dito sa third floor.
BINABASA MO ANG
Back in 1763
Tarihi KurguSa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni Acilegna Star Villanueva ay napagpasiyahan niyang magbakasyon muna sa La Union.Nais niyang bisitahin ang kaniyang Lola Maya at pumunta na rin sa mga beaches .But because of curiosity she experienced that...