Pag-amin

1.2K 52 13
                                    

"Binibini ko, huwag ka ng umiyak nandito lang ako." marahang hinahaplos ni Radleigh ang aking buhok habang patuloy pa rin akong umiiyak.

Mahigpit akong nakayakap sa kaniya pero mas mahigpit din ang pagkakayakap niya sa akin na para bang anumang sandali ay maglalaho akong parang bula.

"Nananaginip ka ba ng masama,mi amor?"masuyong tanong pa ni Radleigh sa akin. Umiling lang ako. Ayoko munang magsalita sa ngayon Hindi ko pa kaya. Akala ko talaga hindi siya totoo. Na isa lamang siyang produkto ng aking  imahinasyon.
O panaginip pa rin ba ito ngayon?

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko ng pauli-ulit. Pero pagmulat ng mga mata ko ay nakikita ko pa rin ang dagat sa harapan ko at nararamdaman ko pa rin naman ang mainit na yakap ng lalaking tanging pinag-alayan ko ng lahat.

Dalawang taon ang lumipas sa aking panahon ng magising ako. Kaya nakahinga ako ng maluwag ng pagbalik ko dito sa nakaraan ay taong 1763 pa rin.

Ilang sandali rin kaming nanatiling magkayakap ni Radleigh bago ako tuluyang kumalma. Kumalas ako sa yakap ni Radleigh. Marahan naman niyang pinunasan ang mga luha sa aking mukha. Nababanaag ko ang pag-aalala sa gwapo niyang mukha.

Maya-maya ay napansin ko ang ayos namin.
Weird. Bigla akong nilamig ng kumalas ako sa yakap ni Radleigh kanina.

Napansin kong nangingiti na ang kasama ko at medyo namumula ang kaniyang tainga ng mapansin nito ang aking pagkabalisa.

Napasigaw naman ako ng mapansin kong pareho kaming walang saplot kahit isa.

Naisuko ko na ba ang inosente kong hiyas!

"P-pumikit ka muna, pakiusap !" Agad akong nataranta at ng makitang nakatingin na siya ngayon sa katawan ko ay agad kong tinakpan ang mga mata niya.

Nakakahiya! Tirik na tirik ang araw. Kitang-kita ang katawan ko.

"N-nakita ko na yan mi amor." Diniinan ko ang hawak ko sa mga mata niya kaya bigla itong napadaing.

Putek yan ! Ang hot!

Napapilig ako ng ulo. Bakit ba ang landi ko? Kanina lang paiyak-iyak pa ako ah.

Pero kasi, may nangyari ba talaga? Bakit kami parehong nakahubad? May mga alaala ang unti-unting luminaw sa aking isipan. Nanlaki ang mga mata ko. Maliwanag na buwan at dalawang taong buong pusong sinsamba ang katawan ng bawat isa ang nakikita ko sa aking balintanaw. Sariwang-sariwa iyon sa aking isipan.

Napaigik ako ng naramdaman ko ang kumikirot na ibabang bahagi ng katawan ko.

Oh! Confirmed! Hindi na ako inosente!

Bumaba naman ang tingin ko sa katawan ni Radleigh. Napalunok ako ng sunod-sunod hanggang sa mabilaukan ako.

"Binibini ko, anong nangyayari sa iyo?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakasagot.

Ang mga mata ko ay nanlalaking nakatingin sa kaniyang "ano" na parang nakatingin din sa akin.

Lalo tuloy akong naubo. Agad naman niya akong kinapa dahil nakatakip
parin ang mga kamay ko sa mga mata niya.

Kaso wrong move siya dahil iba naman ang nahawakan niya!

Nagsiliparan ang mga ibon sa isla sa lakas ng sigaw ko.

"Ahhh!!!! Bakit mo hinawakan yan!!!" Agad kong hinablot ang mga nagkalat na damit namin sa paligid at itinakip sa aking kahubdan.

"P-patawad binibini! Hindi ko sinasasadya." Lalo namang namula si Radleigh pero mas namumula ata ako dahil mula ulo hanggang talampakan na ang namumula sa akin.

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon