"Rafael Radleigh Amadeo Polavieja ... Iyan ang buong pangalan ko, binibini.."
Nagulat ako sa sinabi ni Radleigh.
Sa mga araw na lumipas ay ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Rafael dahil hindi daw siya iyon.
Kaya nga pati ang mga tauhan sa mansiyon ay Senyor Radleigh na rin ang tawag sa kaniya.
Pero ngayon ay diretso niyang nasasabi sa akin na pangalan niya rin pala iyon.
" N-naaalala mo na ikaw si Rafael? Hahahaha! Sabi ko na nga ba at nagbibiro ka lamang nitong nakalipas na isang buwan." Tumawa ako kahit walang nakakatawa.
Pero tumigil din ako bigla ng nakita kong seryoso lamang siyang nakatingin sa akin.
"Bago kayo pumunta noon sa gubat....." Umigting ang panga niya ng magsalita ulit siya. Ibinaling din niya ang tingin niya sa dagat. Para bang may naisip siya na nakagagalit.
Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Natutulala ako sa bawat galaw ng labi niya.
"Pumunta kami ni Polaris sa bayan para makipagkita sa isang kilalang manggagamot na galing pa sa Europa."
Ha? Manggagamot galing sa Europa?
Pero akala ko ay may kinuha lamang siya sa bayan ng mga panahong iyon..
Ang sinasabi niyang araw na pumunta kami sa gubat ay noong araw na nadukot kami ng mga tauhan ni Gustavo.At kasama niya pala si Polaris.. Isinantabi ko muna ang mga tanong ko at nakinig sa sinasabi ni Radleigh.
" Marami akong n-nalaman na hindi ko nagustuhan...at ikinahihiya ko ang mga iyon.."
Parang may sumaksak sa puso ko ng maulinigan ko ang lungkot sa kaniyang boses.
I cannot read his expression. But the way his voice tremble says it all.
"A-ano ang nalaman mo?" Naglakas loob na akong magtanong.
Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Pero hindi ko ito masyadong pinagtuunan ng pansin.
" Sana ay hindi mo ako kaawaan o layuan kapag nalaman mo ang tungkol sa ........sakit ko.." mahina ang pagkakasabi niya sa dalawang huling salita pero malinaw iyon sa pandinig ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig iyon. Anong sakit ang pinagsasabi niya? I think he's physically healthy.
Hindi ko kakayanin kapag nagkasakit siya.
" May malubha ka bang karamdaman Senyor? May sakit ka ba sa puso? M-magagamot pa naman siguro iyan--
Naiiyak na ako sa mga naiisip kong posibilidad pero napatigil ako ng bigla siyang tumawa!
The heck! Anong nakakatawa? This is a very serious matter.
Nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha habang tumatawa siya. Pagkatapos nun ay bumaling siya sa akin.
Kinakabahan na naman ako. It's not the typical type of nervousness though. May halo itong excitement na alam ko kung saan nagmumula.
Nakangiti siyang nakatingin sa akin pero nasa mga mata niya pa rin ang kalungkotan na kanina ko pa nababasa.
"Hindi ito sakit sa kahit na anong bahagi ng a-aking katawan... binibini.." medyo nahihiya pa niyang sinabi.
Kung ganoon.. maari kayang tungkol ito sa narinig ko noon na pinag-uusapan nina Minerva at Polaris?
Pero baka naman iba.
" May sakit ako sa pag-iisip binibini..." Bigla siyang tumalikod sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon.
BINABASA MO ANG
Back in 1763
Fiksi SejarahSa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni Acilegna Star Villanueva ay napagpasiyahan niyang magbakasyon muna sa La Union.Nais niyang bisitahin ang kaniyang Lola Maya at pumunta na rin sa mga beaches .But because of curiosity she experienced that...