" Ahmm. Hello Alfonso!" Masigla kong bati sa anim na taong gulang na batang lalaking nakatingin sa akin.
Grabe kung hindi ko lang alam na ang ama niya ay si Polaris, iisipin ko talagang si Rafael. Magkamukha kasi silang dalawa. Pero sabagay ay magkamukha naman kasi ang magkapatid na iyon.Mas tan nga lang ang kulay ni Rafael dahil sa pagkakabilad niya sa araw at mas matipuno ang pangangatawan niya. Mas gwapo pa.
Samantalang halatang hindi sanay sa trabahong pangbukid si Polaris dahil sa kinis ng kutis niya. Iyon siguro ang nakuha ni Alfonso sa kaniya na napakakinis.
" Ano po ang ibig sabihin ng h-hilo?" Nagtatakang tanong ng bata.
" Ayy, naku .."
Oo nga pala Spanish at Filipino language ang alam ng batang ire." Ang ibig kong sabihin ay kumusta ka Senyorito Alfonso?" Nakangiti kong pagpapaliwanag.
Buti na lang at iniwan na kami ni Aling Sintang dito sa silid ni Alfonso kung hindi lagot ako.
Hindi ko talaga maiwasang mag English." Mabuti po binibini." Ngumiti ang bata at hindi ko napigilan ang sarili kong pisilin ang matambok niyang pisngi.
Grabe ang cute niya!
" Ang cute cute mo naman!" Natutuwa kong sabi sa kaniya pero napatigil ako ng makita kong naiiyak siya.
" Halla, o my gas, what happened? Masakit ba ang kurot ko? Hindi ko naman diniinan ah. Sorry baby boy." Natataranta kong niyakap si Alfonso na namumula ang mata at pisngi.
Gusto ko ring kutusan ang sarili ko. Baka hindi sanay si Alfonso na pinipinch ang pisngi.
" Bakit po ninyo ako sinasaktan, may ginawa po ba akong masama?" Nakapout na tanong niya.
Hayy buti na lang at di siya tuluyang umiyak. Kung hindi ay lagot ako.
Pero parang nagtatampo ang alaga ko sa akin.Hindi to pwede!
" Naku pasensiya ka na baby ha,natutuwa kasi ako sayo kaya hinawakan ko ang pisngi mo. Pagpasensiyahan mo na si ate." Guilty kong paliwanag.
" A-ano po ang bibi ??" Inosenteng tanong niya.
" Ay tawag ko sayo iyon. Dahil napakabait mo at bata ka pa kaya ikaw muna ang baby ko. Katumbas iyon ng Senyorito na tawag sa iyo ng iba. Pwede mo rin akong tawaging ate ." Buti na lang at matalinong bata itong si Alfonso kaya hindi na ako nahirapang nagpaliwanag.
Matagal bago nawala ang tampo niya sa akin. Hindi niya ako masyadong kinakausap maliban na lang kong magtatanong siya kung anong ibig sabihin ng mga salitang sinasabi ko na kakaiba sa kaniyang pandinig.
Kaya naman naghanap ako ng lalaruin namin para makalimutan niya ang tampo niya sa akin.
Habang inilibot ko ang aking mga mata sa kwarto niya ay nahagip ng aking mga mata ang mga kagamitang pang paint!
O my goodness! Is this real? May paintbrush na at canvass dito sa Pilipinas ngayong 1763??
" Baby Alfonso, kaninong gamit ang mga iyon?" Kahit alam kong may tampo siya sa akin ay hindi ko napigilang magtanong.
Napansin kong biglang nagliwanag ang mukha niya na kanina pa malungkot sa hindi ko alam na dahilan. Impossibleng sa pagkurot ko sa pisngi niya kaya siya malungkot right? Pero pwede rin.
" Ah iyan po ba ate, galing pa iyan sa Espanya. Regalo sa akin ni Tito Rafael noong ika-anim na kaarawan ko. Tatlong buwan na iyan sa akin. " Masaya niyang tugon tapos tumayo siya sa kaniyang kama at mabilis na nilapitan ang mga gamit.
Agad naman akong sumunod sa kaniya ng makita kong nilapitan niya ang mga kagamitan sa pagpinta .
"Wow! Ibig sabihin marunong kang magpinta?"
BINABASA MO ANG
Back in 1763
Historical FictionSa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni Acilegna Star Villanueva ay napagpasiyahan niyang magbakasyon muna sa La Union.Nais niyang bisitahin ang kaniyang Lola Maya at pumunta na rin sa mga beaches .But because of curiosity she experienced that...