Bangka

1K 50 8
                                    

Sakay ng kalesa ay malungkot akong nakatanaw sa magandang tanawin na nadadaanan namin.

Maraming mga puno na alam kong sa panahon ko ay napalitan na ng mga poste at mga bahay.

Naamoy ko rin ang alat na galing sa dagat.

"Maaari po bang pumunta muna tayo sa dalampasigan?"

Mukhang nagulat ang nagpapatakbo ng kalesa sa tinanong ko pero agad din naman itong tumango.

Pasado alas-singko na siguro ng hapon. Hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw kaya okay lang akong maglakad-lakad muna.

Pinihit ng kutsero ang tali ng kabayo kaya nag-iba ito ng direksyon. Imbes na pauwi kami ng mansiyon ng mga Polavieja ay kumaliwa kami papunta sa isang tahimik at magandang dalampasigan.

May iilang mga tao ang nandoon. May mga bata ring naghahabulan na parang walang problema.

Napakasaya talaga na mamuhay ng simple.

Iniwan ko muna ang mga tauhan ni Radleigh kung saan nila ipinarada ang kalesa. Abot pa rin naman nila ako ng tanaw kaya pumayag na rin silang pabayaan muna akong mag-isa.

Mabagal akong naglakad papalapit sa buhanginan na naaabot pa ng mga alon. Umaatras ako tuwing tumatama ang kaunting tilamsik ng tubig sa aking paa na may suot na bakya o sapin sa paa na gawa sa kahoy.

Medyo dumudulas ang mga paa ko sa buhangin dahilan para magpasya akong mag-paa na lamang. Iniwan ko saglit ang pares ng bakya na sapin ko sa mga paa sa tabi ng puno ng niyog.

Umihip ang pang-hapong hangin dahilan para mapapikit ako. Pagmulat ko ay saktong napatingin ako sa malawak at asul na dagat.

Napabuntong-hininga ako at muling lumapit sa dagat. Hinayaan kong mabasa ang mga paa ko habang malungkot pa rin nakatanaw sa karagatan.

Hinahanap kaya niya ako ngayon o wala na siyang pakialam? Nakalimutan ba niya ang tungkol sa akin dahil marami siyang ginagawa o talagang may ibang mas mahalaga sa kaniya?

"Mi amor..."

Napalingon ako ng marinig ko ang malamig na boses ni Radleigh. Akala ko ay nag-iilusyon lang ako pero agad akong kinabahan ng makita ko siya sa hindi kalayuan. Papalapit siya sa kinaroroonan ko at hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya.

My heart skip upon seeing him.

Napahawak ako sa aking saya at napahakbang paatras sa gulat na nandito siya sa malapit sa akin.

Napakunot ang kaniyang noo ng mapansin ang naging pag-atras ko. Kinalma ko naman ang sarili ko.

Nakita ko ang mabilis na mga hakbang niya papalapit sa akin pero ng malapit na siya ay unti-unti siyang bumagal hanggang sa tuluyan na siyang tumigil.

"Mi amor.." Nananantiya ang tono ng boses niya ng kausapin ako. Siguro ay napansin niya ang pagiging malamig ko sa kaniya.

"Hindi ka nagpakita sa akin kanina. Kumusta ang pakiramdam mo? Nakita mo ba ang buong pangyayari kanina noong pinarusahan ang mga..." He trailed before stopping.

Tuluyan na siyang lumapit sa akin at walang pag-aalinlangang hinila ako para sa isang mahigpit na yakap. Mahina akong napasinghot at narinig ko naman siyang nagsalita ng wikang Spanish.

"Patawad mi amor. Hindi mo dapat nasaksihan ang ganoong kalupitan." Puno ng pagsisisi ang boses niya.

Akala niya ay umiiyak ako dahil natakot ako sa mga nasaksihan ko kanina.

"Anong ginagawa mo rito?" Mabuti na lang at hindi nag-crack ang boses ko.

"Nag-alala ako sa iyo. Hinanap kita pero wala ko sa buong plaza. Anong ginagawa mo sa lugar na ito mi amor?"

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon