Sa Maynila
"Como me estas haciendo?" ( Kumusta ang ipinapagawa ko sa iyo?"
Tanong ng isang matabang lalaki na naghihitit ng malaking tabako sa kaniyang kanang-kamay.
Ang matabang lalaki ay isang negosyanteng kastila na matalik na kaibigan ng gobernador heneral ng La Union.
Siya si Don Gustavo El Domingo at siya ang supplier ng opyo sa buong probinsiya ng La Union at sa lungsod ng Maynila.
Matagal na nitong gustong bilhin ang bahagi ng Hacienda Polavieja na tinatawag na " Nagsabatan."
Ang "Nagsabatan" ay isang lawa na karugtong ng dagat . Ito ay matatagpuan sa pinakasulok ng hacienda Polavieja .
Gusto itong bilhin ni Don Gustavo dahil pwede niyang padaanin ang mga bangka niya sa lawang ito na naglalaman ng mga Opyo paluwas sa Maynila ng walang nakakakitang ibang tao.
Umuugong na kasi ang bulong bulongan sa ibang parte ng La Union na may nagsusuplay daw ng Opyo sa lugar.
At mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng Opyo sa panahong ito at ang sino mang mahuhuli na nagbebenta, nagsusuplay at gumagamit ay papatawan ng parusang kamatayan.
Oo nga at matalik na kaibigan ni Don Gustavo ang gobernador heneral pero magkaiba sila ng ugali.
Kung si Don Gustavo ay sakim sa salapi at masama, ang gobernador heneral naman ay may prinsipyo at paninindigan sa kung ano ang tama.
" Opo Senyor, kaya lang ay ayaw talaga itong ibenta ni Senyor Polavieja." Magalang pero natatakot na sagot ng kanang kamay.
"Akala ko ba ay pumanaw na ang matandang Polavieja?" Nagtatakang tanong ng Kastilang negosyante. Matatas siyang magtagalog dahil matagal na siya dito sa Pilipinas.
"Opo Don Gustavo , pero naipalit ang kaniyang mga apo sa pamamahala at kasalukuyang iyong panganay ang namamahala. Walang iba kundi si Don Rafael Amadeo Polavieja. Pero nagpunta daw po siya sa Espanya kaya naipalit ang kaniyang kakambal na siyang pinadalhan ko ng sulat noong nakaraan."
Mahabang paliwanag ng kanang kamay." At ang naipalit na ito ay tumanggi sa alok nating pagbili sa lawa ng "Nagsabatan?" Nakakuyom ang kamaong tanong ni Don Gustavo.
"Opo. Sa katunayan ay hindi lang po siya tumanggi, pinunit pa po niya ang sulat ." Nakangiwing sagot ng kanang-kamay .
" Talagang ginagalit ako ng mga Polavieja na iyan. Una ay tinaggihan tayo ng matandang Polavieja , tapos ngayon ay talagang pinunit pa ng apo niya ang sulat!!" Napasuntok sa mesa ang matanda. Maya-maya ay bigla itong ngumisi at napapitik sa hangin.
" Tala, ipagpatuloy mo ang paninilbihan sa mansiyon ng mga Polavieja at manmanan mong mabuti ang kahinaan ng bagong namamahala roon." Sabi ng matanda na sobrang itim ng budhi at saka siya ngumisi ng malademonyo.
" Masusunod po."
Magalang na nagpaalam ang babae na nakatalukbong pero bago siya umalis ay nagtanong muna si Don Gustavo.
"Ano pala ang pangalan ng pumunit sa sulat?"
Natigilan naman ang pinagtatanungan pero agad ding nakabawi.
"R-Radleigh Polavieja ."
Hacienda Polavieja
Acilegna POV
"Ano!!!!!?" Napasigaw ako sa gulat at tuwa ng malaman ko mula kay Meldina na bigla raw nag-iba ang ugali ni Radleigh .
"Huwag po kayong sumigaw Binibini." Kinakabahang sabi naman ng dalagita.
BINABASA MO ANG
Back in 1763
Historical FictionSa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni Acilegna Star Villanueva ay napagpasiyahan niyang magbakasyon muna sa La Union.Nais niyang bisitahin ang kaniyang Lola Maya at pumunta na rin sa mga beaches .But because of curiosity she experienced that...