Kasingbilis ng pagsasagwan ni Radleigh ang buong pangyayari.
Habang nag-uusap kami kanina ay bigla na lang may nagpaputok sa amin.Buti na lang at madilim kaya nagkamali ng tinamaan ang nagpaputok. Imbes na kami ay sa tubig tumama.
Habang papalayo kami sa gubat ni Don Gustavo ay naririnig ko ang sigaw ni Osting.
"Hindi kayo makakatakas!"
Nakita ko rin na nagsisipagdatingan ang iba pa niyang kasama. Maraming ilaw ang nakikita ko ngayon doon.
"Ayos ka lang ba Acilegna?" Nagulat ako ng magsalita si Radleigh.
Nanginginig pa rin ako dahil sa gulat sa putok ng baril kanina. Pero ng marinig kong tinawag niya ako sa pangalan ko na walang "binibini" ay ibang kaba ang naramdaman ko.
"Nasaktan ka ba?" Umiling ako sa tanong niya.
"A-ayos lang ako.." naalala ko tuloy ang usapan namin kanina. Tinanong din niya ako noong nasa gubat pa kami kung ayos lang ba ako.
Pareho ang sagot ko pero iba ngayon. Noong nasa gubat kami at tinanong niya kung ayos lang ba ako ay sinabi kong oo kahit hindi.
Pero ngayon ay totoo na ang sagot ko.
Alam kong walang masamang mangyayari sa akin basta't kasama ko siya.Iyon lang ang naging pag-uusap namin habang patuloy siya sa mabilis na pagsasagwan.
Hindi ba siya napapagod? Pwede namang magpahinga muna siya sa pagsasagwan tutal ay sobrang layo na namin sa gubat kung nasaan ang mga kalaban.
"Ah. Baka pagod ka na. Kung gusto mo ay ako muna ang magsasagwan.." Kahit alam kong mabagal akong magsagwan ay sinubukan ko pa ring sabihin sa kaniya.
"Hindi ako pagod.. At ayaw ko na ikaw ang magsagwan.." Malamig niyang sinabi pero nakita ko na medyo napangiti siya sa offer ko.
Ngumiti siya? Kung may katabi lang ako baka nakurot ko na at natampal. Gosh. Kahit madilim ay nakita kong ngumiti ng tipid si Radleigh.
"At bakit naman ayaw mong ako ang magsagwan?" Mahina kong bulong .
Nagkibit balikat lang siya at di na muling nagsalita pa. Tuluyan ko ng nakalimutan ang nangyari.Sa sobrang pagod ko ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Nagising ako na nakasandal sa malapad na balikat ni Radleigh! Muntikan na akong napatayo kung hindi lang niya hinawakan ang aking kamay.
"Magandang umaga binibini.." namumula ang tainga niya at hindi siya makatingin sa akin.
What happened? Naalala ko na tumakas kami sa mansiyon ni Don Gustavo tapos sumakay kami sa bangka. After that, may nagpaputok ng baril . Tapos nakatakas ulit kami ni Radleigh at nakatulog ako!
Pero bakit ako nakasandal sa kaniya eh ang alam ko ay sa kabilang dulo ako ng bangka nakatulog ko.
"Magandang umaga rin.. Pasensiya na kung napasandal ako sayo habang natutulog. Hindi ko namalayan. "
Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako nagsisisi. Hindi ko nga lang alam kung paano ako napunta sa tabi niya eh ang layo ng pwesto ko kagabi."Walang anuman." Hindi pa rin makatingin sa akin si Radleigh habang sinasabi iyon.
Bakit kaya? Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.
"Nasaan na pala tayo? Nakarating na ba tayo sa lawa ng Nagsabatan? Bakit walang mga tao na naghihintay sa atin dito?" Nagtataka kong tanong.
Nakatigil na ang bangka . Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung nasaan kami.
BINABASA MO ANG
Back in 1763
Ficción históricaSa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni Acilegna Star Villanueva ay napagpasiyahan niyang magbakasyon muna sa La Union.Nais niyang bisitahin ang kaniyang Lola Maya at pumunta na rin sa mga beaches .But because of curiosity she experienced that...