Nagising ako sa lakas ng tilaok ng mga manok.
Grrrrrrrrrrrr. Bakit sobrang lamig.
Kahapon lang ay sobrang init ng panahon . Tapos ngayon ay parang nagyeyelo ang buong kwarto ko sa sobrang lamig.
Just what the heck is happening?
Ngayon ko lang nafeel na lumamig dito sa hacienda Polavieja ah.
Like duhhh, ang init kaya dito kahit na hindi pa naman gaanong polluted gaya ng panahong pinagmulan ko.
Parang dito na yata sa haciendang ito ang pinakamainit na parte ng Pilipinas eh. Siguro ay dahil malapit ito sa karagatan.
Kaya hindi ako makapaniwalang nilalamig ako ng ganito katindi.
My gosh, I'm freezing.
I need Yakapsul. HuhuImbes na bumangon ay lalo kong hinila ang kumot sa aking katawan at namaluktot.
Nanginginig na ako sa sobrang lamig kaya hindi ko namalayang pumasok na pala si Meldina sa loob ng aking silid para gisingin ako.
Hindi niya alam na kanina pa ako gising kaya lang ay hindi ko talaga magawang bumangon.
" Binibini, kayo na po'y bumangon at ng makapag-almusal na po kayo. Hinihintay na po kayo sa hapag ni Senyorito Alfonso , ni Binibining Minerva at Senyorito Polaris...."
Halos hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya pero parang hindi ko narinig ang pangalan ng lalaking iyon.
Ang pangalan na gustong-gusto kong sambitin. Ang lalaking laging laman ng aking puso at isipan.Korni right? But who cares.
" At pati na rin po si Senyor
Ra-Radleigh ay hinihintay na rin po kayong bumaba."Kahit nilalamig ay bigla akong napabangon sa saya.
Well hindi naman ako excited na marinig na hinahanap niya ako pero ang lintek na puso ko ay parang sobrang nag-cecelebrate naman ata.
" Ouch." Pero bigla din akong napahiga sa kama ko ng maramdaman ko ang sakit ng ulo ko.
"Bi-binibini ano pong nangyayari sa inyo?" Natatarantang tanong ni Meldina sa akin.
Pero hindi ko na siya pinansin dahil sobrang kirot na talaga ng ulo ko.
Parang pinupukpok ito ng malaking martilyo.
Hindi alam ni Meldina kung saan ako hahawakan .
Sumigaw siya ng tulong pero walang nakakarinig sa kaniya dahil sa laki ng mansiyon at nasa kusina ang halos lahat ng tao dito.
Halos mapasigaw na ako ng hindi ko na makayanan ang sobrang sakit.
"S-sandali binibini , hihingi lang po ako ng tulong. Hintayin niyo po a-ako.." Nanginginig na sabi ni Meldina .
Sasagot na sana ako pero parang hinihila ako ng antok hanggang sa parang unti-unting nagdidilim ang lahat.
Pero bago iyon ay narinig ko munang sumigaw ang dalagita at biglang bumukas ng malakas ang pinto.
May mga yabag akong narinig at bago tuluyang magdilim ang lahat ay nasambit ko ang pangalan ng dumating.
"R-Rafael.....
Para akong nakalutang. Ang dami kong naririnig na ibat-ibang boses.
Anong nangyayari?
"Kumusta na ang anak namin?"
"Okay lang ba ang apo ko?"
"How is my cousin? Is she awake?"
"Cilen, naririnig mo ba kami?"
"Pamangkin,gumising ka na please."
Parang gusto kong takpan ang aking mga tainga dahil sa ibat ibang boses na naririnig ko.
Pero parang pamilyar ang mga boses.....
Parang sina mama at papa, Lola Maya, ang mga pinsan ko at ang mga tiya ko ang nagsasalita.
Pero , how come?
Nasa 1763 ako di ba?
Or baka nakabalik na ako..
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa aking naisip.
Miss na miss ko na ang pamilya ko.
Gusto ko na silang makita ulit kaya lang ay parang kumirot ang puso ko ng maalala ko ang mga taong naging malapit na saakin sa panahong 1763.
Sina Aling Sintang at ang kaniyang anak na si Meldina, ang alaga kong si Alfonso at si.....
Bigla akong napasinghap at naidilat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang isang mainit na kamay na nakahawak sa aking palad.
Rafael... Radleigh... Ah basta , ano man ang pangalan niya. Para sa akin siya ay iisa.
Nakatitig sa akin ang pares ng mga matang itim na itim at parang binabasa lahat ng laman ng aking isipan.
How can I leave them on this time?
At ang lalaking nasa harap ko ngayon... Paano ko siya iiwan ng hindi kami nasasaktang pareho? Parang hindi ko yata kayang bumalik sa aking panahon ng hindi siya kasama.
Kahit alam kong ang katauhan niyang si Rafael ang may pagtingin sa akin at balewala lang ako sa isa niyang katauhan na si Radleigh .
But then, masyado na naman akong assuming. Ang gusto nga pala ni Rafael ay si Minerva at si Radleigh naman ay mukhang hindi nagseseryoso.
Napangiti na lang ako ng mapait.
Nabigla ako ng yakapin niya ako..
Sobrang higpit na para bang ayaw niya akong mawala.
Doon tuluyang bumigay ang aking mga luha.
Hindi ba talaga kami pwedeng magkaroon ng happy ending? Kailangan ko ba talagang bumalik sa panahon ko?
"Ssshhh, mi amor, huwag kang lumuha, hindi kita iiwan..."
Pero ako ang mang-iiwan sa iyo..
Gusto kong sabihin yon pero wala akong lakas. Ganda lang ang meron ako.
Lalo akong napaiyak dahil sa ibinulong niya. Alam kong naguguluhan siya kung bakit ako umiiyak pero hindi siya nagtatanong.
At ipinagpapasalamat kong hindi niya tinanong kung bakit ako umiiyak ng walang dahilan.
"R-RAFAEL..." I felt him stiffened.
Hindi ko alam kung bakit .Naguguluhan akong umalis mula sa pagkakayakap niya at tiningala ko ang gwapo niyang mukha.
Pain..sadness..longing..and something that I can't define.
Iyon ang mga emosyong nakikita ko sa mga mata niya.
Pero bakit?
"Acilegna.."
Hinawakan niya ang aking mukha .
Ang sakit na nakikita ko sa mga mata niya ay nandoon pa rin.
At parang ako ang mas nasasaktan dahil doon.
Oh , what have I done?
" Maaari bang makiusap sa iyo aking binibini?" Sobrang hinay ng pagkakasabi niya doon at hindi ko maiwasang mapatango na lang.
Kahit ano pang pakiusap iyon ay gagawin ko basta galing sa kaniya.
Ito ang kauna-unahang beses na nakiusap siya sa akin bilang Rafael man o Radleigh.
"Sana ay lagi mo na akong tatawaging Radleigh..."
Nagulat ako sa sinabi niya." Hindi ko alam kung bakit hilig akong tawaging Rafael ng mga tao rito pero mas gusto kong Radleigh ang itawag m
Sa nakikita kong ekspresyon niya ngayon ay parang hindi ko kayang tumanggi.
"Radleigh...." Tumaas ang isang sulok ng labi niya ng tinawag ko siya sa gusto niyang pangalan.
Akala ko kanina ay bumalik na siya sa pagiging Rafael. Ngunit hindi pa pala. Hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot o ano.
Pero ang mahalaga sa ngayon ay alam kong kahit dalawa ang katauhan niya ay ligtas ako sa piling niya.
BINABASA MO ANG
Back in 1763
Historical FictionSa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni Acilegna Star Villanueva ay napagpasiyahan niyang magbakasyon muna sa La Union.Nais niyang bisitahin ang kaniyang Lola Maya at pumunta na rin sa mga beaches .But because of curiosity she experienced that...