Kakampi

1K 45 9
                                    

Napatalon ako ng may marinig na malakas na putok ng baril. Hinawakan ako ni Radleigh ng mahigpit at sabay naming nilingon ang banda kung saan nagmula ang isang malakas na putok.

May narinig din kaming boses ng mga tao.

Pinulot ko ang aking mahabang saya na nalaglag sa lupa. Napalunok ako ng tinignan ko si Radleigh. He looks intimidating while he's looking at the nearby shore. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"May ibang tao na ata dito sa islang ito." Napakunot-noo na rin akong napatingin sa dalampasigan. Hindi namin masyadong makita ang dalampasigan dahil nasa may bukana pa kami ng masukal na bahagi ng isla. Sapat lang ang nakikita namin para marinig ang kaunting ingay at ang malakas na putok ng baril.

"Nasundan tayo." After he uttered those words a man with sunburned skin appeared slowly. Sa malayo pa lamang ay kilala ko na ito. Ang tauhan ni Don Gustavo!

Nanlaki ang mga bilugan kong mga mata. I know that man! Nagtama ang aming paningin at nakita ko ang nakakakilabot nitong ngisi sa malayo.

"Nandito sila!" Malakas na sigaw nito sabay taas sa hawak nitong lumang rifle.

Mabilis ang naging reaksiyon ni Radleigh. Hinila ako nito ng mahigpit at mabilis kaming muling tumakbo papasok sa gitna ng isla.

Matataas ang mga damo pero hindi namin ito alintana. Seryoso ang mukha ni Radleigh pero kababakasan ito ng isa pang emosyon na hindi ko mapangalanan. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang tumatakbo kami. Hinahawi niya ang mga talahib na nadadaan namin.

Naririnig ko ang boses ng mga humahabol sa amin pero hindi ko na sila nilingon. Hindi ko alam kung ilan sila pero nakatutok lang ang buong pansin ko kay Radleigh.

The only man I will ever love in my whole existence.

My heart clenched while looking at Radleigh's back. Pinagpapawisan na kami pareho at medyo hinihingal na rin ako sa pagtakbo.

I was still looking at him when he suddenly look back. Saglit kaming nagkatinginan bago siya nagsalita.

"Hindi kita pababayaan. Pangako iyan mi amor." Sobrang rahan ng boses niya. Tumango ako sa kaniya at mas hinigpitan ko ang pagkakakapit sa kamay niya. Napatingin ako sa singsing na suot ko.

The adrenaline rush and determination to end all this escaping and chasing was so strong. Nanggigigil ako sa mga tumutugis sa amin.

Ang pagbabalik ko sa aking panahon ng ilang araw at ang nalaman kong dakawang-taon akong nacomatose doon ang dahilan kung bakit ko saglit na nakalimutan ang ginawa ng mga hayop na sina Don Gustavo at ng mga tauhan nito.

Si Meldina na walang awang hinalay. Ako na sinaktan nila ng pisikal. At ang masamang plano nila kay Radleigh at sa lupain ng mga Polavieja. Those reasons are enough for my blood to boil. Naghahanap talaga ang mga impaktong iyon ng away.

I was gritting my teeth while looking back. Gusto ko sanang tignan ng masama ang mga tumutugis sa amin pero nabigla ako. Kitang-kita ko sila sa malayo. Marami sila at lahat ay may hawak na mga armas.

Ang iba ay may mga itak na hawak pero mas nangununa sina Mayumi at isang lalaking payat at matangkad na may hawak na palaso. Si Osting naman ay may hawak na mahabang baril-isang rifle.

Pagliko namin ni Radleigh ay nadaanan namin ang isang malaking puno. Nakita ko pang balak kaming patamaan ni Mayumi ng isang palaso. Tumama ito sa puno.

"Radleigh! May mga armas sila at marami sila." Hinahabol ko ang hininga ko pero pinipilit ko pa ring tumakbo.

"Huwag kang mangamba binibini. Gaano man sila karami ay wala silang magagawa upang masaktan ka." Matigas na sabi ni Radleigh sa akin.

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon