Prologue

1.5K 43 27
                                    

Prologue

Maligno. Mga lamang lupa. O kung ano-ano pang klaseng engkanto yan.

Idamay mo din yung mga multo.

Lahat ng mga yan?

Sus! Isang napaka-laking kalokohan. Walang ganyan na nag-eexist sa mundong 'to.

Sino ba naman kasing maniniwala sa mga ganung klaseng kalokohan. Lahat ng yun ay kathang isip lamang ng tao.

Iyon ang paniniwala ko.

Pero nagbago yun ng makilala ko siya.


Isang babaeng multo.


Dumating na lang sya isang araw at nagka-gulo na ang maayos kong buhay.

At ang nakakatawa pa, bibigyan nya daw ako ng dalawang WISH!

WHAT THE F*CK! Diba?

Multo magbibigay ng wish? Ano sya Genie Ghost?

"Bibigyan kita ng dalawang wish. Sana gamitin mo sa tama ang hihilingin mo." sabi nya habang nakalutang sa ere

"Eh paano kung ayaw ko? Maghanap ka na lang ng ibang guguluhin mo."

"Edi kung ganon, mapipilitan akong isama ka sa kabilang buhay. Mwhahaha!" sabi sya sabay tawa ng nakaka-takot.

*gulp*


Pero habang tumatagal na magkasama kami mas nakikilala ko sya.

Isang araw nagising na lang ako na kapag kasama ko sya, bumibilis ang pag-tibok ng puso ko.

Posible nga kayang magka-gusto ang isang tao sa isang Genie Ghost?

--------------------------------

Unang-una sa lahat, hindi Horror 'tong story na 'to. This one is a Romantic Comedy Story. :)

So this is my first ever wholesome story here in Wattpad! Yeah! Dahil sa sobrang dami ng demand na gumawa ako ng wholesome story ay ayan na nga.

BTW, meron akong katulong sa paggawa ng story na 'to. Dalawa kaming magsusulat ng story na 'to.

Tropa ko sya dito sa wattpad and lalaki din sya. Wholesome writer yun. Try to read his story. Just click the external link to be directed to his profile. Or search nyo na lang sya, username nya @johncris14


Panoorin nyo pala yung ginawa kong trailer. Pagpasensiyahan nyo na lang dahil first time ko lang gumawa ng trailer. Hahaha!

'Yun lang! Sana suportahan nyo pa din ako sa story na 'to. I love you guys. *wink*

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon