Sorry for no updates this past few weeks. Naging busy lang masyado.
Chapter 9
Grandma
Terrence POV
"Jusmiyo! Ganito na ba ang kabataan ngayon? Hihimatayin ako sa mga nakikita ko." sabi ni grandma habang nakahawak sa noo niya na para bang hihimatayin na
Agad-agad kong tinulak silang tatlo gamit ang lakas ko at nagawa ko naman silang maitulak.
"Aray naman! Kailangan talagang nanunulak?" sabi ni Ace habang hinihimas ang pwet dahil sa pagka-bagsak nila
"Tsss!"
Lumapit ako kay grandma at niyakap siya ng mahigpit.
"Grandma, bakit hindi niyo sinabi sa akin na ngayon pala ang uwi niyo? Edi sana nasundo ko kayo." tuwang-tuwa na sabi ko sa kanya
Si Grandma na lang kasi ang natitira kong pamilya kaya kaming dalawa na lang ang magkatulong sa pamumuhay. Siya na ang tumayong magulang sa akin magmula pa lang pagkabata. Siya na lang ang meron ako at gagawin ko ang lahat para hindi kami magkalayo.
"Ang balak ko sana ay sorpresahin ka apo pero ako pala ang masosorpresa sa pagdating ko." sai niya at tinignan niya ang mga kaibigan ko na nasa sulok lang at nakatingin sa amin.
Kilala na sila ni grandma dahil halos sabay-sabay na kaming lumaking apat. Magmula pagkabata ay kami na ang magkakasama.
"Apo, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni lola ah. At tanggap kita kahit ano ka pa." sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko
Naguguluhan ako sa sinasabi niya kaya napakunot na lang ang noo ko.
"Huh?" tanong ko sa kanya
Hinila ako ni lola palayo sa tatlong ugok at nang makalayo na kami ay may sinabi siya sa akin.
"Sino ba kila Ace, Trevor at Sky ang jowa mo diyan apo? At para makausap ko na at sabihin ko na huwag ka nilang papaiyakin." seryosong sabi niya habang nakatingin sa tatlo
Nagimbal ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya.
"WHAT THE F*CK!!"
"Ikaw talagang bata ka! Wala ka pa ding pinagbago! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag ka ng magmumura. Kaya tumatanda kaagad ako eh." sabi niya at hinahampas niya sa akin ang tungkod niya na iniiwasan ko naman
"Whahaha!"
"Pfftt! Hahaha!"
Narinig ko ang tawa nilang tatlo at sinamaan ko na lang sila ng tingin. Pero imbes na tumigil sila sa kakatawa ay mas lalo pang lumakas ang pagtawa nila.
"Arrggh! SHUT THE F*CK UP!" sigaw ko sa kanilang tatlo at tumigil na sila sa kakatawa pero halata mo naman na nagpipigil lang sla
"Grandma, what the hell are you saying? Tsss! It's not what you think, okay? Umiiral na naman ang pagka-isip bata niyo. Tsss!" inis na sabi ko kay grandma at pagdabog na umupo sa sofa
Lumapit sa akin 'yung tatlong gag0 at inakbayan pa ako ni Trevor.
"Wag po kayong mag-alala grandma, hinding-hindi ko po papaiyakin si baby Terrence. Pfftt! Hahaha!" pang-aasar ni Trevor sa akin
"F*CK YOU! GET LOST!" sigaw ko kay Trevor at inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin
"Apo, nagbibiro lang naman si lola eh. Wag ka ng magtampururot dyan. May pasalubong pa naman ako sayo."pagsuyo sa akin ni grandma at may ipinakita siya sa aking box na maliit
BINABASA MO ANG
Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]
HumorWhat will happen if a ghost gives you two wishes? Will you use it to make the things right or to make the things worst? And is it possible that a man can fall in love with a ghost? [Cover Created by: btswifegfx] [Collaboration with: johncris14]