Chapter 5 Not in the Mood

457 19 4
                                    

Here's the update. Pasensya na kung medyo natagalan. :)

You can add me on Facebook. Just simply click the external link below.

Or magtanong na lang kayo sakin sa ask. www.ask.fm/midnightman26

 

Chapter 5

Not In The Mood

Terrence POV

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na kaagad ako sa bahay. Nag-aayang gumimik ang mga tropa ko pero hindi ako sumama kasi tinatamad ako. Nakakasawa na din 'yung mga pagmumukha ng mga ugok na 'yun kaya ayaw ko na muna silang makita.

Pagkadating na pagkadating ko pa lang kaagad sa bahay ay sinalubong na ako ng mga katulong namin.

Ganito naman lagi dito. Palaging ako lang ang mag-isa sa bahay na 'to.

My mom and dad died when I was 5. They both died on a car accident. Ang nag-aalaga sa akin ngayon ay si grandma. Ang nanay ng tatay ko. Magmula pagkabata ko ay si grandma na ang nag-alaga sa akin. Pero ngayon nasa ibang bansa si grandma kasi may kailangan syang asikasuhin sa business namin doon. Kaya ako lang ngayon ang mag-isa dito sa bahay namin.

Kahit lumaki ako na walang magulang ay okay lang dahil hindi nagkulang sa pagmamahal na ibinibigay si grandma sa akin. Kaya para sa akin, sya ang pinaka-mahalagang tao sa buhay ko.

Sya lang ang dahilan kung bakit pinipilit kong magpakatino kahit papano dahil ayaw ko syang bigyan ng sakit ng ulo.

"Good afternoon, young master." bati sa akin ng maid namin

Imbes na batiin sila pabalik ay nagdire-diretso lang ako ng lakad ko papunta sa kwarto ko.

"Hoy Terrence! Magandang hapon daw. Di mo man lang binati sila ate sa baba." sabi ng nakaka-asar na babae na hanggang ngayon ay sinusundan pa din ako

"Kahit saan ba ako pumunta ay balak mo pa din akong sundan?! Mamirmi ka nga lang dyan sa isang tabi." sigaw ko sa kanya

Nag-pout sya at umupo sa kama ko.

"Parang sumusunod lang eh. Ano naman kayang masama doon? Hindi ko naman sya ginugulo." nariring kong bulong nya doon sa pwesto nya

Haaayy! Bahala nga siya dyan!

Bakit ba kasi pumayag-payag pa ako sa gusto nya? At bakit sa lahat-lahat ng tao ay ako pa ang napagdiskitahan ng multo na 'to? Tssss!

"Umalis ka nga dyan sa kama ko! Matutulog ako." sabi ko sa kanya at pilit syang pinagtatabuyan sa kama ko

"Ang damot-damot pa. Nakiki-upo lang sa kama nya eh." narinig ko na namang bulong nya at padabog na umupo sa sahig

Humiga na kaagad ako sa kama ko at nagtakip ng unan sa mukha. Feeling ko sobrang nakakapagod ng araw na 'to kahit wala naman ako masyadong pinaggagagawa.

Naririnig ko pa din ngayon ang mga mahinang bulong ni Ginny at mas lalo akong naiinis. Sa totoo lang naiinis talaga ako sa presensiya niya. Hindi ko lang alam kung bakit.

"Pwede ba manahimik ka na lang dyan?! Nakaka-irita ka na." bulyaw ko sa kanya

"Waahh! Bakit ba ang hard-hard mo sa akin? Huhuhu! Hindi naman kita inaano dyan?"

Tssss! So childish!

Bagay silang magsama ni Ace.

Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik sa pagkakahiga sa kama ko. Nakaka-ilang minuto pa lang nakapikit ang mga mata ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko.

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon