Chapter 4 First Day Together

531 26 6
                                    

Chapter 4

First Day Together

Terrence POV

Kanina pa tumutunog ang alarm clock ko pero wala pa akong balak bumangon. Sobrang inaantok pa ako.

Inabot ko lang yung alarm clock sa table at tsaka pinatay then balik ulit ako sa pagtulog. Tinakpan ko ng kumot ang mukha ko at makakatulog na sana ulit ako ng biglang tumunog ng sobrang lakas ang alarm clock ko sa may tenga ko.

"F*CK!" napabalikwas kaagad ako ng bangon at tinignan ng masama yung abnormal na babae na nakalutang sa ere habang nakapa-meywang pa sa akin.

"Hoy aba, tanghali na at nakahiga ka pa din dyan? Oh sya, bangon na dali at papasok ka pa sa school nyo. Bangon na!" sabi nya at pilit nya talaga akong pinapabangon

Pero hindi ko sya pinansin at nagtalukbong na lang ulit ng kumot sa mukha. Manigas sya dyan.

At tsaka tinatamad akong pumasok ngayon kaya wala syang paki-alam sa akin.

"Ah ayaw mo pa talagang bumangon ah? Hwag mo kong pilitin. Hihihi." sabi nya at narinig ko ang mahina nyang paghagikhik

Medyo nakaramdam ako ng kilabot sa katawan dahil sa tawa nya.

Pero desido ako kaya nanatili akong nakahiga sa kama ko.

After some moment, di ko na sya naririnig.

Haaayyy salamat! Tumigil din sya sa pangungulit. Makakatulog na ulit ako ng mahimbi----- "What the F*CK!"

Automatic ang naging reaksyon ng katawan ko kaya napabangon kaagad ako sa kama ko.

Basang-basa ako ngayon. At take note dahil malamig na tubig ang ibinuhos nya sa akin kaya sobrang giniginaw ako ngayon.

Hinarap ko sya kaagad at sinamaan ng tingin.

"Ano bang problema mo huh?! Di naman kita inaano dyan at bakit binuhusan mo ako ng tubig?!" sigaw ko sa kanya habang dinuduro ko pa

"Eh kasi naman ayaw mo pang bumangon kaya naisipan kong gawin sayo 'yan. Oh diba effective kasi nakatayo ka na ngayon at nawala pa ang antok mo. Ang galing ko talaga. Hahaha." nababaliw nyang sabi habang pumapalkpak pa

Dumiretso na kaagad ako ng banyo at iniwan ko na sya doon. Kailangan ko ng maligo para hindi ako magkasakit.

Ang aga-aga nyang mambwisit.

Nang makapagsuot na ako ng uniform ko ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko syang nakaupo sa kama ko habang nagsu-sway ang mga paa nya.

"Ang tagal mo namang maligo." bungad nya kaagad sa akin nang makita nya akong kalalabas lang ng banyo

Hindi ko sya pinansin at nag-ayos lang ako ng sarili ko. Dinampot ko sa kama ko 'yung vest ng uniform ko at tsaka sinampay sa balikat ko at dere-deretso sa paglabas ng kwarto.

Isinara ko ng pabalibag ang pinto at medyo nagulat pa ako ng konti nang bigla na lang syang tumagos sa may pintuan ko.

Ano pa bang ie-expect ko? Eh multo nga sya diba?

Di ko pa din sya pinansin at bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa kusina para mag-breakfast.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng bigla syang sumulpot sa harapan ko.

Yung out of nowhere ay bigla na lang lumitaw ang mukha sya harapan ko ng sobrang lapit talaga. Naibuga ko pa tuloy 'yung kinakain ko sa kanya pero tumagos lang 'yun sa mukha nya.

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon