Happy Valentines sa inyong lahat!
Sorry din sa matagal kong pagkawala sa wattpad world. :)
Bear with the typo's please.
Chapter 15
Family Day
Skyler's POV
Naglalakad kami sa hallway at sa amin na naman nakatuon ang atensyon ng lahat ng estudyante na madadaanan namin. Magkakasama kami ngayon nila Ace at Trevor. Si Terrence kasi ay hindi sumabay sa amin sa pagpasok sa kadahilanang tinatamad daw siyang pumasok.
nakatanggap nga ako ng tawag sa kanya na hindi na daw siya papasok pero after lang ng ilang minuto ay nakatanggap ulit ako ng tawag sa kanya at sinasabi niya na papasok na daw pala siya.
Yung way pa ng pagkakasabi niya na papasok na siya ay para lamang siyang napipilitan. Minsan talaga may pagka-weird din ang isang yun at hindi namin maisipan ang tumatakbo sa isipan niya.
"Hay nako! Patay na patay na naman sila sa ka-gwapuhan ko. Palagi na lang nilang sinasamba ang alindog na taglay ko." pagyayabang ni Ace at feel na feel pa ang paglalakad na akala mo ay isang modelo na rumarampa sa isang fashion show
"Baliw! Ako ang sinasamba nila. At tumigil ka nga diyan Ace dahil hindi ko makita ang ka-gwapuhan na pinagmamalaki mo. Ibulsa mo na nga lang yang mukha mo." sabi naman ni Trevor na ayaw magpatalo
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kanilang dalawa. Nakita ko pa ang pag-pout ni Ace na akala mo ay nalugi. Parang bata talaga ang isang 'to.
Kung sila ay tuwang-tuwa sa attention na nakukuha nila puwes ibahin niyo ako. Ako kasi yung tipo ng taong ayaw ng atensyon. Naco-conscious nga ako sa mga titig nila sa akin. Wala naman akong magawa dahil ayoko namang pagbawalan sila dahil iisipin nila na ang rude ko kapag ginawa ko yun.
"Good morning, Mr President." bati sa akin ng makasalubong ko ang vice president ng student council sa Seirin High
"Good morning din." ganting bati ko sa kanya at nginitian ko na lang siya at dumiretso na sa paglalakad.
Tama kayo sa pagkakabasa. Sa kasamaang palad ay ako ang naging President ng Student Council at sobrang laki ng pasasalamat ko sa mga magagaling kong kaibigan. Note the sarcasm please. Nagkapustahan kasi at kung sino ang matatalo sa deal na iyon ay siya ang tatakbo sa election na iyon. At sa kasamaang palad ay ako nga ang natalo kaya ako ang napilitan tumakbo bilang presdente.
Naaalala ko pa nga na walang tumakbona Presidente sa nakalaban kong partido dahil sure win na daw ako at mapapahiya lang daw ang kakalaban sa akin.
Sa totoo lang ay ayaw ko ng posisyon ko na 'ito noong una dahil wala naman akong alam sa leadership na ganito at tsaka dahil na rin na napilitin lang naman talaga ako pero ng kalaunan na ay nagustuhan ko na din at napamahal na rin sa akin ang ginagawa ko.
Bising-busy sa paghaharutan sila Trevor at Ace ng matigilan kaming tatlo sa paglalakad dahil maraming tao sa auditorium. Hindi dahil sa nahihiya kami dahil sa sobrang ingay nilang dalawa kundi dahil sa nakita naming set-up sa buong lugar ng auditorium.
Nakasulat sa harapan ang malaking karatrula na may nakasulat na 'FAMILY DAY'.
Pagkatapos naming basahin iyon ay narinig ko na lang ang sunod-sunod na pagmumura ni Ace at Trevor.
"WTF! Bakit hindi ko alam na ngayon na pala ang lintek na Family Day na 'yan." naging seryoso na silang dalawa at bakas na bakas na sa mukha naming tatlo ang pangamba.
BINABASA MO ANG
Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]
HumorWhat will happen if a ghost gives you two wishes? Will you use it to make the things right or to make the things worst? And is it possible that a man can fall in love with a ghost? [Cover Created by: btswifegfx] [Collaboration with: johncris14]