Dalawang tao na ang gumawa ng chapter na ito kaya sana magustuhan niyo. Pinaghirapan namin yan ng co-writer kaya asahan ko magandang feedback niyo.
Chapter 17
Start of Something New
3rd Person's POV
Panibagong araw na naman ang dumating. Natapos din ang isang masalimuot na araw para sa kanilang lahat.
Palakad-lakad lang sa hallway ng mansion si Ginny at hindi alam kung ano ang dapat niyang gawin. Magpapatay-malisya na lang ba siya o kailangan niya bang i-comfort si Terrence? Halos mabaliw na siya ng tuluyan sa pag-iisip.
Baka tuluyan na nga siyang mabaliw kapag nagkataon gaya ng palaging sinasabi sa kanya ng binatang si Terrence.
Naka-ilang balik na siya sa paglalakad ng bigla siyang matigilan dahil naglalakad papalapit ang dalawang kasambahay nila Terrence sa kwarto ng binata.
Nagtutulakan pa ang dalawang ito at tila ba may pinagtatalunan pa ang dalawa. Nilapitan niya ang mga ito at pinakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Ikaw na kasi." Sabi ng isang katulong sabay tulak ng mahina sa kasamahan niya
"Ikaw na lang noh. Kahit patay na patay sa akin si Sir Terrence ay hindi tatalab ang alindog ko kapag beastmode siya." Sabi naman ng isa at itinulak ng mas malakas ang kasama niya
"Grabe ka naman makatulak. Baka makunan ako. First baby pa naman namin ni Sir Terrence to." Sabi nito at hinimas pa ang tiyan na kung makaasta ay akala mo na may laman nga ang sinapupunan nito
"Gaga ka talaga! Wag ka ngang ilusyunada. Nasa sinapupunan ko ang anak ni Sir Terrence." Hindi nagpatalo ang isa at hinimas din nito ang sariling tiyan
"Malandi ka! Paano mo nagawa sa akin 'to? Itinuring kitang matalik na kaibigan ko tapos kapag nakatalikod ako ay nilalandi mo pala si Sir Terrence? Paano na lang ang magiging anak namin?" Pag-iinarte ng isang kasambahay at may paiyak-iyak pa itong nalalaman.
"Sorry na. Tao lang ako. Marupok. Nadadala din sa tukso. Napakaharot naman kasi niyan ni Sir Terrence. Pinagsabay tayong dalawa." Umarte din ang isa na umiiyak at nagyakapan pa ang dalawa.
Tuwang-tuwa si Ginny habang pinapanood ang dalawang babae sa kanyang harapan. Napapahagikgik pa siya dahil sa sobrang tuwa. Feeling niya makakasundo niya ang dalawa. Kung pupwede nga lang sana ay makikisali siya sa usapan ng mga ito.
Habang nasa kalagitnaan ng kadramahan ang dalawang baliw na kasambahay ay mayroong malakas ng bagay na tumunog mula sa loob ng silid ng kanilang amo. Pareho silang nataranta dahil sa kanilang narinig kaya kaagad silang naghiwalay na dalawa at nagpanggap na kunwari ay naglilinis.
'Yung isa ay kunwaring nagpupunas ng mga kasangkapan at 'yung isa naman ay kunwaring nagpupunas ng sahig. Pagkatapos nun ay pasimpleng umalis ang dalawa. Mukhang wala na naman sa mood ang kanilang amo at ayaw nilang makatikim ng sermon mula rito.
Napakamot na lang sa ulo si Ginny habang pinagmamasdan ang papaalis na pigura ng dalawang babae. Ang akala pa naman niya ay may mang-gigising na kay Terrence pero mukhang siya pa pala ang gagawa nito.
Pero naiintindihan din naman niya ang dalawang kasambahay dahil hindi biro gisingin ang isang Terrence Chase Smith. Kahit siya na multo na ay natatakot pa din na gisingin ang binata.
Kailangan niya kasing gisingin ang binata dahil may exam ito sa araw na 'to at maaapektuhan nun ang kanyang grade kapag hindi siya nakakuha ng exam. Paniguradong pahirapan na naman na gisingin at pamimilit ang kanyang gagawin para lamang makumbinsi ito na pumasok.
BINABASA MO ANG
Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]
HumorWhat will happen if a ghost gives you two wishes? Will you use it to make the things right or to make the things worst? And is it possible that a man can fall in love with a ghost? [Cover Created by: btswifegfx] [Collaboration with: johncris14]