You can watch the trailer of OMGG at the multimedia box. Pagpasensiyahan nyo na lang dahil first time ko lang gumawa ng trailer sa isang story.
Thank you pala sa co-writer ko na si johncris14 sa pag-upload ng video. Hahaha!
Chapter 16
First Wish
3rd Person's POV
Sa hindi kalayuang bar ay makikita ang isang lalaki na animo ay wala sa sarili. Lasing na lasing ito at tila hindi alam kung ano ang kanyang pinag-gagagawa.
Magmula ng umalis ang binata sa paaralan ay sa bar na ito kaagad dumiretso at nilunod ang sarili sa alak. Wala siyang paki-alam sa kanyang paligid basta ang mahalaga lamang ay mai-alis niya kahit panandalian ang sakit ng pangungulila sa kanyang mga magulang.
Kanina pa nambubulahaw ang cellphone nito na nakapatong sa ibabaw ng lamesa na punong-puno ng mga bote ng alak. Sa dami nito ay hindi mo na mabibilang pa. Maraming customer ang naiinis dahil sa ingay ng telepono nito pero ni isa ay walang naglakas-loob na kausapin ang binata para patigilin ang maingay na telepono dahil kilala nila ito at walang sinasanto lalong-lalo na at lasing na lasing ito.
"THIS WORLD IS FVCKING UNFAIR!!!" sigaw ng binata sabay tungga sa bote ng alak
Gulong-gulo ang isipan ni Terrence ng mga oras na iyon. Kahit sobrang dami na ng alak na nainom nito ay tila hindi padin ito nalalasing dahil nakakapag-isip pa din ito kahit papaano.
"IT'S UNFAIR!!!" Muling sigaw ng binata ngunit sa pagkakataong ito ay nasundan ng hikbi ang pagpalahaw nito. Maka-ilang ulit nitong sinuntok ang malapit na pader at kahit na dumudugo na ang kamao nito ay hindi pa din ito tumitigil.
May mga nagtangkang awatin ito sa ginagawa pero lahat ay nakaramdam ng takot nab aka sila ang mapagbuntungan ng init ng ulo nito.
"BAKIT?! BAKIT ANG MGA MAGULANG KO PA ANG KAILANGAN MAWALA SA MUNDONG ITO! BAKIT HINDI NA LANG 'YUNG MG TAONG HALANG ANG KALULUWA! BAKIT?!" Paulit-ulit nitong sambit at ng mapagod na ito sa kakasuntok sa kawawang pader ay pabagsak nitong inupo ang sarili sa mahabang sofa ng bar.
Ang kaninang pag-hikbi nito ay sinundan ng pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mata. Napatawa si Terrence ng pagak ng mapansin niya ang likidong pumapatak sa kanyang mata. Pinupunasan niya ang kanyang mata para tuyuin ang mga luha pero kahit anong pilit niyang gawin ay hindi umubra dahil patuloy lamang ang pagbagsak ng luha sa mga mata nito.
Habang miserable si Terrence sa kinauupuan nito ay awang-awa si Ginny habang pinagmamasdan ito. Hindi niya sukat akalain na ganito pala kalalim ang naiwang sugat ng pagkawala ng magulang nito sa kawawang binata.
Gustong-gustong tulungan ni Ginny ang binata ngunit wala siyang magawa kundi ang panoorin na lamang ito sa sitwasyong iyon. Ni hindi niya magawang mahawakan man lang si Terrence para akayin na at iuwi ito sa bahay upang makapag-pahinga. Babantayan na lamang niya ito para hindi ito mapahamak.
Muli na namang umingay sa ibabaw ng lamesa ang telepono ni Terrence at pinaka-titigan niya iyon ng matagal. Animo'y nagdadalawang isip kung sasagutin ba niya ang tawag o hahayaan na lamang ba niya.
BINABASA MO ANG
Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]
HumorWhat will happen if a ghost gives you two wishes? Will you use it to make the things right or to make the things worst? And is it possible that a man can fall in love with a ghost? [Cover Created by: btswifegfx] [Collaboration with: johncris14]