Chapter 3 Ginny

520 21 4
                                    

Chapter 3

Ginny

Terrence POV

"Ano ba?! Pwede bang mamirmi ka lang sa isang tabi?" sigaw ko sa kanya

Kanina pa kasi sya palutang-lutang sa ere. Enjoy na enjoy sa pagtingin sa mga gamit ko dito sa kwarto.

"Eh kasi naman sobrang laki ng kwarto mo. Ang gaganda pa ng mga gamit. Alam mo ba na gantong malalaking kwarto ang trip na pamahayan ng mga multo?" sabi nya at lumapit sya sakin.

Napalunok na lang ako dahil sa sinabi nya.

Ganun ba 'yun?

"Hoy! Magtigil ka na nga dyan. Binabawi ko na pala yung sinabi ko sayo kanina. Ayaw ko ng pumayag dun sa deal mo. Maghanap ka na lang ng ibang guguluhin." sigaw ko sa kanya at humiga na sa kama ko

"Waaaahhhh! Wala ng bawian noh. Pumayag ka na kanina kaya di ka na pwedeng mag-back out." sabi nya at humiga din sya sa tabi ko

Automatic kaagad ang naging response ng katawan ko, napatayo kaagad ako bigla sa pagkakahiga ko. Baka mamaya bigla pa akong sapian nito. Mabuti nang nagiingat.

"Ang OA mo naman. Akala mo naman may sakit ako na nakakahawa kung makaiwas ka dyan." sabi nya sabay pout pa

Tsk! Ibang klase talaga sya.

"Alam mo ba na mas malala ka pa dun sa sinabi mo? Multo ka! Alam mo ba ang ibig sabihin nun?!" inis na sabi ko sa kanya

"Huhuhu! Ang hard mo naman sakin Terrence!" sabi nito at mas lalo nya pang inginuso ang bibig nya

"Para ka talagang bata!"

"Eh bata pa naman ako eh!"

"Whatever! Umalis ka na nga dyan sa kama ko. At umalis ka na muna dito. Kailangan ko ng privacy at baka mamaya halayin mo pa ako habang natutulog na ako." sabi ko at binato ko sa kanya ang unan pero as expected tumagos lang sa kanya iyon

"Aaaww! Ang mean neto. Di kita type noh." sabi nya at umalis na sya sa kama ko

Huh! Di nya daw ako type?

Ako? Si Terrence Chase na kinababaliwan ng mga babae ay dinededma lang ng isang 'to?! Di talaga ako makapaniwala

Pero sabagay, baka iba ang taste ng mga patay na.

Humiga na ako sa kama at nagtaklob na kaagad ako ng kumot sa mukha.

Sana paggising ko isa lang 'tong malaking bangungot at mawawala din 'to bukas. Sana ganun nga ang mangyari!

Lord! Ganun ba ako naging kasama para parusahan nyo ako? Promise magpapakabait na ako pero konti-konti lang po ah. Di ko kaya ng biglaan eh.

"Terrence! Wake up! Di ka pa pwedeng matulog. May mga kailangan pa akong sabihin sayo. Dali na! Bumangon ka na dyan." sabi nya at nagulat ako ng biglang yumugyog ng sobrang lakas ang kama ko

"What the F*ck! Balak mo bang sirain 'tong kama ko?!" sigaw ko sa kanya

"Hindi naman eh! Tsaka mukha namang matibay oh! Tignan mo buo pa hanggang ngayon. Hehehe." sabi nya at nag-peace sign sya sa pwesto nya

Kung pwede ko lang talaga syang saktan, ginawa ko na kanina pa. Nakaka-irita na sya!

"Ano bang sasabihin mo at nang matapos na 'to?" iritableng sabi ko sa kanya

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon