Chapter 1 The Incident

1K 42 22
                                    

This is the pilot chapter of Oh My Genie Ghost! Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa at suportahan nyo 'ito hanggang sa matapos ito.

Ang plano ko talaga sana ay gawing English ang buong story. Pero dahil sa pamimilit sa akin ng co-writer ko ginawa ko na lang tagalog ito. Pasalamat kayo sa kanya. Hahaha

And again! May co-writer ako sa pagsulat neto. Try reading his works or follow nyo na lang sya @johncris14. Simply click the name at the dedication.

I-add nyo din pala ako sa Facebook. Nam Thgindim ang name ko doon. Pwede nyo akong kulitin and at the same time maging kaibigan! Click the external link below.

Chapter 1

The Incident

Terrence POV

I am driving my car at full speed. Lahat ng mga sasakyan sa daan ay naggi-give way para makadaan ako. Yeah! That's the life! Matuto silang tumabi kung mahal pa nila ang buhay nila.

Nang malapit na akong mag-park ay nag-drift ako at halos lahat ng taong nakakita ay namangha.

"WOW!"

"Ang angas talaga nya."

Narinig kong sabi ng mga tao na nakakita sa ginawa kong pagdi-drift.

Kinuha ko yung uniform ko at isinabit ito sa balikat ko then lumabas na ako sa kotse ko.

Lahat ng maka-kita sa akin ay nagbibigay galang at binabati ako ng good morning. Pero kahit isa sa kanila ay wala akong pinansin. Dere-deretso lang ako sa paglalakad.

Nang malapit na akong makapasok sa lobby ay may babaeng humarang sa daraanan ko at may inaabot sa aking regalo. Tinitigan ko lang ang inaabot nya at lalampasan ko na lang sana sya ng may bigla akong maisip na idea.

"Para sa akin ba 'to?" sabi ko habang nakangiti sa kanya

"O-oo. S-sana tanggapin mo." nauutal pa nyang sabi

Nakita kong napangiti sya ng kunin ko mula sa kamay nya ang regalo at napa-angat ang kaninang nakayukong nyang mukha.

Nakita ko na nagulat lahat ng taong nanonood dahil sa ginawa ko. Siguro nagulat sila dahil ito ang first time na nakita nila akong kumuha ng regalo mula sa admirer ko.

"Salamat dito----" sabi ko at itinaas ko yung regalo na ibinigay nya

Nilampasan ko na sya at nang may makita akong basurahan ay itinapon koo doon yung regalo.

"Oh Sh*t! Nadulas sa kamay ko. Madumi na kaya di ko na pwedeng pulutin." ngumisi muna ako dun sa babae bago umalis ng naka-ngiti

Nagtawanan lahat ng nakakita at nakita kong tumakbo ang babae kanina habang umiiyak.

She deserves it! Masyado syang attention seeker.

Naglakad na ako papunta sa classroom namin. Lahat ng babaeng madaanan ko ay di mapakali sa pwesto nila. Tssss!

Nang makarating na ako sa room biglang natahimik ang maingay na klase at lahat ay kanya-kanyang upo sa upuan nila.

Bago ako umupo ay sinapa ko ang naka-kalat na upuan malapit sa pwesto ko. Lahat sila ay nagulat at yung iba napatalon pa sa pwesto nila. Dali-dali namang lumapit ang isang lalaki at inayos ang upuan.

'N-Nako! So-sorry. Hayaan mo, hindi na mauulit." sabi nya at yumuko muna sa akin bago umalis sa harapan ko.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganun ang trato sakin ng lahat ng estudyante. Lahat sila ay takot sa akin.

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon