Chapter 6 Perv Ghost

495 22 16
                                    

Author's Note:

Here's the update. Enjoy these Chapter as much as I do. Basta natutuwa ako habang tina-type ko 'tong update. Hahahaha!

BTW, follow nyo pala yung co-writer ko sa story na 'to. @johncris14 Basahin nyo din pala mga gawa nyang stories. I swear magaganda din gawa niya. :) Just click the external link below.

 

Chapter 6

Perv Ghost

Terrence POV

"Ikaw na lang ang kumatok kay Sir."

"Anong ako? Ikaw na noh! Nakakatakot kaya si Sir tuwing umaga. Baka sigawan pa ko nun or worse baka tanggalin pa ko sa trabaho."

 

Ang aga-aga ang daming maingay.

 I lazily covered my face using the blanket and ignore those two shitty maids. It's 7am in the morning and I don't want to go to school because I'm damned sleepy.

"Pssstt!"

I try to ignore this crazy girl but she's crazy as hell that I can't resist her childish act.

"Ano ba?! Nanggugulo ka na naman?! Can't you see that I'm sleeping here?!" sigaw ko sa babaeng multo na 'to na kanina pa ako niyuyog

"Waaahh! Ang scary-scary mo naman, Terrence. Kahit akong multo ay natatakot sayo eh." sabi niya habang naka-pout

"Tssss!"

Hindi ko na siya pinansin at bumalik na ako sa pagkakahiga ko. Ayokong masira ang araw ko dahil sa kanya kaya mas mabuti pang matulog na lang ulit ako.

"Terrence naman eh. Alam mo ba na kanina pa nagtuturuan sila ateng nasa labas kung sino ang kakatok para gisingin ka? Nakaka-awa na nga sila eh. Labasin mo na muna sila." pangungulit na naman niya

"I don't really care, okay?! So shut the hell up!" inis na sabi ko sa kanya at binato ko sa kanya ang unan pero gaya ng inaasahan ko ay tumagos lang sa kanya 'yun

"KAPAG HINDI KA PA BUMANGON DIYAN ISASAMA NA TALAGA KITA SA KABILANG BUHAY! I'M SERIOUS AS HELL TOO!"

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.

I swear! This girl really gives me a chill. Natakot talaga ako sa sigaw niya. Lahat ng balahibo ko sa katawan ko ay nagtayuan.

Dali-dali tuloy akong napatayo sa pagkakahiga ko at nawala lahat ng antok ko dahil sa sigaw niya. Note to myself na wag siyang masyadong gagalitin dahil sobra siyang nakakatakot.

"O-Okay! F-Fine! Babangon na. Sabi ko ngang papasok ako sa school ngayon."

Damn! Bakit ba ako nauutal?

"Effective pala 'yung napanood kong drama? Hehehe! Dun kasi sa napanood ko sinigawan at tinakot ng nanay yung anak niya para lang mapapasok sa school. Ang galing! Hehehehe!" natatawang sabi niya habang pumapalakpak pa

Ako naman ay nakatulala at nakanganga dahil sa sinabi niya? What the hell? She's just joking around?!

"Makikinuod nga ulit ako kila ateng maid mamaya kapag breaktime nila. Hehehe! Baka may makuha ulit akong technique. Tama! Tama!" dagdag niya pa sa sinabi

I swear! She's crazy!

Lumapit na ako sa pinto para paalisin 'yung dalawa doon. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong kakatok na sana silang dalawa at naka-angat ang kamay nilang dalawa sa ere.

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon