Chapter 8 Trouble

311 15 7
                                    

Attention: I need a bookcover maker. Please PM me guys kung marunong kayo. Maraming salamat! :)

BTW, ang characters sa story na 'to ay sina:

Kim Sae-ron as Ginny

Nam Woo-hyun as Terrence Chase Smith

Sila ang napili ko dahil bagay na bagay sa kanila ang character. Panoorin nyo 'yung "Hi School Love ON". Para makita nyo na bagay talaga sa kanila ang role.

Enjoy the chapter.

Chapter 8

Trouble

Terrence POV

"Sige na kasi, Terrence. Pumayag ka na oh. Parang di mo naman ako kaibigan."

Tsss!

"A-YO-KO! Alin ba sa salitang 'yun ang hindi mo maintindihan?"

Kanina pa ako kinukulit ni Trevor na dito daw silang tatlo makikitulog sa bahay. Hindi naman kasi problema sa akin 'yun eh. Malaki naman ang bahay at maraming available rooms. Dati naman hinahayaan ko lang silang matulog dito sa bahay. Pero dahil sa isang insidente na 'yun, hindi ko na sila hinayaang matulog pa ulit sa bahay.

Lalong-lalo na 'to si Trevor.

Nabalitaan ko kasi na grounded siya dahil na naman sa kalokohan na ginawa niya. Buti nga sa kanya. Na-cut ang mga bank accounts at confiscated lahat ng gadgets niya. At dahil wala siyang pera ngayon, siguradong gagawin na naman niyang motel ang bahay ko.

Asa naman siyang hahayaan ko siya.

"Pare, maawa ka naman sa'kin. Ilang araw ng zero ang sexlife ko kaya tigang na tigang na ako. Hindi ka naman makatao sa ginagawa mo." pangungumbinse pa niya sa akin

"Wala akong paki-alam diyan sa sexlife mo! Kaya mag-tigil ka na. Hindi ba pwedeng magtiis ka na lang muna? Tyaga-tyaga ka muna. Kung di ka kasi nagpahuli sa dad mo, edi sana hindi ka nahihirapan ngayon." sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya at pumasok sa entertainment room.

Nadatnan ko sa loob si Ace at Sky na busy sa paglalaro sa xbox.

"Waaaaahhh! Ang daya mo naman Sky. Magpatalo ka naman kahit minsan oh." pilit inaagaw ni Ace ang controller kay Sky para guluhin 'to sa paglalaro pero naiiwas naman si Sky ang console kaya mas lalong naiinis si Ace sa kanya

"Ayan tuloy! Huhuhuhu! Talo na naman ako. Madaya ka talaga. Siguro may cheat ka noh? Share mo naman sakin para matalo ko sa Terrence kapag naglaro kami." sabi ni Ace at lumapit kay Sky habang hawak-hawak ang laylayan ng damit nito.

"Wala! Sadyang weak ka lang talaga. Hahahaha!" biro ni Sky kay Ace

"Waaaahh! Madaya! Makasarili! Sakim! Di mapagbigay! Mang-aagaw! Mangggamit! Hmmm? Ano pa bang kulang?" sabi niya habang ang kamay ay nasa ilalim ng baba niya at parang tanga na nag-iisip doon.

Umupo ako sa couch at kinuha ang phone at naglaro na lang doon. At gaya nga ng inaasahan ko ay sumunod sa akin si Trevor. Talagang di ako titigilan ng isang 'to. Tssss!

"Terrence naman! Mahabag ka naman sa akin. Parang awa mo na. Gusto mo lumuhod pa ako sa harapan mo?"

"Tumigil ka nga diyan! Para kang tanga. Kahit anong gawin mo ay HINDI pa din ang sagot ko." pinag-diinan ko pa ang salitang HINDI para maintindihan niya

"Haaayy! Ang hirap mo namang i-please. Payag ka na kasi."

"Kung gusto mo bibigyan na lang kita ng pera at doon na lang kayo sa motel ng bago mong girlfriend." suko na ako sa kakulitan niya dahil mukhang hindi niya talaga ako lulubayan

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon